5

160K 3.3K 455
                                    


Chapter Five

"Sam, nakatulala ka na naman d'yan. Magbubukas na tayo." My friend, Jen, lightly tapped my shoulder. Do'n lang ako natauhan. Inayos ko ang saklay ko at dahan-dahang tumayo. Nilapitan ko siya na ngayon ay nag-aayos na ng mga ulam.

            May karinderya kaming dalawa. Magkatulong kami sa pagluluto ng mga ulam na ibini-benta namin sa umaga. Matagal na naming ginagawa 'to. Simula noong na bankrupt ang hotel na pinagtatrabahuhan naming dalawa ay ito na ang naging negosyo namin.

            "Paki bukas na lang ng bintana natin." Pahaba ang bintana namin. Binubuksan namin ito kapag magtitinda na kami dahil nasa loob ang mesang may mga pagkain.

            Lumabas naman ng bahay si Jen para ayusin ang mesa at upuan sa labas. Inilabas niya na rin ang mga baso at kutsara at tinidor. Pinunasan ko ang mesa habang siya ay abalang inaayos ang mga pinggan.

            Nahuli ko siyang nakatingin sa akin na tila nagtataka. Itinigil niya ang pagpupunas sa mga tinidor na hinugasan ko kaninang umaga. "Ikaw... ang tahimik mo ngayon. Siguro iniisip mo na naman si Zade, 'no? Umamin ka."

            Kinagat ko ang labi ko. Isang linggo na simula noong huling pagkikita namin.

            True to what he mentioned, hindi na nga siya bumalik o sumubok na kausapin akong uli. Marahil ay napagtanto na n'ya na hindi naman talaga kami bagay para sa isa't-isa. Sino nga ba naman ako para sa isang Monteverde na ipinanganak na lahat ay nasa kanya? Ano nga ba, maliban sa pagmamahal kong minsan ng sumira sa aming dalawa, ang kaya kong ibigay?

            Sabi nga niya, isa lang akong kabanata. Kaya kailangan ko ng itigil ang pag-iisip na hanggang sa epilogo ng buhay niya ay ako ang kasama.

            I had my chance and I completely blew it.

            Deep down, I fantasized about Zade knocking on my door, with tears in his eyes, telling me that I'm still the one that he loves. The thought of that makes me cry at night because I know how impossible it is.

            "Aba'y malay mo naman bumalik 'yon dito. 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Sabi nga nila, love founds away." She tried to cheer me up, pero napangiwi lang ako. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Mali na naman ba ang grammar ko?"

            Nakangiti na tumango ako. "Love finds a way."

            "Magkatunog naman. Gets mo din naman ang point ko."

            "Hindi na 'yon babalik. Sigurado ako, Jen. Ito na ang wakas."

            With the kind of answer Zade had given me when we last met, I knew that he was sincere. He really didn't think it was wise if we see each other again. It made everything inside me break and shatter.

            "Kailangan ko bang pumusta?"

            "I don't think that'll happen, Jen. Zade has a life, you know?" I commented.

            I wonder what his life is like right now.

            I wonder if he still sleeps bare-chested. I wonder if he still loves blueberry muffins. Does he still dance to random songs? Does he still roll his eyes at his sister, Daze? Does he still randomly crack his knuckles when he's tensed?

            I used to know everything about him. From his favorite color, to his favorite past time, to the things he deems offensive. Maybe he no longer likes tennis, maybe he no longer watches Angelina Jolie films, maybe he no longer likes Marvel as much as he did before. I'm sure that he doesn't write mathematical formulas on his palms anymore. Seeing him makes my heart ache for all the wrong reasons.

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon