Chapter Five

72.9K 2.2K 198
                                    

Chapter Five


Pasado alas otso na ng gabi ng makauwi siya sa kanyang apartment, medyo masakit ang katawan niya dahil sa dami ng trabaho niya kanina kaya napagdesisyunan niyang mag-soak muna sa bath tub, alas nuwebe pa naman darating si Cael kaya okay lang. Baliw na ba siya kung sasabihin niyang para siyang tangang naghihintay sa mga text nito at sasabihin nito sa kanya na magkikita sila kahit na iba naman ang gusto nitong gawin? Kahit katawan lang niya ang habol nito sa kanya? Siguro nga baliw siya eh, ganyan pala ang nagmamahal ang sarap ilunod sa kumukulong mantika at paliguan ng mainit na sabaw.

Pero ng malaman niyang magkasintahan na pala ito ang ate niya ay pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Habang nasa daan siya ay naisip niyang magpanggap na wala siyang alam kagaya ng ginawa ni Hex noon. Pinilit nitong magpanggap na wala itong alam sa mga plano ng asawa nito dahil ayaw nitong masira ang pamilyang buuuin sana nito. Kaya lang naisip din niya kapatid niya ang kasintahan ni Cael, masakit mang isipin na kapatid niya ang ipapalit--- natawa siyang bigla sa naisip niya. Ano bang ipapalit hindi naman sila hindi ba? Ano lang ba siya ng binata, past time? For seven years ay naging past time na siya nito, she is his favorite past time.

Ayaw niyang maging hadlang sa kaligayahan ng ate niya, if her sister is happy with him kahit na masakit ay handa niyang ipaubaya si Cael dito dahil hindi naman talaga niya ito pagmamay-ari. She also want to save her remaining self from her selfish actions. Mahal niya si Cael, for so long now she's been loving him silently and from afar sapat na iyon sa kanya hindi na niya kailangang masuklian ng pagmamahal nito.

Her friends thought that Cael is the worst, but she knew better. He is still that young boy she used to know before, mabait at sweet, hindi nga lang halata. Baliw na nga siya. Kaya nga ayaw na niyang paasahin ang sarili niya sapat na siguro ang mga taong iyon para mabayaran niya ang mga naging kasalanan niya. She wants to quit this set up now, her friends are already settling down sa tingin niya karapat dapat din naman siyang sumaya, her father saved her for her to have chances in life.

Hindi niya na namalayan ang oras, nakalublob lang siya sa bath tub hanggang sa makaidlip siya, nakakagaan kasi ng pakiramdam iyon ng may maramdaman siyang tumapik sa pisngi niya. When she opened her eyes ay mukha ni Cael ang agad niyang nasilayan.

"Gusto mo bang mamatay diyan? Umahon ka na." he pulled her up and cover her with a towel when she stood up. "Finish your shower and follow me in the kitchen." His voice is still stern, cold and distant pero hindi niya maikakaila na nag boses na iyon ang nakakapagpasaya sa kanya, her little happiness is when he hear his voice. Lumabas na ito sa banyo kaya agad siyang naligo, she only wore her undies and cover herself with her bathrobe hindi kasi siya nagdala ng damit sa loob ng banyo. Paglabas niya ay wala si Cael sa kanyang silid kaya mabilis siyang nakapagsuot ng matching pajamas at lumabas na ng kanyang silid para sundan ito sa kusina.

Naalala na naman niya ang sinabi ng mommy niya sa phone, si Cael at ang ate niya. Ang ate niya at si Cael... they are already together and where is she in the picture? Wala, ayaw niyang maging kabit o third wheeler sa relasyon nito at ng kanyang kapatid. Siguro dapat kausapin na rin niya ng maayos si Cael, ayaw niyang masaktan na naman ang kapatid niya ng dahil sa kanya.

"Cael." Tawag niya sa binata ng madatnan niya ito sa kusina, may dala itong paper bag ng isang sikat na fastfood chain. Hindi pa marahil ito kumakain pero hindi naman nito ginagalaw ang mga pagkain na nasa harap nito. Kaharap lang nito ang dala nitong laptop sigurado siyang trabaho na naman iyon, dito kasi ipinamana ng lola nito ang negosyo ng pamilya kaya busy din ito.

ZBS#8: Indigo Ladybug's Saddest Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon