☆ Chapter 35 (First half) ☆

Start from the beginning
                                    

"Hindi ka ba naniniwalang ako ito? Nasuntok mo na ako kaya buhay na buhay ako. Kung patay na ako at isang multo, masusuntok mo kaya ako?" natatawa pa niyang sabi na napatingin pa sa akin.

"Paanong buhay ka? Nakita kong sumabog ang sasakyan mo nung araw na iyon?" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala.

"Parang gusto mong namatay talaga ako?" sarkastikong tanong niya.

"Hindi naman pero nakita kong sumabog ang sasakyan mo." naiiling na paliwanag ko.

"Iniligtas ako ni Euphy." sagot niya.

"Iniligtas ka ni Euphy?" ulit ko na sobrang nagulat.

Iniligtas siya ni Euphy? Ibig bang sabihin nito magkakilala silang dalawa matagal na? Pero paano? Bakit wala naman siyang nasabi?

"Oo. Nung pasakay na ako ay hinatak niya ako palabas. Hindi mo siguro napansin na hindi ako nakasakay ng sasakyan." sagot niya.

"Kung hindi ka sumakay sino ang nagdrive ng sasakyan?" takang tanong ko.

"Hindi ko din alam. May kung anong ginawa si Euphy, nagulat na lang ako na bigla iyon sumabog." sagot niya na parang natutuwa pa.

"Magkakilala kayo ni Euphy?" tanong ko bigla.

"Oo, ang pamilya ko ay isa sa pamilyang nagsisilbi sa kanya bilang Royal Knights. Kaso hindi niya ako tinuturing na Royal Knights niya. Kakaiba talaga si Prinsesa, ah I mean si Euphy dahil kaibigan ang turing niya sa akin." sagot niya na halatang natutuwa pa.

Napakuyom ako ng kamay dahil pakiramdam ko ay nagseselos ako.

"I'm happy na totoong buhay ka. Napaghiganti na kita sa gumawa non sa iyo." sabi ko.

"Ang totoong gumawa non sa akin ay ang Dad mo at hindi ang gang na pinaghigantihan mo." sumeryoso siya bigla.

"Anong sinasabi mo?" napahawak ako sa kwelyo ng suot niya.

"Relax Aldrich, ang Dad mo ang gustong magpapatay sa akin. Sobra na ang galit niya sa akin dahil iniiwas kita sa kanya. Hindi ko hinahayaan na mapalapit siya sa iyo dahil alam kong papatayin ka niya. Pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Nung inakala niyang patay na ako ay ginamit ka niya. At kung ano-ano ang pinagawa niya sa iyo." paliwanag niya habang tinatanggal ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo ng suot niya.

Imposible ang sinasabi niya. Hindi magagawa iyon ni Dad.

"May ibedensiya ka ba?" hamon ko dahil hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"Sa tatlong taon na inakala mong patay na ako. Binantayan kita at pino-protektahan sa kanya. Pero may isang pangyayari na hindi ko inasahan. Tinawagan ako ni Euphy nung may nalaman siya. Si Euphy ang hiningian ko ng tulong nang mapansin kong may kakaibang ginagawa ang Dad mo. Sinabi niya na umalis ang Mom mo sa bahay niyo at may humahabol dito. Kaya naman agad akong umalis para puntahan ang Mom pero medyo nahuli ako dahil bumangga ang sasakyan niya. Mabuti na lang nandoon si Euphy na siyang tumulong sa kanya." habang sinasabi niya iyon ay napabitaw ako sa pagkakahawak sa kwelyo niya.

"Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?" pinilit kong matawa pero gulong-gulo ako.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Naguguluhan na ako. Nung isang linggo lang ay nalaman ko na nasunog ang Sandoval's Hospital kung saan naka confine si Mom. At may posibilidad na patay na siya. Tapos inutos sa akin ni Euphy na barilin ko siya at magtiwala lang sa kanya. Pinagsisilbihan ako ng mga tagapaglingkod niya. Naging butler ko pa ang kanang kamay niyang si Hiro na ngayon ay umamin na siya si Hiroki----na kababata ko. May nakita pa akong babae na kamukha ni Euphy at lalaking naka maskara na parang kahawig ko. Tapos ngayon sasabihin ni Hiroki na si Dad ang may gawa ng pagsabog ng sasakyan niya. Pino-protektahan niya ako ng tatlong taon simula ng mangyari ang aksidente na inakala naming patay na siya. At parang sinasabi niyang may kinalaman si Dad sa aksidente ni Mom.

"Ang Dad mo ang nagpasabog ng sasakyan ko. Ang Dad mo rin ang humahabol sa Mom mo para pigilan siya na puntahan ka sa school. Ang Dad mo rin ang nagpasunog ng Sandoval's Hospital para i-frame up si Euphy." sabi niya habang nakatingin sa akin.

Nahihirapan akong tanggapin at paniwalaan ang mga sinasabi niya.

"Imposible 'yang sinasabi mo. Hindi niya magagawa iyon, mahal niya si Mom!" sigaw ko na napapakuyom ng dalawang kamao.

"Gusto mo bang patunayan ko? Kung ganoon tawagan mo ang Dad mo at papuntahin sa Stadtfeld Resort. Sabihin mong magkakaroon ng meeting." sabi ni Hiroki na biglang umalis sa harapan ko.

Naiwan ako sa rooftop ng mag-isa. Napaupo na lang ako at bigla na lang naiyak. Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam ang mga nangyayari. Bigla kong naalala ang sinabi ni Euphy.

"Ito ba ang sinasabi mong katotohanan my wife? Ito na ba iyon?" tanong ko na biglang napatayo, pinalis ko ang luha ko. "Si Euphy at Hiroki ang nagligtas kay Mom? Sila ba 'yung tinutukoy ng nurse ni Mom na laging bumibisita kay Mom? Sila bang dalawa 'yung tinutukoy na nagligtas kay Mom? Kailangan kong malaman ang totoo." agad kong kinuha ang cellphone ko.

Hindi ko kayang makipag-usap ngayon kay Dad kaya naman sa text ko na lang sinabi na may meeting ang gang. Naalala ko ang gang ko bigla kaya tinawagan ko sila agad.

"Shit! Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin sila makausap! Nawala na sa akin si Mom at pati na rin si Euphy na hindi ko alam kung totoong buhay pa kahit kitang-kita ko ang pagkahulog niya sa bangin. Pati ba naman ang gang ko at ang apat na mokong hindi ko na ma-contact!" frustated na sabi ko na napasabi sa kinatatayuan ko.

She's The GANGSTER I Love

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now