"Tabi nga dyan."

"Waaaaah!!!"

Lahat ng attensyon ng tao sa buong cafeteria, napunta sakin.

Paano ba naman, eh habang naglalakad ako at naghahanap ng upuan, biglang may nabangga akong isang magandang babae. Ang ganda ng ayos, ang ganda ng buhok, ang ganda ng lahat!

Onga pala, si Claudette to. Remember her? Read the past chapters.

Kaya ang labas, ayun. Lahat ng spaghetti at iced tea, napunta sa buong katawan ko. Sa buhok, sa mukha, at sa damit. Lahat-lahat na. Napaupo rin ako sa sahig nun kasi nawalan ako ng balance sa sarili ko.

Ilang segundo pa, narinig ko na ang tawanan ng lahat ng taong nasa loob ng cafeteria.

Oh no, hindi nangyayari to. :(

"Oops, mag-ingat ka sa susunod, okay?" //sarcasm// yun ang narinig kong sabi ng babae at umalis na. Hindi man lang siya nagtangkang tulungan ako o ano.

"Apologize."

Natigil lahat ng tawanan nang may marinig kaming boses ng lalaki na nanggagaling sa likod ko. Tumingala ako upang tignan kung sino yun.

"K-Kier..." nauutal na sabi ni Claudette. "What are you talking about?"

"Ang sabi ko, mag-sorry ka sa kanya. Yan, tagalog na yan baka sakaling maintindihan mo na."

Natulala lang ako habang nag-uusap sila.

"For what? Siya yung nakabunggo sakin!" nagrereklamo si Claudette.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon