"Hindi, e." sagot naman nga mga ito.

"Sige, salamat." sabi ko at tumakbo ulit. Nasaan na ba 'yun?

Napagod na ako sa kakatakbo. Palinga linga ako sa dinadaanan pero hindi ko pa rin makita si Cal.

May nakita akong bench kaya naman nagpunta ako sa gawi noon para ma-upo muna. Pakiramdam ko kasi ay sumakit na ang mga paa ko. Uupo na sana ako ngunit nagulat na lang ako nang may narinig akong sigawan malapit sa isa pang parking lot ng school.

Agad akong tumakbo papunta roon.

I was entirely shocked to saw Calix and Apxfel there... facing each other.

Pupunta na sana ako para harangin iyong dalawa pero napahinto na lang ako sa narinig ko.

"Gusto mong malaman kung bakit ako umalis? Ha?!" Apxfel shouted.

-

Christan Apxfel Gonzalez' POV

I was about to ride in my car when a familiar voice stopped me. Hinarap ko 'yon.

It was him... The fucking best friend.

"Christan!" sigaw nito sa akin.

"What do you want?" I asked him coldly.

I am not in the mood para kausapin siya.

"Hinalikan mo si Abigail. Gago ka ba?!"

Nagulat na lang ako sa sinabi niya.

Tss. Oo nga naman pala, ba't pa ako magugulat? E, mag best friend nga sila hindi ba. Syempre talagang malalaman niya.

"Wala kang pakialam." sabi ko na lang.

Sasakay na sana ako ulit sa kotse ko ng bigla akong sinuntok nung Calix na 'yun.

I was caught off guard, damn it!

Sinuntok ko naman ulit siya pabalik. Bawian lang.

"Gago ka talaga, ano?! Pagkatapos mong iwan si Abigail, bigla kang babalik na parang walang nangyare. Tapos ngayon may lakas ka pa ng loob halikan siya? Sira ulo ka!" sigaw nito tapos ay nasuntok niya pa ako sa bandang labi ko.

Sinuntok ko rin ulit siya.

"Wala kang alam!" bulyaw ko rito.

Wala naman talaga siyang alam. Ang lakas naman ng loob niya para mag salita.

"Oh di sige, ipa-alam mo sa'kin! Sige! Sabihin mo gago ka. Bakit ka umalis? Bakit mo siya iniwan? Ano ha?!"

I closed my fist. Tinitikis ko ang sarili ko. Wala akong dapat sabihin sa tarantadong 'to.

"Hindi ba nangako ka na hindi mo siya sasaktan at iiwan ha? Anong ginawa mo?!"

Nanatili akong tahimik at pinipigilang wag bumalandra ang kamao ko sa pag mumukha niya.

"I've been with her through her pain. The pain that you gave her when you left! Araw araw niyang dala 'yon, Christan!"

Napaigting bagang ako.

"Sana nakipaghiwalay ka na lang sa kanya. Kung hindi mo na siya mahal, sana sinabi mo na lang! Sana sinabi mo sakanya na, 'Abigail hindi na kita mahal.' Mahirap ba yon?!"

"Oo, mahirap. Mahirap dahil mahal ko pa rin siya!" sigaw ko sakanya.

Sumabog na ako.

Fuck.

"Ano?" gulat na tanong nito. Kitang kita ko sa itsura niya ang pagkalito.

"Akala mo ba hindi mahirap para sa'kin? Akala mo ba hindi ako nasasaktan?!" mapait kong sabi.

Hindi siya nakasagot.

"Simula nung iniwan ko si Abigail, parang namatay na rin ako."

"Anong sinasabi mo?!" he furiously asked.

"Hindi ko 'to gusto, Calix!" matigas kong sagot sakanya.

Kung akala nila gusto kong iwan si Abigail, puwes nagkakamali sila. Kung akala nila hindi 'yun masakit para sa'kin... mali nanaman sila.

Wala silang alam.

"Kung di mo gusto, e bakit ginawa mo pa din? Ano? Sabihin mo!" bulalas nito.

Hindi porket iniwan ko si Abigail ibigsabihin ay hindi ko na siya mahal. Hindi... dahil mahal na mahal ko pa rin siya. At gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Ginawa ko 'to para sakanya.

Tinignan ko si Calix... mata sa mata.

"Gusto mong malaman kung bakit ako umalis? Ha?!" I shouted. Pikon na pikon na ako sa kanya. "Gusto mo?!!"

Nakatitig lang ito sa akin.

"Umalis ako dahil may sakit ako!"

Destined with the Bad BoyWhere stories live. Discover now