Chapter 5

1.6K 19 0
                                    

Madaling nalagas ang tangkay ng panahon. Kasalukuyang nasa Japan siya at isa ng magaling na animator ng isang sikat na on going Japanese manga series na sikat na sikat din sa Pilipinas. Habang ang kuya niya ay isang mabuting alagad ng batas. Natutuwa pa siyang isipin na unti unti na nilang natutupad ang mga bagay na matagal na nilang gustong mangyari. And speaking of her kuya’s bestfriend wala na siyang narinig na balita tungkol dito. Sabagay siya naman ang ayaw na may mabalitaan tungkol dito. “Sira ka talaga Amber iniisip mo siya ngayon tapos pag nagkwekwento ang iyong kuya sinasabi mong ayaw mo ng malaman pa ang kahit na anu tungkol sa kanya.”  Naputol lang ang pakikipag usap niya sa kanyang sarili ng biglang tumunog ang telepono niya agad niya itong kinuha at rumehistro ang pangalan ng kanyang ina.

“Hello Mommy, napatawag po kayo?” excited na sabi niya.

 “Anak, please come back home,” malungkot na sabi nito. Batid niyang gusto lang nitong makita ulit siya.

 “Mom, I promise I will finish my business here and I will stay there for a couple of months, not this time lang Mommy please. Regards to kuya and daddy. I love you Mommy,” naglambing na lang siya para makabawi sa pangungulila ng ina.

 “No Anak, we need you now, lalo na ang kuya mo, humahagulhol na ito sa kabilang linya.

 Parang binubuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. Gulat man dali dali siyang nag empake. Sa tulong ng kanyang kaibigan nakabalik agad siya ng Pilipinas. She needs to be there in anytime she can.

 Sinundo siya ng driver nila sa airport. Pagdating niya sa bahay nadatnan niya ang mga taong nakatutok habang naglalakad siya papasok sa malawak nilang hardin.

 “Condolence Amber,” narinig niyang sabi ng isa sa malalapit na kaibigan ni Anthony na si Michelle. Kasabay nun ay lumapit ang kanyang ama at niyakap siya habang umiiyak. Noon lang niyang nakitang umiyak ang kanyang ama. Ramdam na ramdam niya sa pagyakap nito ang sobrang pighati at kalungkutan. Siya naman ay namamanhid dala na rin ng pagkagulat at sobrang sakit na nararamdaman niya. “Bakit iniwan mo agad ako Kuya? 2 taon na lang ang ipaghihintay mo para maging official partner-in-criminal investigation na tayo. Ang daya mo Kuya." Pigil na pigil niya ang sariling mapaiyak sa sinapit ng kanyang kuya. Isa lang bagay ang rumehistro sa kanya hindi siya matatahimik hangga't di nahuhuli ang pumatay dito.

 Lumapit siya sa unahan kung saan ay nakalagay ang abo ng kanyang kuya. Nagsindi pa siya ng kandila ng may lumapit at humawak sa balikat niya. Nilingon niya ito at muntik na siyang mapasipa sa sobrang gulat.

 “Kumusta Fr. Ravel long time no see,” bagamat seryoso siya habang kinakausap ito pero hindi pa rin maitago ang lungkot na bumabalot sa kanya.

 “Hindi pa ako pari, Ms. Amberleigh D’ Animator. Pare oh, ang iyong kapatid inaasar pa rin ako," parang bata pa rin ito kung magsumbong katulad noong nabubuhay pa ang kanyang kuya. Katulad nung huli silang magkasama niyakap ulit siya nito ng mahigpit. Doon ay parang nakakaramdam siya ng lakas para harapin ulit ang bukas na wala ang kanyang mahal na kuya. Ilang araw pa silang nagluksa saka nila hinarap ang katotohanang kailangan nilang tanggapin na wala na ang kanyang kuya. Habang iniimbestigahan  naman ng mga pulis kung sino ang nasa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kuya.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now