"Scarlett, ikaw na ba 'yan?!"

My eyes started to water when an old maiden ran to me and wrapped me into her arms.

"Jusko! Salamat at bumalik ka!" Humiwalay siya't sinapo ang mukha ko. Her eyes overflowed with tears.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Yaya Caridad, namiss kita..."

"Namiss din kitang bataa ka! Tara, pumasok nga tayo sa loob." Binalingan niya si Garrett at sinenyasan niyang sumunod din. "Kumain na ba kayo?" tanong niya at umiling lang ako habang akay akay niya ako papasok. "Sige, ipaghahanda ko kayo ng pagkain. Linda! Cora! Ihanda ninyo ang hapag kainan."

Nagkatinginan lang kami ni Garrett at hindi napigilan ang ngumiti. She's still the same Yaya I've been with since childhood.

"Maupo muna kayo, Scarlett at Garrett. Hindi yata ako narinig ng mga maid," sabi ni Yaya Caridad bago mabilis na nagpunta sa kusina. Naiwan tuloy kami ni Garrett sa sala.

"Hindi pa rin nagbabago si Yaya Caridad, ano?" ani Garret.

"Oo nga e. Hysterical pa rin," I grinned.

Tumayo ako't parang banyagang inilibot ang tingin sa buong silid. Namiss ko ang Chatteau style na interior ng bahay namin. It's been four fvcking months since I left. Kahit paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na ayokong umuwi dito sa Astrid ay hindi ko maipagkakailang... I belong here.

Nadako ang tingin ko sa malaking frame na nakasabit sa dingding malapit sa hagdanan. Litrato nila Mama at Papa...

"Scarlett—" Yaya Caridad appeared into the living room. Naabutan niya akong nakatitig sa frame kaya natigilan siya't napilitang ngumiti. "Handa na ang hapunan. Kumain muna kayo't marami kayong dapat ikuwento sa akin."

Kinagat ko ang labi ko at pagod na ngumiti. Upon seeing my parents portrait, I suddenly wanted to see them right away. Namimiss ko na sila ng sobra.

"Mamaya na po, 'Ya. Pupuntahan ko lang sina Mama," sabi ko at pumanhik na sa taas. Narinig ko pang tinawag ni Yaya ang pangalan ko pero isinawalang bahala ko iyon.

Dumiretso ako sa kwarto ni Mama pero walang tao du'n. I even checked the library but nobody's there.

"Baka nasa garden," bulong ko sa sarili at lumabas sa terrace. Tinanaw ko ang buong hacienda kahit madilim na. "MAMA! PAPA! I'm home!!!"

Humagikhik ako nang makita kong lumingon sa akin ang ilang mga trabahador mula sa ibaba. I am really home!

"Scarlett..." boses ni Yaya Caridad kaya lumingon ako nang may malaking ngiti sa labi.

"Yes, 'Ya?"

Medyo nakakapagtaka lang dahil malungkot ang mukha niya. Is there something wrong?

"Scarlett, wala ang mga magulang mo dito."

My brows arched in confusion. "Aha! Nasa plantation po siya, 'no? Naku, it's already late. Ako na ang susundo sa kanya. Isosorpresa ko sila ni Papa."

Nilagpasan ko si Yaya Caridad nang magsalita siya. "Nasa America sila para sa operasyon sa puso ng papa mo, Scarlett," seryosong aniya na nagpatigil sa akin.

***

Mabilis humupa ang saya ko. Para bang bigla nalang naglaho at napalitan ng pag aalala. Pagkasabi ni Yaya Caridad nun ay dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Nawalan na ako ng ganang kumain. Kasalanan ko 'to e... Kung hindi sana ako naglayas ay sana nandito ako nung mga panahong may sakit sa Papa.

Bawat pagbagsak ng luha ko ay siyang pagpunas ko gamit ang palad. Iniisip ko palang na naghihirap si Papa noong mga panahong masaya ako sa poder ni Arthur ay sumisikip na ang dibdib ko. I feel so irresponsible.

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now