Chapter 47 (September 15, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bahala ka!! Pag ikaw hindi tumawag! Magrereply ako at makikipagtextmate kay Alex!! Hmpf!"

"TSK! Tatawag naman eh!" sigaw ni Kent.

"Isama mo na lang kasi ako please!!!!"

"Hindi pwede nag-aaral ka! Acads muna baby ko."

"EH BAKIT IKAW? BAKIT SI ELISA? HINDI BA KAYO NAG-AARAL?!?!"

"Anong sasabihin mong excuse sa school? Sasama ka sa akin dahil??"

"Sasabihin ko may sakit ako... nagkasakit ako hindi ako nakapasok ng ilang linggo!"

"Hindi pwede Phoebe ano ba naman! Don't be so stubborn. Trabaho lang naman ito. Ipagpapalit mo ang school dahil gusto mo lang sumama. Baka lalo ka lang magselos doon!"

"Sige na!! Nakakainis naman oh!" pangungulit ni Phoebe. Hinihila niya na ang kamay ni Kent.

"Phoebe naman! Makinig ka. Tumingin ka sa akin!" Hinawakan ni Kent ang pisngi ni Phoebe.

Nakakunot lang ang noo ni Phoebe.

"Tumingin ka sa akin isa!"

"O yan na ayan na!! Nakatingin na!" sagot ni Phoebe at tinignan din sa mata si Kent.

"Mahal mo ako?" tanong ni Kent.

"Anong sa tingin mo?!!"

"Tinatanong kita engot! Sumagot ka nng maayos ah!"

"MAHAL KITA! KAILANGAN PA BANG ITANONG YUN? NAIBIGAY KO NA ANG SARILI KO SA YO NG BUONG BUO!"

"Oh eh bakit ka ganyan?" tanong ni Kent

"KAINIS KA! KAYA NGA AKO NAGPIPILIT SUMAMA DAHIL MAHAL KITA. KASI GUSTO KO LAGI LANG KITANG NASA TABI! ANO NA LANG ANG GAGAWIN KO BAKA HINDI AKO MAKATULOG!! GABI GABI KO NA LANG IISIPIN KUNG ANO NA BANG GINAGAWA MO!"

Nakatingin lang si Kent kay Phoebe habang nagra-rant siya.

"ANO? WALA KA NG SASABIHIN?"

"Kasi... Di naman kita iiwan. Kahit pa maganda... at sexy si Elisa---"

"Tignan mo tignan mo! Pinupuri mo na naman!!!" sabat ni Phoebe.

"Patapusin mo na muna kasi ako! Ang sinasabi ko kasi sayo! Kahit maganda pa yang si Elisa! O kahit sino pa yung maganda diyan na nagpapacute sa paligid ko---"

"So madami ngang nagpapacute sayo? Psh!"

"Hwag ka ngang magulo muna! Patapusin mo muna kasi ako Phoebe Isabelle!"

Tumigil naman si Phoebe.

"Baby... Baby ko... Alam mo ba... sabi nila. Mas mahalaga daw ang pagtitiwala sa pagmamahal? Mahal kita... Oo. Pero... to be trusted is a greater compliment than to be loved. Kasi kung wala kang pagtitiwala... pano ka magmamahal?"

Hindi alam ni Phoebe kung anong sasabihin niya.

"Trust me okay? Kasi... papagkatiwalaan din kita na magbebehave ka lang din. Ako lang okay? Hindi naman isang taon ako mawawala eh! Hindi nga din aabot ng isang bwan."

"Basta! Tatawagan mo ako ha.." sabi ni Phoebe habang tumutulo ang luha.

"OH! Naman eh! Iiyak pa rin?!"

"Eh kasi... Bakit si Elisa pa yung kailangang makasama mo? Siya nga may kagagawan ng mga gulong ito eh. Papatunayan ko pa nga lang na siya ang may pakana, nakakalamang na naman siya sa akin. Makakasama ka niya ng ilang araw. Ng ilang linggo. Sumasakit dibdib ko eh."

"Ang totoo... wala naman na akong pakialam kung sino ang may gawa nun. Kung yung Philip ba na yun o si Elisa. Ang mahalaga ngayon, okay ka na... tska... Wala nang nangguugulo."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon