Chapter 9

1.4K 20 0
                                    

“Amber pwede ba tayong mag usap?” narinig niyang yaya ni Zairah ang Senior Detective Officer ng department nila.

“Sure. Mukhang interesante po ang sasabihin nyo Mam,” masayang sagot niya. Nagtungo sila sa opisina nito.

“Amber gusto ko sanang ipahawak sa iyo ang kaso ni Mrs. Gonzales.”

“Wala pong problema Mam. Ito po ba yung misis na pinatay ang anak matapos gahasain ng tatlong lalaki sa may parteng Laguna,’ seryosong tanong niya. Nararamdaman niyang may iba pa itong sasabihin bukod sa bagong assignment niya. Hindi pa man siya nakakabwelo upang magtanong narinig niyang bumuntong hininga ito saka nagsalita.

“Amber gusto ko sanang ipasa mo sa aking team ang paghawak sa kaso ng Takuyushi Org. na sinasabing may malaking kinalaman sa pagkamatay ng Kuya mo,” seryosong sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “I understand what you’re thinking now. It’s an order from our Superiors at alam mo namang di na natin pwedeng baliin pa ang desisyon nila. Isa ka sa magagaling na pulis at undercover agent ng ahensyang ito. We cannot afford to lose you. Natatakot kami sa kung anung pwedeng gawin sa iyo ng organisasyon. Masyadong matunog na ang pangalan mo sa kanila kaya gusto kana nilang ipaligpit.”

“Pero Mam, konting panahon na lang mareresolba na namin ito. Baka naman pwedeng makausap ko ang ating Superior. I need to solve this case. Gusto kong ako ang magbigay ng hustisya para sa kapatid ko. I worked it for so long tapos ngayon gugulatin nyo na lang ako na ipasa ko sa iba ang kasong pinaghirapan kong bigyan ng kasagutan. No way Mam, if you can’t afford to lose me then I can’t afford to lose this case too,” masama ang loob niyang lumabas ng opisina nito.

Hurt painted in her face ng pumasok siya sa kanyang opisina. Nag isip siya ng matagal upang makabuo ulit ng panibagong plano upang di mawala ng tuluyan sa kamay niya ang kaso ng kanyang Kuya. “Sinasabi ko sa inyo, duwag lang ang sumusuko.” Ito na ang naging panata niya sa lahat ng desisyong ginawa niya sa buong buhay niya. May nararamdaman siyang kakaiba sa kausap niya na parang may bagay itong itinatago o pinoprotektahan.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now