Wizard's Tale 1: Chapter 18

185K 4.5K 326
                                    


(Alyanna POV)


Ang weirdo na talaga ng amo ko! Although from the start eh hindi naman na talaga ordinaryo si Brylle. "Galit-galitan ka, eh hindi naman nangingitim ang crystal sa singsing ko."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito at nanggugulo ka?"

"Hinahanap ko si Vander. Magti-three days ko na siyang hindi nakikita eh. Nakaka-miss!"

"Inutusan ko papunta sa Otherworld. Gusto mong puntahan? Ipapadala rin kita dun."

"Sungit!" Tapos umalis na ako sa harap niya, baka kasi tuluyan na talaga siyang magalit saakin. Actually, kaya ko lang naman siya kinukulit ay dahil nacu-curious talaga ako sa mga ikinikilos niya.

After kasi nung nangyari dun sa Atrum Forest, parang nagbago na naman ang pakikitungo ni Brylle saakin. Siguro nga natutunan na niya akong pahalagahan. Nag-alala pa nga siya nang malagay ako sa panganib.

"Brylle..."

"Ano na naman!" Busy-busyhan kasi ang kumag! Pero hindi talaga ako naniniwala na may ginagawa siya.

"Naninigaw ka agad! Di ba sabi mo day off ko ngayon? Aayain sana kita sa labas. Uunahan na kita, hindi yun date!"

Pinaningkitan naman niya ako ng mata. "Ayoko."

"Sige na! Dagdagan natin ang social life experience mo! Pati na rin yung saakin. At saka hindi ko pa kasi nagagawang mamasyal dahil pinagbabawalan ako ng tiyahin ko noon! First time ko lang 'to kung sakali!"

Pagkasabi ko nun, saka siya napatingin saakin.

"Sige na, wala ka naman talagang ginagawa eh. Samahan mo na lang ako."

"Alam mo, ikaw na ang pinakamagulo, pinakamakulit at pinakamaingay na taong nakilala ko! Nakakasakit ka ng ulo!" Tumayo siya kaya napaatras ako. Ow no! Galit na ba siya?

"O—oo, sige na hindi na kita kukulitin! Sabi ko nga aalis na lang akong mag-isa eh."

"Saan ba tayo pupunta?" Ay biglang ganun?

"Hindi ko rin alam kung saan magandang pasyalan kaya nga gusto kitang isama. Baka sakaling may alam ka."

"Tsk! Ngayon lang 'to, Alyanna Rohan!" Nauna na siyang maglakad palabas kaya sumunod ako sa kanya.

"Ang init ng ulo, sasama rin pala. Nauna pa siya!" Nilingon niya ako pero nginitian ko siya. Pang-asar lang! Ahaha! Excited na ako! Makakapasyal na rin ako sa wakas!

Pero yung excitement ko, siguro mga after thirty minutes ay naglaho din ng parang bula. Paano ba naman, dinala niya ako sa isang gubat! Gubat na naman! Walang mall o ibang pasyalan siyang alam?

"Kung galit ka saakin Brylle, please wag mo naman akong iligaw sa gubat na yan. Wala nga sigurong Warg dito, pero ibang mababangis na hayop naman ang aatake saakin dyan."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko, "Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Dapat pala sa Atrum Forest na lang nga uli kita dinala."

"Eh! Bakit tayo nandito? Napakalayo nito sa kabihasnan! Di ba sabi ko sa pasyalan tayo? Social life, Brylle! Nasaan ang social life sa lugar na 'to?"

"Social life ba? Hindi ko kailangan nun." Nag-inarte na naman ang wizard! "Pero kung gusto mo talaga ng lugar kung saan mararamdaman mong talagang namamasyal ka, ito na yun."

"Eh mawawala nga tayo dyan."

"Mawawala ka kung ililigaw kita sa sobrang pagkapikon ko sayo! Itikum mo na nga yang bibig mo at sumunod ka saakin." Minsan ang hirap talagang intindihin ng mga lalaki! Lalo pa kung isang wizard yun! "Tara na!" At lalo pa kung si Brylle Zaffiro ang pinag-uusapan!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon