Chapter 2: Cosplayer

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dyan ka matulog" ayaw ko namang maging bastos. Tinatanong ako nung tao edi sagutin ko.

"Ganoon ba.."

Nung matapos kong inumin yung tubig lumabas na ako ng kusina. Napakurap ako dahil sa nakita ko. Nagpalit ng anyo si Fyglia. Yung kaninang suot niya ay parang bula na nag-iba ngayon. Wag nyang sabihin yan ang pantulog niya?

Nakatingin siya sa akin at nginitian lang ako.

"Mahilig talaga akong magpalit ng kasuotan. Mananahi kasi ang pamilya ko. Sige, magpahinga ka na din" sabi niya lumakad na lang ako sa harapan niya ng nakanganga at dumerecho sa kwarto namin. Pambihira.

Di nga tao ang kasama ko dito sa bahay. Pero bigla kong naalala yung itsura niya! Kaya dali dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Fyglia.

Pero pagkalapit ko sa kanya, nakahiga na ito at nakatulog na kaagad. Pero hindi pwede! Uuwi ang kapatid ko, baka anong isipin niya dito. Kaya tinapik ko si Fyglia sa balikat.

"Gumising ka muna.." panay ang tapik ko dito pero shet lang. Tulog mantika!

"Uy, gising.."

Wala na akong nagawa, niyugyog ko na siya. Aba! Talaga nga namang ayaw magising nito!

"Nandito na ko!!!" biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kapatid kong tuwang tuwa pero bigla din nawala ang tuwa ng makita niya kung sino ang kasama ko.

"WAAAAAAAAAAH!!!" wala pang ilang segundo ay sumigaw na siya. Sinasabi na nga ba eh.. Patay ako nito. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nakikita niya. Eh kasi naman po si Fyglia, naka pang fairy ang suot. Mahaba ang tenga nito at kumikintab ang dress basta di ko madiscuss. Pati parang tinkerbell yung suot niya, naka tube at maikli ang palda.

Hayss, ano ba naman ito CL... Yun pa talaga ang napansin. Bigla namang nagmulat itong babae na kanina ko pa ginigising. Umayos siya ng upo at tinignan ang kapatid ko.

"Sino ka?" tanong niya.

"Ako dapat ang magtanong nyan sayo.." mataray na sagot ng kapatid ko. Napahampas na naman ako sa noo ko. Mukhang nag-iisip pa si Fyglia ng isasagot. Pero nagsalita na naman itong kapatid ko.

"KUYA! Akala ko ba si Kaylee ang gusto mo? Eh bakit nag uwi ka na ngayon ng ibang babae? Nabuntis mo ba yan?"

Ay pusang gala! Napatayo ako at dinutdot ang kapatid ko.

"Manahimik ka nga, di ko nabuntis yan! Di ko nga--" di ko napagpatuloy ang sasabihin ko ng tumayo si Fyglia at lumapit sa aming magkapatid.

"Pasensya na kung dahil sa akin nag-aaway kayo. Aalis na ako." tapos humarap siya sa akin. "-CL, maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin sa tahanan niyo, wag kang mag-alala di na ko titira dito. Para hindi na kayo mag-away.." tapos lumakad siya sa pintuan at lumabas.

Natahimik kaming magkapatid. Di ko alam I suddenly feel pity for her. Wala siyang tutuluyan! Saan siya pupunta?

"Kuya, ano bang nangyayari?" di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Baka isipin nito nababaliw na ako pero I think maiintindihan naman niya. "-pati bakit ganoon ang itsura noon? Saan mo ba napulot yun? Cosplayer ba siya? Parang impossible naman na maging mahirap ang isang Cosplayer, pinagkakagastusan nga nila ang mga costume nila eh."

"Haist! Shut up LynLyn. Pagpaliwanagin mo muna ako okay?" kumunot lang ang noo niya.

"Di ba naghiking kami kanina? Maniwala ka man o sa hindi, diwata o Fairy yung nakita mo kanina. Kumabaga naengkanto kami kanina tapos sumama siya sa amin pag-uwi." haisst, napakamot ako sa ulo ko. Di ako magaling sa paliwanagan eh.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon