Chapter 6

1.7K 24 0
                                    

Namaalam muna siya sa kanyang magulang na magpapalipas ng ilang araw sa safe haven niya. Sakay sa kanyang sasakyan hindi niya maiwasang maalala ang kanyang kuya. Kahit nasa Japan siya hindi sila nawawalan ng oras na mag usap. Hindi lilipas ang buong araw na hindi ito nagtetext, tumatawag o nag eemail sa kanya.

 “Amber kumain ka muna Hija ipinagluto kita ng paborito mong adobong sitaw at sinigang na hipon. Tumawag kasi ang iyong mommy na dito ka didiretso,” alo ng kanilang kusinera at katiwala ng kanyang bahay.

 “Sige po Manang sabayan nyo na po ako”. Umupo na siya at tahimik na kumakain habang kasalo ang matanda at ang anak nitong babae.

 “Amber magtatagal ka ba dito? Miss kana Hija ng bahay na ito. Ang tagal mong nawala, si Anthony lang ang laging bumibisita dito, minsan kasama niya si Ravel," malungkot na sabi ng matanda na sinang ayunan naman ng anak na ito.

“Tatlong araw po akong titigil dito Manang, babalik na rin po ako ng Japan. Marami pong naghihintay na trabaho sa akin doon.”

 Tapos na siyang kumain at nagbilin kay Aling Lydia na doon muna siya sa tagong bahagi ng lupain na pagmamay ari pa rin niya. Mahigpit na ipinagbilin niya na kung pwede ay walang iistorbo sa kanya. Doon ay walang tigil na pinapaputok niya ang baril sa mga latang nakatayo sa harapan niya. Gigil na gigil siyang matugis na at makitang nasa kulungan ang taong pumatay sa kanyang kuya. Doon ay pinakawalan niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ng ilang araw niyang kinikimkim.

 “Amber stop it,” narinig niyang may nagsasalita sa likod niya habang humahangos ito palapit sa kanya at inaagaw ang baril na hawak niya. “Anu ba sa akala mo ang ginagawa mo? Kanina pang nag aalala sa iyo sina Aling Lydia dahil nakakarinig daw sila ng putok ng baril. Are you killing yourself huh?”, pagalit na sabi ni Ravel.

 “Damn man! She almost kill herself kung nagpatumpik tumpik ka pa.” Nag alala si Ravel ng husto ng malamang umalis si Amber sa kanila ng mag isa. Alam niyang hindi ganun kadali para dito na matanggap ang nangyari kahit ipakita pa nito sa lahat na kaya nitong harapin ang bukas na wala ang kanyang kuya Anthony. Naalala rin niya ang bilin ng kanyang kaibigan na kahit anung mangyari poprotektahan nila si Amber. Nagdecide siyang lumabas ng seminaryo upang masigurong nasa maayos na kalagayan si Amber.

 “Kailan ka pa natutong humawak ng baril ha at nakainom ka pa?” pasigaw na tanong niya. Halos mamatay siya sa pag alala dito.

 “Hindi ka si Kuya Anthony kaya wag mo akong sigawan. Natural kanina lang ako natutong humawak ng baril bago ka dumating,” pamimilosopong sagot nito na lalong ikinainit ng bumbunan niya.

 “Amber hindi ako nakikipaglokohan sa iyo kaya sumagot ka ng matino kung ayaw mong,” hindi na niya maituloy ang sasabihin dahil kanina pa niyang inipon lahat ng pasensya na natutunan niya sa loob ng seminaryo. “Kailan ka pa natutong uminom ha? Yaan ba ang natutunan mo sa pagtigil mo sa Japan?”

 “I’m sorry Father di nga pala dapat kita sinasagot ng pabalagbag dahil madadagdagan na naman ang kasalanan ko”, pasuray suray na siya kung maglakad. “Ngayon lang din ako natutong uminom. Akala mo ba madali lang para sa akin na tanggapin ang lahat?At ipaubaya sa mga usad pagong na pulis ang paghahanap ng hustisya para sa kuya ko. Hindi ako matatahimik hangga’t di ko nakikitang nasa kulungan ang pumatay sa kuya ko. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Parang pinapatay siya ng paulit ulit.   

