Chapter@5

1 0 0
                                    


"Gising na!!"

Hmmmmmm

"Gising na!!"

Fudge!! Im sleepy pa hindi kasi ako nakatulog ng maaga like nakatulog ako mga 4 am na and time check? 6:06?!!!! Oh no!! 2 hours of sleep and im so sleepy!!! Can i still stay lying down just for another hour? Or 30 minutes? Fudge?!

Nag-inat nalang ako at nagdesisyon kamin tatlo na maligo nalang. Pumila kami ng ilang oras bago makaligo. Pagkabalik namin inalok nila kami ng milo which is tinanggap naman namin. Hindi muna ako nagsuklay ng buhok dahil tinatamad pa ako.

Nakatulala ako ng marinig ko si rian nagsabing.. "Anong cologne mo kuya ryan?" Medyo nagulat ako dun? Crush kaya ni rian si kuya ryan? Tumingin naman sa dereksiyon ko si kuya ryan at nahihiyang tumawa si kuya bago sinagot si rian? Naku, nahiya pa.. Binalik ko nalang ang tingin ko sa unahan tapos nagmuni muni.

Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. "Milo? San kayo kumuha ng mainit na tubig?"

Tinuro ko naman sa labas. "Andun sa labas? Yong nasa ibabaw ng kalan. Kumuha lang daw sabi ni ate kimay kanina if gusto mong uminom."

Tumango tango naman siya at umalis. Bumalik siya na may dalang tasa. "Medtech kayo diba? Mahirap ba?"

Tumango tango naman ako na nakangiti. "Oo sobra!! Hahaha hindi ko nga alam kong makaka graduate ako eh.. Hehehe."

Nakangiti naman siyang umalis. Tapos tumingin ako sa katabi ko si kuya jeck lang pala.. So far siya yong palagi kong kausap sa kanilang tatlo. Medyo masarap kausap kasi tong isang to eh. Si rian naman minsan lang kausapin si kuya jeck palagi niya kasing kinakausap is si kuya ryan. Alam mo kahapon ko pa to napapansin eh. May gusto ba talaga si rian kay kuya?

Well, nagulat ako ng may marinig akong mga tawanan which is sila kuya ryan, joshua at kuya rey lang pala na nag wre-wrestling. Ang adik lang ng tatlong to. Natatawa ako sa kanila, napakakulit!!!

Nang mag 8:00 na bumalik na kami sa training room at nagulat ako ng umupo si kuya ryan sa likod namin. Kebs lang naman kaming tatlo at wala ni isang may lumingon sa kanya kaya maya maya nag transfer siya dun sa tabi ni kuya joshua na nasa kabila. Wala lang naman kaming ginawa kundi nag quiz ng about sa lecture.

Tapos pinapila kami ulit tapos nilagyan ng blindfold which is dala ko na. Tapos kinalat kami ako? Nasa labas ulit ako at hindi ko na alam kung anong nangyayari maliban sa kailangan naming magbilang ng 1-30 na hindi dapat nagkakasabay. Like dapat bibilang si kuya ryan ng 1 tapos merong sasabat na 2 at susunod ang 3 and so on na dapat hindi o wala dapat may magkasabay hanggang sa makaabot sa 30 at kada tao isang numero lang. Random siya if feel mong sumigaw isigaw mo basta siguraduhin mo na ikaw lang yong sisigaw. Challenge diba?

Nakaka ilang ulit nga kami eh. Swear guys ang hirap pero after ng ilang oras na tapos din naman namin. Ng pinatanggal na yong blindfold kaharap ko pala si kuya ryan tapos kalapit ko lang dito sila kuya xander at ate mj. Yong dalawa? Andun sa loob? Swerte nila. Kasama mga high school at oba pa naming ka schoolmate.

Binigyan muna kami ng 20 minutes para magpahinga at after non ang assemble daw eh yong sa harap ng room namin. Kaya dun nalang kami tumambay. Naglaro laro muna kami ni rian like sasampa siya sa akin tapos maglalakad ako. Tapos minsan naman kinakausap kami ni kuya joshua which is sila lang ni rian at jade ang sumasabat. Hahaha eh nahihiya ako eh... Aneybe!!! Hahahahaha

So pinapila kami uli one line lang tapos blindfold ulit tapos pinahawak yong balikat ng unahan namin sa likod ko si rian pinagtritripan yong likod ko. Tsk. Nasa unahan ko kanina si kuya jeck pero naputo. Ata sa kanya kaya ako yong naging unahan. Pinaglalaruan naman ng high school na officer yong kamay ko.. Ang lambot lambot ng kamay niya.

Tapos pinalakad na kami syempre ginabayan kami tapos parang may mga pbstacle kaming dinaanan. Ang saya!!! Ewan ko sa kanila kasi ako na sasayahan ako pag nakakaranas ako ng ganito eh..

Hanggang sa nakaabot kami sa open space tapos dinala ako sa ibang parte tapos pinahawak sa akin yong rope tapos dapat ang main goal is makalabas ka sa never ending maze daw. Ang hint pwede ka mag ask question or help..

Ilang minuto na ako pa balik balik pero hindi pa rin talaga ako nakakalabas nakakainis ha?! Yong iba naman nakalabas na!! Mas lalo tuloy akong nainis. Hanggang sa madaanan ko na si rian si jade pati narin si kuya ryan.. Nagulat pa nga siya dahil kilala ko siya sa cologne niya palang kaya. Ang bango bango kasi eh.

After ng 1200 minutes nakalabas ako ng buhay sa maze.. Di joke lang.. Yong hint pala yong sagot which is secret.. Basta andun sa hint yong sagot.. Kaya nakaupo ako ngayon dito sa bleacher na surpresa talaga ako na yong maze? Akala niyo kung ano? Maliit lang siya guys na paikot-ikot at marami lang talagang pa sikot sikot.

Ilang minuto nakalabas na din si jade tapos tumabi siya sa akin. Tapos mga ilang minuto din pina stop na sila at tinipon. Ang lahat ng nakalabas pinatabi which is nagulat din ako dahil si kuya joshua tumabi sa akin tapos sumunod yong ibang mga schoolmate namin. Yong naiwan which is kasama si rian? Hindi naman sa pinagalitan kundi pinagsabihan ng mga aral na pwede nilang makuha.. Angsabe?

Basta marami pa kaming pinagdaanan na mga challenge. Kung Ano-anong pinaggagawa namin dun hanggang sa matapos na ang camp at nagkaroon ng closing program. They welcome us bilang mga bagong member ng organization at dun kami talaga parang nag-usap ni kuya joshua. Oh kupido?! Bakit mo ito pinana?! Nagulat pa nga ako non eh kasi ang daming daming upuan tumabi siya sa akin na nakasandig ati na rin si kuya ryan na pinagigitnaan ako pero nag transfer ako para umupo. Nakakatamad kayang tumayo. So yon magkatabi si kuya ryan at rian nasa side ko naman na nakasandig si kuya joshua. Ng magbigayan na ng pagkain kumuha kami syempre.

So far ang saya ng closing program yong mga high school na babae nag babyee sa tatlong lalaki namin pero kami hindi pinapansin. Nag selfie sila kasama sila kuya at kami wala. Ok, we understand you girls.. Tapos kami ayon naunang lumabas ng gate kasi nga syempre maliban sa pagod gusto ko nang umuwi at humiga sa kama..

Narinig namin na nagtanong sila kuya ryan kung bakit daw nauuna kaming tatlo at parang may dinadalian.

"Oy, kayong tatlo bat nauuna kayo ha? Nagmamadali!! Ganun?" Liningon lang namin si kuya xander at nagpatuloy sa paglalakad. Si kuya xander kasi yong pinaka close ko syempre masaya siyang kasama eh. "Abah!! Abah!! Yanni may date kapa noh?!"

"Hala ka!! Wala noh?!" Natatawa ko siyang nilingon at nag stop nalang kami ng tuluyan para hintayin sila. Bat ganun? Nakatingin sila kuya sa amin ng nakakunot ang noo? Masama bang mauna?

"We? Ikaw yanni ha? Ang bata bata mo pa!!"

"Heh, wala nga!! Bakit selos ka?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Nandidiri talaga ako sayo minsan.. Ehhhhhhhh" natatawa naman kaming pareho. Kaya love na love ko tong baklang to eh.
*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*
Medyo madilim na rin kaming nakauwi. Ang sakit ng katawan ko swear pero bumili muna ako ng ulam sa tindahan at ng bumalik ako sa dorm nakita ko si kuya joshua na may niyayakap na girl.. Gf niya? Ang sweet nila eh?! Medyo masakit yong nakikita ko, syempre crush mo ba naman makita mo? Ako yong nsahulog eh so kasalan ko. Tsk.. Makaakyat na nga, dito din pala nag do-dorm yong gf niya mukhang hinatid niya eh. Nagmadali akong umakyat kasi mukhang pinapahirapan ko lang sarili ko if magtagal pa ako dun. Mabuti nalang at hindi niya ako nakita. Umasa ka teh eh? Eh ang bait bait naman kasi ni kuya joshua tapos boyfriend material pa.. Tsk.. Nakakainis!!!:(

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting to be noticeWhere stories live. Discover now