Chapter Twelve

82.5K 2.2K 125
                                    

Chapter Twelve

Ang init... ramdam niya ang init ng palad ng taong nakahawak sa mga kamay niya, ramdam niya ang malamig na bagay na tumatama sa kanyang braso. She can hear it but she can't identify who it is. She wanted to open her eyes but too tired to do that, she just want to sleep and be like this forever.

"Gumising ka na Monique, I promise kapag nagising ka na hindi mo na ako makikita pa. Hindi na kita masasaktan pang muli just wake up." Sino siya? Sino ang may-ari ng boses na iyon, curiosity triggered her brain. "I love you so much, kahit hindi mo malaman iyon basta magising ka lang."

Sino ka? Gusto niya iyong itanong, gusto niyang malaman kung sino iyon.

"Tama na hijo, baka dumating na ang nagbabantay kay Monique. Umalis muna tayo bukas ka nalang uli bumalik."

"Pero doc-."

"Sige na umalis na muna tayo." Narinig niyang wika ng isa pang boses babae na pamilyar din sa kanya. "Para makapagpahinga ng maayos ang anak ko." Ano raw? Sinong anak? Sino kayo?

"GISING na siya doc!" iminulat niya ang kanyang mga mata na agad din niyang naipikit dahil sa sobrang liwanag ng ilaw na tumama sa kanyang mga mata, bigla kasing sumakit ang kanyang ulo sa nangyari. Umungol siya ng maramdaman ang sakit sa buong katawan niya at ng subukan niyang itaas ang kanyang mga kamay ay napahikbi siya sa sakit.

Biglang nagkagulo sa buong paligid, bumukas ang mga pintuan may mga nakaputi na lumapit sa kanya. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito all that matters to her right now is the pain that she felt all over her body. Sobrang sakit... she tilted her head and watch the closing of the door of that room and before it slammed, may namataan siyang matangkad na lalaki. Nakasuot ng green na overall, may mask. Pamilyar sa kanya ang taong iyon pero mas napokus ang atensyon niya sa mga mata nito... happiness and sadness... ang weird, possible bang magjoin ang dalawang emosyon na iyon sa mata ng isang tao?

"Niq." Tawag ng kung sino. "Monique..."

Monique? She blinks so many times and then it registers to her, yeah, her name is Monique. Lumingon siya sa tumawag sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagsino iyon, she wanted to open her mouth in surprise si Hexel!? Pero paanong nangyari na nandoon si Hexel samantalang umalis ito?

"H-Hex..." she called in her croaked voice.

"I am here Monique I am glad you are finally okay." hinawakan nito ang kamay niya at agad na nag-init ang kanyang mga mata. She is safe now, wala ng makakapanakit sa kanya her savior is already back.

"Hexel."

"Don't force yourself, kung hindi mo pa kaya." Anito sa kanya. Napangiwi siya ng mas lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon

"Ang sakit."

"Ang doctor na ang bahala sa iyo, don't worry you will be okay." hinaplos nito ang noo niya at hinalikan siya doon. She closed her eyes and felt that kiss but weird, parang mali. Alam kasi niya during her sleep ay may humahalik sa kanya sa noo niya pero iba ang init ng halik nito sa halik na iyon. Si Hexel ba ang kumakausap sa kanya?

May kung anong itinusok ang doktor sa braso niya hanggang sa makatulog uli siya, bago pa man siya tuluyang kainin ng dilim ay naalala na naman niya ang lalaking una niyang nakita noong magising siya... and his eyes...





"SA wakas okay ka na rin, pwede ka na uling makipagwrestling kay kamatayan." Biro ni Zyrene habang binabalatan ang orange na ipapakain sa kanya. "Pero joke lang iyon." ngumiti lang siya sa kaibigan niya. It has been almost a month since she woke up from her deep sleep, hindi pa siya hinahayaan ng mga doktor na makalabas ng hospital dahil sa dami ng sugat na natamo niya. Hindi naman daw Malala iyong lagay niya at mabuti na nga rin na hindi nauntog ng malakas ang ulo niya, marami lang talagang nawalang dugo sa kanyang katawan kaya nahirapan siyang maka-recover.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon