Chapter 8

1.7K 23 0
                                    

“Amber, bakit mo nagawang suwayin kami ng Mommy mo, galit na tanong ng daddy niya pagpasok niya sa kanilang tahanan. Nalaman na ng mga ito ang kanyang pakay kung bakit siya bumalik ng Pilipinas.

“Here we go again Dad,” napapabuntong hinigang sagot niya sa ama.

“Anak, tama ng si Kuya na lang ang napahamak. Please, anak listen to us. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa pag napahamak ka ng dahil sa ginagawa mong iyan. Ipaubaya n lang natin sa mga pulis ang pag iimbestiga,” nagmamakaawang sabi ng kanyang ina.

Alam niya kung panu naghirap ng husto ang mag asawa bago pa ito unti unitng nakarecover sa nangyari sa kanyang kuya. Kahit pa sabihing limang taon na ang nakakalipas minsan nga kahit magkasama sila at may biglang sasagi na makakapagpaalala sa kanyang kuya napapahagulhol pa rin ang kanyang ina.

“Mommy, Daddy, I understand your side bilang mga magulang ko pero hindi ko kayang mawalang saysay na lang ang pagkamatay ni Kuya. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko naiibigay ang hustisya para sa kanya. Hindi lang kayo ang nawalan ng anak. Nawalan ako ng kapatid at masakit isipin na wala ako sa tabi niya upang tulungan siyang makaligtas. Please let me continue this. Hindi lang naman ito para kay Kuya para ito sa kaligtasan ng nakakarami,” taos puso niyang pagpapaliwanag sa magulang.

Hindi niya hahayaang masira lahat ng planong nasimulan niya upang mapabilis ang pag resolba ng kaso. Hindi siya uurong at kung kinakailangan itakwil siya bilang anak tatanggapin niya. Kahit ang Superintendent nila ay humanga sa kanyang paninindigan bilang isang mahusay na alagad ng batas. Kita niyang napabuntong hininga ang Daddy niya.

 

You have to choose between my options: you will Marry Ravel or you will quit profession and lost your battle?, pinatigas lalo nito ang boses. 

Don’t be too harsh with our daughter Miguel, saway ng kanyang mommy.

Don’t worry Mom, I can live with the temper of Daddy. Let him speak to me that way.

I’m sorry Amber but what decision I did is for your own sake. I knew how aggressive you are but you don’t know how much we worried about you. Nagbaba ito ng boses. We lost your Kuya hindi na namin alam ang gagawin namin ng iyong mommy pag may nangyaring masama sa iyo. Tumalikod ito habang dinadaluhan ng ina na noon ay naiiyak na naman.

Mahina ang puso niya sa ganoong eksena lalo’t harap harapang niyang nakikitang nasasaktan ang kanilang magulang. “Okay Dad you know I can’t give up my profession whatever it takes I will do everything to secure my safety and ask Ravel to marry me as soon as possible. Just believe in me, masuyong sagot niya. Nagliwanag ang mukha ng mag asawa. Pero ang isip niya ay walang tigil ng pagtatanong sa kanya.

“Bakit ba naisipan ni Daddy na ipakasal ako sa kumag na yun? Tsk alam mo Amber you should be thankful dahil mapapasayo ang lalaking pinapangarap ng marami. Oh baka naman naduduwag ka lang tanggihan ka at iba ang piliin?”napapapikit na lang siya habang ang daming tanong ang tumatakbo sa utak niya. Lulunukin niya lahat ng pride nya mapapayag lang ito. Hindi niya isusuko ang nasimulan na niya.

“Humanda ka Ravel, sa ayaw at sa gusto mo damay ka sa misyon ko. Duwag lang ang sumusuko so you better get ready for my ulterior motives.”

 

“What are doing here Amber? Walang kriminal dito, seryosong sagot sa kanya ni Ravel habang inalalagay nito ang gamit sa kotse.

“Alam kong walang kriminal dito dahil lahat ng tao dito mabuti kasi naman may Presidente silang mabait na katulad mo, nilalambing nya ito upang madali niyang mapapayag ito sa pagpapakasal sa kanya.

“What do you want? Wag mo na akong bolahin dahil hindi tatalab yan sa akin. Alam mo yan from the very start dahil ikaw ang nagpamulat sa akin kung gaano ako kabolerong tao. Tell me what do you want ng makaalis na ako. Susunduin ko pa si Olivia, paangil na sagot nito.

Aw? Sapul na naman sa puso niya ang binitiwan nitong salita pero tinimpi niya ang kanyang nararamdaman.

“Puro kana lang Olivia dati Alicia may Zia pa. Di ka rin mahilig sa may ia ang end letter ng name ng nagiging girlfriend mo ano? Let me say it kung bagay sa name ko. Amberleighia.Yuck! Watta a name di bagay sa akin, nangangasim pa ang mukha niya.

“You’re so cute when you’re acting jealous, pinisil pa nito ang kayang pisngi habang nakangiti. Pero bumenta na yan sa Ermita kaya waepek na yan sa akin. Get in, ihahatid na kita pauwi.”

“Hindi ako nagseselos noh? Di hamak naman na mas maganda ako sa kanila. Masyado kang assuming. Tara na nga, wala din akong dalang sasakyan,”iniba na niya ang usapan natatakot siya dahil hindi na regular ang heartbeat ng puso niya sa sobrang kaba sa taong aalukin niya ng kasal.

Binabagtas nila ang kahabaan ng Edsa ng bigla silang makarinig ng putok na nanggaling sa likuran.

“Dito ka lang Ravel titingnan ko lang kung anung nangyayari sa likuran natin,” dali dali siyang bumaba ngunit pinigilan agad nito ang braso niya.

“Sasama ako hindi pwedeng mag isa ka lang lalabas. Panu kung madisgrasya ka?”

“Pulis ako sanay ako sa ganito. Ang OA mo ha, Mr. Seminarista kung di lang baka nagkakagulo na sa labas at baka may masaktan napukpok na kita ng baril ko. Dyan kana lang kaya ko na ito,” bumaba na siya ng kotse.

Sumunod pa rin ito sa kanya. “Hay tigas talaga ng ulo mo Ravel sarap mong tadtadin ng bala sa ulo para matauhan ka,”pagmamaktol niya.

Nakita niya ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki na papalapit sa kinakatayuan niya. Alam niyang siya ang target nito. Nagpalitan sila ng putok at maya maya pa’y dumating na ang back up nila at nahuli ang dalawang lalaki.

Sumama na rin sila sa presinto at masusi ang ginagawang imbestigasyon ng mga kasamahan nila. Tinitingnan nila ang lahat ng anggulo kung may koneksyon ito sa kasong hawak niya ngayon. Napasugod din ang kanyang magulang sa sobrang pag alala na baka napahamak siya.

“Tita don’t worry okay na po si Amber, magkasama po kami kanina ng mangyari ang insidente, mahinahong paliwanag ni Ravel. Naalala niya bigla kung panu siya natakot sa kalagayan ni Amber kanina. Napayakap siya ng sobra dito at kung pwede lang ay itago na lang niya ito gagawin niya.

“Amber hindi ko alam ang kaya kong gawin sa mg taong nasa likod nito kung napahamak ka kanina.” Naikuyom na lang niya ang kanyang palad habang yakap pa rin ang ina nito.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now