Chapter 7

1.7K 24 0
                                    

Abalang abala siya sa mga report na binabasa niya ng biglang kumatok ang kanyang partner-in-crime na si Philip may dala itong kape.

 “Pakner, uminom ka muna ng kape kanina ka pang di mapuknat dyan sa hawak mong report," sabay abot nito ng isang tasang kape.

“Tikman mo nga muna baka may lason,” natatawa niyang inabot ang tasa ng kapeng hawak nito.

 “Kaw talaga, nagmamagandang loob at labas na lang ako at lahat nagdududa ka pa kung may lason o wala. Syempre meron yan para bumait ka naman kahit konti lang,” natatawa pang sabi nito. “Sinagot na ako ng nililigawan ko kaya kita dinalhan ng kape para mgpasalamat sa pagtulong sa akin. Maiwan na kita ha may date pa kami. Mag usap na lang tayo pagbalik ko.” Nagpaalam na ito sa kanya at siya naman ay bumalik na ulit sa binabasa niya.

 Nakarinig siya ng ingay sa labas ng opisina. Marahil ay may mahadera na namang nagrereklamo sa information department. Lumabas siya upang icheck ang kaguluhan at para suwayin na rin kung anu man yun.

 “Mam we will do everything we can po para maretrieve kaagad ang kotse nyo, mahinahong pagsasalita ni Kaye na nasa information desk.

 “Please Miss do it faster. Wala na talaga akong tiwala sa pulis dito sa Pilipinas. Ang bagal ng sistema ng imbestigasyon,” pagalit na sabi nito.

“Excuse me lang Miss,” sumingit siya. "Aba Miss, kung sana kayo lang ang nanakawan ng sasakyan baka ako pa mismo ang magbalik ng sasakyan nyo. Kaso hindi lang kayo ang nakakaranas ng ganyang krimen sa buhay. Yung iba nga dyan,” sabay turo sa mga taong tahimik na nakaupo sa  tagiliran ng opisina niya, “mas masaklap pa ang dinaranas nila kesa sa iyo pero nagagawa nilang manahimik, magtiwala at maghintay sa ginagawang imbestigasyon ng mga kabaro ko,” seryosong sagot niya. Pigil na pigil niyang mairita dahil ayaw niyang madistract sa pinag aaralang kaso.

 Iimik pa sana ang babaeng nasa harapan niya ng biglang sumulpot ang lalaki at biglang niyakap ang bagong dating. Nagulat pa siya ng maaninag kung sino ito.

 “Ravel, aba ang kumag umaariba na naman ang buhay pag ibig ah. Di talaga ito nababakante.” napabulong na lang siya sa isip habang pinagmamasdan kung panu nito aluin ang babaeng nanakawan ng sasakyan. “Okay lang yan Miss atleast hindi si Ravel ang nanakaw sa iyo.”

 “Hi Amber,” matipid na bati nito sa kanya.

 “Aba mukhang nagbago na ang kumag nakalimot na atang mang asar, sabagay seminarista ka at nagbabagong buhay kaya natututo nang gumalang,” ang makulit niyang iniisip malayo na naman ang nilalakbay. Pasaway talaga.

 “Magkakilala kayo?” gulat na tanong ng babae.

 “Yeah. She is my bestfriend’s sister. Olivia this is Amber. Amber, meet my girlfriend Olivia, simpleng pagpapakilala nito.Nangangati man ang kamay niyang huwag makipagkamay dito pero sa huli napilitan na rin siyang ilahad ang kanyang kamay.

 “Nice meeting you Olivia. Please excuse me, marami pa kasi akong inaasikaso sa loob. Kaye ikaw na ang bahala sa kanila. Iniwan na niya ang eksenang iyon dahil nakakaramdam siya ng kakaiba. Napasalampak pa siya sa kanyang upuan at binalikan niya ang report na kanina pang binabasa ngunit kahit anung titig niya dito mukha ni Ravel ang nakikita niya. Pinili na lang niyang umuwi kesa ituloy ang ginagawa dahil distracted na siya.

 Kinabukasan maaga siyang pumasok at nadatnan pang nakikipagtalo si Kaye sa delivery boy na kaharap nito.

 “Kaye anu yan? An aga aga highblood kana naman,” nagulat pa ito sa boses niya. Aware siya na takot ang mga ito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang nakakatakot sa mga ito pero hindi niya alam kung bakit mas batas pa ang turing ng mga ito sa salita niya kesa sa Philippine Constitution na apat na taong isinaksak nila sa utak.

 “Ah, wala Bosing. Ito kasing si Manong pilit ipinabibigay itong bulaklak sa iyo. Di ba bilin mo na hindi ka tatanggap ng kahit anu mang ipadala ng mga naglalakas ng loob manligaw sa iyo.”

 Sumagot pa ang isa niyang kasama na si Laurence. “Manong kung ako sa inyo ibalik nyo na iyan sa nagpadala niyan sa inyo kung ayaw mong makulong ang taong nagpabigay niyan.”

 “Daijoubo desu ka Amber-san? Did you like the flowers?” sabay sabay pa silang napalingon ng makita ang isang gwapong gwapong Hapones na nakatayo sa harap ng pintuan nila. Pumasok ito at humalik sa pisngi niya.

 “Daijoubo desu Michiko-san. Yeah I liked it. Arigatou!,” yumuko pa siya bilang tanda ng pasasalamat dito.

 “Anu daw? Wow si Bosing may dyowang Hapones, ang pogi pogi pa at mukhang ang sarap yakapin,” kinikilig na sabi ni Myca.

 “Wag ka ngang ambisyosa Myca matuwa na lang tayo kay Bosing,” suway ni Kaye.

 “Excuse us guys. Aasikasuhin ko lang ang bisita ko. Babalikan ko kayo,” pabulong na sabi niya at unti unting bumalik ang mga ito sa kanya kanyang pwesto at inasikaso ang mga taong walang humpay ang reklamo.

 Matagal rin silang nag usap ni Michiko at nagpaalam na rin itong babalik na ito sa Japan. Kung anuman ang magiging papel ni Michiko sa buhay niya iyon ang isa pang malaking katanungan.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now