Pumikit saglit si Alyssa at huminga ng malalim.

Alyssa: Uhmmm...'Tay, 'Nay, ano pong p-palagay niyo kay Kiefer? I mean, o-okay po ba siya sa inyo?

Ruel: Okay naman si Kiefer. Mabait siyang bata at maayos siyang napalaki ng mga magulang niya.

Alyssa: Eh 'yong pamilya po niya? A-ano pong tingin niyo sa kanila?

Lita: Mabait din sila, tsaka naging maayos 'yong pakikitungo nila sa 'tin, lalo na sa 'yo. Kahit dun lang, wala na kaming masamang masasabi tungkol sa kanila.

Ruel: Teka nga Anak, bakit mo ba 'to tinatanong sa 'min? Anong meron? Ang tagal mo ng boyfriend si Kiefer pero ngayon mo lang naisip hingin 'yong opinyon namin sa kanya at sa pamilya niya.

Paulo: Baka may balak ng magpasakal 'Tay kaya nagtatanong.

Kian: Magpapakasal na kayo ni Kuya Kiefer, Ate?

Hindi na nga nakasagot si Alyssa kay Kian, muntik pa siyang mabulunan sa kinakain niya. Nung nakainom na siya ng tubig at mahimasmasan, napansin niyang nakatingin sa kanya 'yong buo niyang pamilya.

Lita: Totoo ba 'yong sinabi ng Kuya mo na may balak na kayong magpakasal ni Kiefer?

Alyssa: O-opo 'Nay.

Lita: Kelan pa?

Alyssa: Nun lang pong birthday ko. (tumingin sa Nanay at Tatay niya) Ibibigay niyo po ba 'yong blessing niyo sa 'min?

Magsasalita dapat si Tatay Ruel ng bigla 'tong humawak sa dibdib niya na para bang hindi makahinga. Nagpanic si Alyssa at dali-daling pumunta sa tabi ng Tatay niya.

Alyssa: 'Tay! A-ano pong nararamdaman niyo? May masakit po ba? Gusto niyo po dalhin na namin kayo sa ospital?

Hindi sumagot si Tatay Ruel, but after a few minutes, he sat up straight and grinned at her.

Ruel: Joke lang! (hindi nag-react si Alyssa) Uy, sabi ko joke lang.

Alyssa: 'Tay naman! Wag niyo na pong uulitin 'yong birong 'yon, hindi po nakakatuwa. (mangiyak-ngiyak) Hindi ka nakakatuwa.

Ruel: Eto naman, di na mabiro. (after a few seconds) Halika nga dito, payakap.

Sa gitna ng tawanan ng Nanay at ng mga kapatid niya, tahimik na lumapit si Alyssa sa Tatay niya at niyakap 'to.

Ruel: Hay...ang laki na talaga ng baby ko, magpapakasal na.

Bumitaw si Alyssa at tinignan ang Tatay niya with a very surprised expression on her face.

Alyssa: Pakiulit nga po nung sinabi niyo?

Ruel: Alin? 'Yong magpapakasal ka na? Tama naman diba? Sabi mo kanina may balak na kayo ni Kiefer.

Alyssa: Ibig po bang sabihin nito 'Tay, binibigay mo na sa 'min 'yong blessing mo?

Ruel: Oo naman. Wala kaming dahilan ng Nanay mo para hindi ibigay 'yon sa inyo. Bukod sa nasa tamang edad na kayo ni Kiefer, parehas na ring stable ang career niyo.

Alyssa: Thank you po.

Ruel: Pero kelangan pa rin namin mag-usap ng masinsinan ni Kiefer pagdating niya.

Nicko: Halaaaa...lagot si Kiefer kay Tatay!

Paulo: Ipapahasa ko na po ba 'yong balisong mo 'Tay?

Lita: (tumingin kay Paulo at Nicko) Wag niyo ngang tinatakot 'yong kapatid niyo.

Alyssa: B-bakit pa po? Ano pong pag-uusapan niyo?

Ruel: Kung ano mang pag-uusapan namin, sa 'ming dalawa na lang 'yon. Labas ka na dun.

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now