Special Chapter - Deign

Začít od začátku
                                    

Pero napaamo niya ako nang lutuan niya ako ng Pinakbet na kasing lasa ng luto ni Mama. Mula noon ay mas naglapit pa ang mga loob namin. Mahal na mahal ko ang Lola ko. Kahit na kailan ay hindi niya pinadama sa akin na hindi niya ako tunay na apo. Pakiramdam ko nga mas mahal pa niya ako kaysa sa mga tunay niyang kadugo eh, pero siyempre alam ko namang 'di siya ganoon. Pantay-pantay ang pagmamahal niya sa amin kaya naman maski ako ay walang takas sa mga parusa at pagsubok na binibigay niya sa aming mga apo niya.

Hindi lingid sa amin ang katotohanang sinusubukan kami ng Lola para malaman niya kung ano ang dapat naming manahin sa mga ari-arian niya.

Ilang taon din akong nakisama at nakibagay sa mga pinsan ko dahil sampid lang naman ako sa pamilya nila. Ayaw nila sa akin dahil ako raw ang paborito ni Lola. Iniisip nila na sumisipsip ako para may makuhang mana.

Hindi ako gusto ng mga pinsan ko noon dahil hindi nila ako kadugo pero nang pagtakpan at ipagtanggol ko sila kay Lola nang 'di nila nagawa ang pinapagawa nito ay nagkaayos din kaming lahat.

Lumaki kami na magkakasama. Hindi ako nahirapan na kilalanin sila dahil sa mga pinapagawa sa amin ni Lola. Si Cassy ang madalas kong kasama dahil siya ang pinaka pasaway sa mga babae noon kaya naman lagi ring pinapabantayan sa akin 'yan ng magulang niya. Ilang beses ko na nga iyang pinagtakpan sa magulang niya na nakikipagkita sa lalaking ayaw ng magulang niya para sa kaniya. Kinu-kunsinte ko naman dahil wala naman talaga akong nakikitang mali doon sa lalaki. Mukha namang disente, hindi nga lang kasing yaman ng pamilya namin.

Tuwing matatapos ang klase ay dumidiretso ako sa resort para sumama sa mga trabahador na manghuli ng isda o 'di kaya naman ay pupunta ako sa Bangui para makipag-kwentuhan sa mga tauhan ng Tito ko. Masasaya silang kasama at marami akong natututunan sa kanila; iba't ibang uri ng trabaho at pamumuhay. Kaya naman inis na inis ako sa mga matapobre. Ayaw na ayaw kong nakakakita ng mga taong nangmamata. Ayaw ko sa mga taong mababa ang tingin sa mga katulad nila dahil ganoon din ang tunay kong pamilya. Kung sakaling 'di ako lumaki sa mga Sison ay marahil isa ako sa mga minamata at pilit na ibinababa. Hangga't maaari ay tumutulong ako sa kanila dahil sa ganoong paraan ay para ko na ring natulungan ang tunay kong pamilya.

Hindi na ako nakakabalita kanila Tatay dahil na rin sa mahigpit na pagbabawal ng yumao kong magulang. Pero 'di ko pa rin maiwasan na tignan-tignan sila kahit na papaano. Nakita ko ang kapatid kong babae na may bitbit na dalawang bata. Ang lalaki naman ay sobrang payat. Palagay ko nga, may sakit na siya. May isa pa akong kapatid na tila 'di natutulog sa sobrang itim ng ilalim ng mata. Napag-alaman kong hindi na nakakapaglakad ang tatay ko dahil sa isang aksidente kaya naman palihim ko silang tinutulungan. Nagpapadala ako ng groceries at gamot para kay Tatay.

Pero natigil lang iyon nang mag-umpisa na kaming makatanggap ng death threats at kung ano-ano pang pananakot nang maging senador si Tito. Hindi maiwasan sa pulitika ang ganoong sitwasyon kaya naman hindi na bago sa amin iyon pero 'di pa rin nawawala 'yung kaba.

Kaya medyo bantay sarado kami. Pero itong mga pinsan ko, gumagawa ng paraan para makatakas at makagala ng walang bantay. Isa na roon si Cassy kaya pinadala sa resort para magtrabaho bilang receptionist ng walang bayad.

Katatapos ko lang noon tumulong sa mga mangingisda nang mapansin ko sa 'di kalayuan ang isang babae.

Maganda siya. Magandang-maganda at mukhang laki sa yaman. Nang mapatingin siya sa akin ay tila nanigas ang katawan ko at napahinto sa paglalakad. Nakita kong kumukuha siya ng litrato at ang ganda niya rin ngumiti. Pero tinigil ko agad ang pagpapantasya sa kaniya dahil kailangan ko ng mag-ayos ng sarili. Susunduin ko pa ang isa kong pinsan, pa-chicks kasi ang isang iyon.

Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Cassy para utusang i-tour ang isang special guest. Badtrip naman oh, tine-take for granted talaga nila ang kabaitan ko eh. Sinabihan ko siya na siya na ang bahala kumausap kay Fritz na hindi ko siya masusundo.

A Levelheaded LassKde žijí příběhy. Začni objevovat