1 - Enrollment Ongoing

12.7K 164 3
                                    

~
Ania POV

Yes, it's another school year, at... Please. Hindi ako handang magdusa ulit. Let me introduce my background muna. Ako si Jean Ania Castillo. 15 years old, at pagpasok Grade 10. I've been a consistent first honor student since Grade 1, that's why spoiled na spoiled ako kay mommy at daddy. Yes, unica hija lang ako, never had a boyfriend, syempre. Hindi naman ganun ka-strict si daddy and mommy, pero I just don't want pa. Duh, 15 years old palang ako!

If you would ask me, gusto ko yung lalakeng matalino, marunong manindigan, yung bang... Kaya akong ipagtanggol, at wise mag-decide. See, walang physical appearance na nabanggit, right? Kasi, hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo, but gusto ko yung with in, kung gets niyo.

Malimit akong magkacrush... Pero, kung meron man, parang girlfriend na ako sa sobrang pagiging loyal. Laging taon-taon, pangmatagalan lagi akong magkacrush. So, wala pa naman ako ngayon, maybe ngayong pasukan sa June magkaroon na, who knows?

"Ania! Anak! Breakfast is ready, 'wag ka muna puro gadgets..." Si mommy na 'yun, sige let me leave you with this muna. Bye!

=========
Ansel POV

Okay, so magtwo-two years na ako sa pagiging teacher sa CaSun Montessori. Adviser ako dati sa Grade 4, pero coach nalang ako sa sports, sports coordinator nalang para mas malinaw. Pero, back to being adviser nanaman ako. Ako daw kasi ang magiging Grade 10 adviser ngayong pasukan. Goodbye, sports muna!

Teka, ang tanga ko naman! Nalimutan kong magpakilala... Ako nga pala si Anselmo Martinez. 23 years old, at taken, oo, taken. Wala akong masyadong background na pwedeng ikwento, pero galing ako sa isang marangya na pamilya. Ayoko din namang umasa sa kayamanan nina papa at mama. Oo, iisipin niyo bakit pa ako nagtuturo, kung pwede nanaman akong magtrabaho sa negosyo namin, pero wala rin naman akong kaalam-alam sa mga bagay na ganun. Basta't ang gusto ko lang ay makapagturo.

Ano akong klaseng lalake? Siguro ako yung lalakeng walang alam kundi ang mahalin ang mga taong mahalaga sakin. Yun lang talaga eh... Syempre mahaba din ang pasensya ko, marunong din na umintindi kahit papano. At higit sa lahat, wala akong bisyo. Tsaka, maka-diyos din ako, mapagmahal na anak. Dalawa kaming magkapatid. Ako at si Diane. Si Diane, 13 years old palang yan at bantay-sarado sakin. Walang makakagalaw sakanya, at kung meron man hindi ko alam kung anong kaya kong magawa kung sino mang lalake yun.

"Kuya Ansel! Let's go... Prepared na ang breakfast." Tinatawag na pala ako... Sige, guys! Bye muna't gutom na ako, as usual.

========

LEFT YOU WITH THIS, NGAYO'T KILALA NIYO NA ANG ATING MGA BIDA, IIDLIP MUNA SI AUTHOR. GE GE BYE!!! ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA... SA "MY SIR, MY LOVER?!"

~jeanellediana

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon