Suminghot ako. "Zade, this is real life. This is not some sappy telenovela wherein the girl who acquired amnesia will suddenly remember her past lover just because she was about to have sex with another guy. Hindi ganoon. Every single bit of memory was erased from me, including you! Nakalimutan kita, Zade. Nakalimutan kita! Alam kong masakit pero iyon ang totoo! Hindi ko naman ito ginusto! Tingin mo ba ginusto kong kalimutan ang nag-iisang lalaking minamahal ko? Tingin mo ba, gusto ko na hindi ka maalala? Tingin mo ba... T-tingin mo ba hahayaan kong magalaw ako ng iba kung naaalala kita?"

            He looked at me, stoic and all. Balisa siyang umiling. "Hindi ko alam, Sam. Ang sakit sakit na, ang gulo gulo na, hindi ko na yata kaya pa ang mga emosyon ko."

            "I'm sorry..." Pagsuko ko. Nahihirapan na ako. At alam kong siya rin. Kaya nang talikuran niya ako sa loob ng ikalawang beses ngayong araw ay hindi ko na siya hinabol. Pinanood ko na lang ang paglabas niya.

            Nang lumapat pasara ang pinto ay tsaka ko nanghihinang umupo sa kama. Ilang sandali din akong tulala dahil iniisip ko ang naging pagtatalo namin ni Zade. My heart is in tatters now.

            Inalis ko ang kumot at initsa ito sa sahig. I shivered.

            I stretched my arms and looked at them. I shot a look of disgust on my legs and on the thing between them.

            I examined my naked body and felt anger and hopelessness pooling inside me.

            Dahan-dahan akong tumayo ng hindi man lang nag-aabalang magbihis. My steps were shaky as I sauntered to the bathroom.

            Nang makapasok ako ay humarap ako sa full-length mirror at tinitigan ang sariling kahubdan. Fresh hot tears cascaded down my cheeks as I gazed at my nakedness in total repugnance. Hindi ko maalis ang pamumuhi ko sa sarili ko.

            I am no longer pure.

            Napakadumi ko na. Kapag naaalala ko ang mga sandaling nakikipagtalik ako kay William ay parang gustong manghina ng mga tuhod ko. Gusto kong paulit-ulit na paliguan ang sarili ko. Pero alam ko naman na kahit na anong gawin ko ay hindi ko mabubura ang bahid ni William de Asis sa pagkatao ko.

            For as long as I walk this earth, I would always have a bit of him in me.

            Kahit ilang drum ng tubig ang ipaligo ko ay hindi ko matatanggal ang katotohanang pinagsamantalahan ako ng isang estanghero at wala man lang akong kaalam-alam. Dahil pinagkatiwalaan ko siya. Dahil naniwala ako agad sa mga kasinungalingan niya.

            Hindi ko na maintindihan ang mga tumatakbo sa isip ko. Ang gulo.

            "Maria Samantha Antonio, you are a dirty dirty whore," I mumbled to myself as I stared at my reflecttion. "Of course he's going to walk away from you. No man will be sane enough to stay with you when he finds out your body was used for multiple times already."

            Umalog-alog ang mga balikat ko. Pumikit ako ng mariin and there they were.

            Self-pity. Self-loathing. Self-discrimination.

            Hinaplos ko ang pilat sa pisngi ko at mapaklang ngumiti. Elaine slowly cut my face with her pocket knife. I can remember pain erupting in my body as she laughed menacingly while making a long wound on my cheeks.

            "I will ruin that face, kasi ang mukhang iyan ay mahal ni Zade!"

            "You're wrong, Elaine. Zade doesn't love me just because of this face. He loves me because he saw something in me that he couldn't see from anyone else. Kung ano ang bagay na iyon ay hindi ko rin alam, hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako..."

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now