 “San ka pupunta?”

 “Sa impyerno. Wag kanang sumunod dahil di ka tatanggapin doon.”

 Naiiling na lang siya sa takbo ng usapan nila. Napatakbo siya upang saluhin ang babaeng muntik ng matumba sa sobrang kalasingan. Agad niya itong binuhat at dinala sa kwarto nito.

 Matamang pinagmamasdan niya ang babaeng nakahiga sa kama habang pinupunasan niya ang noo nito. Inalis niya ang sombrero nito at doon niya nakita kung gaano kaganda ang buhok nito na nagtatago palagi sa suot nitong bull’s cap. Lumantad din dito ang malaanghel na mukha nito na nagtataglay ng pambihirang ganda. Nahihirapan siya na makitang nasasaktan ang babaeng na kahit sa panaginip ay hindi niya inakalang malulugmok ng dahil sa problema. Napapansin na niya ito nung highschool pa lang siya pero di niya ito magawang ligawan sa takot na ipagtabuyan nito. Naalala pa niya ang usapan nilang magkaibigan tungkol kay Amber.

 “Pare kung gusto mong ligawan si Amber, wala akong tutol pero paalala lang hindi lang puso ang aatakihin niya sa iyo siguraduhin mong handa kanang sapahin lahat ng kasamaang itinatago ng kapatid ko.”

 “Kasamaan?”

 “Oo kasamaan. Ibig sabihin nun siguradong hindi ka lulubayan nun hanggat di ka gumagapang pabalik sa inyo. Pahihirapan ka noon hanggang sa sumuko ka. Goodluck Kumpadre sa krusada mo sa kapatid kong Alien.”

 “Alam ko naman yun Pare. Salamat sa paalala. Pero sisiguraduhin kong wala pang papalag sa kaway ng kagwapuhan ko. Infairness Pare mukhang si Amber na ata ang katapat ko. Sa kanya ko lang naranasang lumapit at humingi ng advise para ligawan siya.”

 Natatawa na lang siya ng maalala ang usapang iyon. Akala niya pagpasok niya sa seminaryo makakalimutan na niya ito pero malakas ata ang pagkakadikit ng babaeng ito sa kanyang puso kaya pagkagraduate niya nagdecide na siyang lumabas ng seminaryo at magturo sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Lumabas muna siya sandali para magpahangin ng marinig niyang sumisigaw si Amber.

“Kuya! Kuya! Mga walangya kayo. Tama na. Kuya! Sumisigaw si Amber habang humahagulhol ito ng iyak. Napatakbo din sa kwarto nito sina ALing Lydia.

 “Amber gumising ka. Amber!” Niyugyog niya ng malakas ang balikat nito.

 “Ravel,” takot na takot na yumakap siya sa lalaking kaharap. “Ang sama ng panaginip ko. Si kuya pinapalo sa ulo habang nakatingin lang ako at hindi ako makalaban dahil nakatali ang buo kong katawan. Wag mo akong iwan di ko pa kaya.” Lalo siyang napahagulhol.

 “Shhh! Hinding hindi ako mawawala sa iyo kahit ipagtabuyan mo pa ako. Simula ngayon ako na ang mag aalaga sa iyo. Makukuha rin natin ang hustisya para sa kuya mo. Stop crying baka mapaiyak na rin ako pagtawanan mo pa ako.” Nakuha pa niyang magbiro para gumaan ang pakiramdam ng babaeng ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak.

 Matapos ang ilang araw pang pamamalagi nagpasya na rin si Amber na bumalik ng Japan upang ituloy ang buhay niya. Si Ravel naman ay patuloy na nagtuturo sa unibersidad.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now