Epilogue

103K 2.3K 168
                                    

EPILOGUE

"Mommy, hindi po ba sasama sa atin si daddy?" napatingin siya kay Keia na katabi ang ina nito sa opisina, naghihintay lang sila sa pagdating ng piloto na magdadala sa kanila sa kung saan. Hindi sinabi ni Hexel kung saan sila pupunta and the only way for her to know ay kapag sasama siya. "Malulungkot po si daddy."

"Keia," simula ni Hexel sa malambing na tinig, alam niyan nahihirapan din ito sa desisyon nito at ang pagkuha sa anak nito mula sa dating asawa ay isang kasalanan pero ina ito at gagawin nito ang lahat makasama lang ang anak na ipinagkait dito sa loob ng mahabang panahon. "Ayokong malungkot ka kapag sumama ka sa akin, ayoko rin na iwanan ka dito pero kailangan na kasing umalis ni mommy."

"Bakit hindi po kasama si daddy?"

"Dahil hindi na niya ako kailangan pa anak."

"No mommy you are wrong daddy needs you, every night kapag nagpepray kami palagi niyang ina-ask kay God na bumalik ka na because he needs you. He needs you mommy he wants to be with you because daddy loves you." Napatitig lang siya sa dalawa, malakas talaga ang paniniwala ng bata na mahal ng daddy nito ang mommy nito.

"Bata ka pa Keia."

"I heard it mommy I am not lying." Ngumiti lang si Hexel sa anak nito at hinalikan ito sa noo.

"I know princess you are not lying." Humugot ng malalim na hininga si Hexel bago nagsalita. "D-do you want to be with your daddy? Kung saan ka masaya Keia kahit masakit ka mommy okay lang sa akin, dahil ayokong makita kang nasasaktan."

She bit her lips when she felt Hexel's pain, ayaw nitong mahiwalay sa anak nito pero iyong nakikita mong nasasaktan ang anak mo ibang usapan na iyon.

"I want to be with daddy." Sagot lang ng bata, medyo inaasahan na niya iyon kasi kay Clive lumaki si Keia pero alam niyang masakit para kay Hexel na si Clive ang pinili ng anak nito. Nakikita niya ang sakit sa mga mata nito habang nakatitig sa anak nito, she isn't crying but she knew better.

"Iyon ba ang gusto mo Keia?" hinaplos nito ang pisngi nito, agad siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi siya makahinga sa sakit. "Dahil kung iyan ang gusto mo hahayaan kitang sumama sa daddy mo."

"Mo-."

Tumayo si Hexel at tinawag ang sekretarya nito na agad namang pumasok. "Trina, please call my driver." Nakatalikod ito kaya hindi nito nakita na lumapit si Keia dito at agad itong niyakap sa binti na tanging abot lang ng bata.

"Huwag ka ng magcry mommy, gusto kong makasama rin si daddy pero ayoko nakikita kang nagca-cry sa iyo nalang ako sasama please huwag ka na pong mahurt. Hindi ko naman po sadya iyon I am sorry mommy," agad na yumuko si Hexel at saka niyakap at hinalikan ang anak nito sa noo.

"It's okay baby, siguro nga mas tamang sa daddy mo nalang ikaw sumama. I want to be with you pero hindi pa pwede, kapag sinama kita sa akin sigurado akong mapapahamak ka." Umiling ang bata.

"Sasama po ako sa iyo mommy alam ko po isa-save ka po ni daddy kaya hintayin nalang po natin siya sa house niyo. Mahahanap at masesave ka po ni daddy kasi love ka niya." hindi na umimik ang kaibigan niya, si Monica naman ay tahimik lang habang nakatitig sa singsing na nasa palad nito. At siya, ewan wala siyang maramdaman. Deep inside her she is hoping na sana may pumigil sa pag-alis niya, wala siyang pakialam kung sino basta may pumigil lang sa kanya pero nahahati ang puso niya dahil ayaw niyang iwanang mag-isa si Hexel lalo pa at may malaking laban pa itong haharapin pagbalik nito sa bansang pinagtataguan nito dati.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon