Prologue ✔

35.6K 798 25
                                    

[Edited]

°°°°°

I can't live like this anymore!

Tss. Lagi na lang bang ganito? Simula nang mamatay si Mama, mas naging strikto pa siya. Lagi niya kong pinagbabawalan. Lagi na lang may nakabantay sakin. Oras-oras, minu-minuto may nakasunod sakin.

Bwisit! Ganito ba yung lagi niyang sinasabi na makukuha ko kahit anong gusto ko? Shit pala. Nakukuha ko nga ang gusto ko eh paano naman ang kalayaan ko? Ni maglibot sa labas, pinagbabawal niya. Aba kung ganito na lang lagi eh mas gugustuhin ko pang hindi makuha ang mga gusto ko kung ang kapalit naman nun ay ang pagiging malaya. Na nagagawa ko kahit anong nais ko. Mapupuntahan ko ang kahit anong lugar na gusto kong puntahan.

Tumungo ako sa veranda ng kwarto ko at tumanaw sa labas ng malaking gate ng bahay namin.

At sa pagtanaw ko, isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Sobra na ang inis na nararamdaman ko.

Para sa kalayaan, handa akong talikuran ang pamilyang 'to. Mas gugustuhin kong maghirap kesa habang buhay na nakakulong sa bahay na 'to.

Kailangan kong makaalis...

Tama. Maglalayas na lang ako.

Dali-dali akong bumalik sa kwarto ko at ni-lock yung pintuan at kumuha din ako ng backpack at naglagay ng konting gamit. Syempre, magpa-plano na lang din ako at maglalayas eh lulubus-lubusin ko na. Pwede kong ibenta yung mga alahas ko para may makain ako. Well, konti lang naman. Dapat kasi ganito dapat kautak kung maglalayas ka. Magplano muna bago maglayas.

Nilagay ko muna sa ilalim ng unan ko yung backpack pagkatapos kong maglagay ng kaunting gamit. At sunod ko namang ginawa ay kinuha lahat ng kurtina sa closet ko at pinagbuhol-buhol ang dulo. Kailangan 'to kasi nasa fourth floor pa ng bahay namin ang kwarto ko. Alangan namang talunin ko edi napuruhan pa ko. Maganda sana yung ability ko na levitation eh kaya lang di ko pa kayang kontrolin o hindi pa ko sanay na gamitin.

Gabi na din naman eh, mga 11:30pm siguro. Kaya ang kailangan ko lang gawin ay hintaying mag-12 midnight dahil sigurado akong pupungas-pungas na sa antok yung mga gwardya sa baba.

Nang matapos ako sa pagbubuhol-buholng kurtina, nilagay ko muna sa ilalim ng kama ko para di makita dahil sakto namang naramdaman ko na may papalapit sa kwarto ko kaya dali-dali akong humiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot saka nagtulug-tulugan.

"Ate? Gising ka pa ba?" boses ng kapatid ko.

Narinig ko ang pagkalansing ng susi at kasabay nun ay ang pagbukas ng pintuan.

"Ate?"

Bawat yabag ng paa niya ay ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

"Psh. Tulog na siya..." mahinang usal niya pero sapat na yun para marinig ko. Naglakad na siya paalis at sinara yung pintuan.

Hay salamat at umalis din.

Tumingin ako sa orasan at magtu-12 na pala. Akala ko 11:30 pa lang kanina.

Sumilip ako sa baba dun sa gate at nakitang inaantok na yung mga gwardiya. Yung iba naman ay tuluyan ng nakatulog. Pwede na siguro akong umalis.

Hindi na ko nag-ayos pa at kaagad na sinukbit yung bag sa likuran ko at kinuha yung pinagtagpi-tagpi kong kurtina sa ilalim ng kama ko.

Itinali ko yun ng mahigpit sa railing ng veranda ng kwarto ko saka hinulog pababa.

Okay. This is it. Paalam bahay. Paalam kwarto. At paalam dati kong buhay.

Sumampa na ko sa railing habang hawak ang kurtina saka naglambitin pababa. At nang makababa na ko ay naghanap ako ng pwedeng labasan.

Ang naisip ko lang na gawin ay umakyat dun sa puno para makatawid ako sa bakod at tuluyang makalabas dito. At yun nga ang ginawa ko.

Naging madali lang naman sakin dahil magaling naman akong umakyat ng mga puno eh kahit gaano pa kataas yan.

At sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay.

"Ang tahanan na naging kulungan ko... Paalam" usal ko bago tuluyang umalis.

"Ate!!" narinig ko pang sigaw ng kapatid ko bago ako tuluyang makaalis.

A/N

VOTE - COMMENT - SHARE
And FOLLOW me!!

»» If you like this story! ^.-

Kamsa~!

S.A Academy - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon