Fake Wife ♥42.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi po. Hindi po!" Si Kate ang sumagot kaya napatawa kami ni Ron.

"N-nagtatrabaho ngayon ang asawa ko. Pero sasabihin ko rin sa kanya doc" Ngiting sabi ko sa kanya.

Nagtatanong na nakatingin ang dalawa sa akin. Pero ngumiti lang ako. Napaiyak ako. Tears of joy? Malamang. Nasa loob ko ngayon ang kadugo ni Miko. Nasa loob ko ngayon ang remembrance ko sa kanya. Masayang masaya ako ngayon kaya hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala. Pero God gave me this child... God gave us this child.

Nag decide akong puntahan si Miko pagkatapos nito. Alam kong tinaboy ko siya no'ng mga huli naming pagkikita. Pero gustong kong... malaman niya rin. Alam kong sasaya siya dito. At umaasa pa rin akong magkakabalikan kami. Kahit na tutol si kuya sa amin. Hindi ko maiwasang isiping kailangan siya ng anak ko. Ng magiging anak namin.

Napahawak ako sa tiyan ko ng makarating kami sa labas ng bahay ni Miko. Kahit hindi pa siya halata. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya...

Mamimeet mo na ang papa mo. Mag antay ka lang. Mahahawakan ka rin niya, baby.

"Cassy, talaga bang... handa ka na? P-pwede pa tayong bumalik at—" Siniko ni Ron si Kate.

Alam kong nag-aalala sila sa kahihinatnan. Pero handa na ako, at mas sasaya ako kung malalaman niya to.

Hindi si Miko ang bumukas ng gate kundi ang kuya niya. Nagkatinginan pa kaming dalawa at matagal siyang nakapagsalita.

"Cassy, babalikan ka lang naming ah. May bibilhin muna kami ni Ron" Sabi ni Kate at agad silang umalis.

"Pasok ka." Malamig na sabi niya pero kahit na ganoon pumasok pa rin ako. Dala ko pa rin ang envelop na magpapatunay na buntis nga ako.

Umupo ako sa sala habang hinihintay ang kuya niyang nagtitimpla ng juice.

"Napabisita ka?" Tanong niya habang inaabot sa akin ang juice. Napatingin pa siya sa dala kong envelop.

"G-gusto ko sanang...makausap si M-miko."

Umupo siya sa harap ko at natigilan sa pag inom ng juice niya.

"Wala na siya dito." Binaba niya ang baso na hawak niya sa center table.

Kumunot ang noo ko.

"Pwede ko bang m-malaman kung—"

Napatingin siya sa akin. "He gave up everything he had. Kung nasa'n man siya ngayon. I'm sure he suffered a lot..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. He gave up... everything?

"You know, my brother loves you so much. Ganoon pala ang nagagawa ng love?" Sarcastic na napatawa ang kuya niya.

Napayuko ako, unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Gusto kong saksakin ang puso ko ngayon. Kasalanan ko 'to!

"I told you to trust him because I knew all along; he loved you that he even gave up being a Fuentibella. He even got a fight with his lolo. He tried to commit suicide pero naalala ka niya. Naalala niyang sinabi mong mahal mo siya at kung magkikita man kayo ulit. Mamahalin mo pa rin siya. 'yon ang pinanghahawakan niya ngayon Cassy..." Napatingin ako sa kanya habang hindi ko na napigilang lumandas ang luha ko.

"Isn't it enough? I know, kasalanan ng lolo niya ang lahat ng ito. Hindi kita masisisi na kahit ngayon hindi mo parin matanggap ang nagawang mali niya. Now that you know that he suffered so much pain. Are you happy now?"

Nakikita ko ang gigil sa mukha niya. Galit siya sa akin ngayon. Tanggap ko 'yon dahil ako mismo ay galit din sa sarili ko. Pinabayaan ko siya at nagpatangay ako sa galit.

Humagulhol ako sa harap niya. Sobrang tinamaan ako sa mga sinabi niya. Alam kong bilang kuya, nasasaktan siyang makita ang kapatid niyang nasasaktan na wala siyang magawa kundi panoorin na lang.

Suminghap ako "Gusto ko siyang makita, gusto ko sana—"

Tumayo siya at tumalikod sa akin."You better start your new life and move on Cassy. My brother is in the stage of recovering. I don't want you to bother him. Please lang, hayaan mo muna siyang makapag move on. Hayaan mo muna siyang...mabuhay gaya ng dati. No'ng dating wala ka pa..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tinaboy niya ako. Ngayon, mas nakikita ko ang pagiging kuya niya kay Miko. Nakikita kong affected din siya. At kahit pilitin ko man ang sariling makita siya...Tama ang kuya niya. Na dapat ko muna siyang hayaan. Kahit masakit. Kahit alam kong hindi ko kaya, ngayon pang may naghihintay sa kanyang presensya... kailangan kong tanggapin.

Lumabas akong malungkot at tulala. Nakita ko ang pag-aalalang mukha ng dalawa habang papalapit sa akin.

Hindi man nila itanong, alam na nila ang sagot kaya niyakap na lang nila ako ng mahigpit.

"Kasalan ko 'to. Ang sama sama kong tao!" Hagulhol kong sabi habang niyayakap ni Kate. Si Ron naman ay hinahaplos niya ang buhok ko.

 "Shhh.. It's not your fault Cassy." Basag rin ang boses ni Kate na parang naiiyak na rin.

"Everything will be okay. Just be brave... for your child. Andito lang kami Cassy." Sabi ni Ron.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Mabuti na lang at may mga kaibigan ako. Mabuti na lang at andyan sila. Kung hindi, mababaliw na ata akong umiiyak mag-isa.

Move on? Mahirap. Ang hirap gampanan. Lalo na't araw-araw ay may nagpapaalala sayo. Araw-araw ko siyang naiisip. Lalo na't hindi lang pintig ng puso ko ang nararamdaman ko ngayon...kundi sa kanya rin. Mas ramdam ko.

"Cassy? Buntis ka?" Tanong ni kuya mula sa likod ko.

Napatingin agad ako sa kanya matapos akong paulit-ulit na sumuka sa banyo. Nakauwi na kami ngayon sa bahay at hindi ko aakalaing sa ganito ka hating gabi ay magigising siya at makikita akong ganito sa banyo.

Kinabahan ako sa titig niya. Habang papalapit siya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Seryoso ang mukha niyang napatingin sa akin.

No need to hide it. Alam ko namang walang sekreto ang hindi mabubuniyag. Lalong lalo na dito...Lalaki to at lalaki. Mangangailangan ako ng taong makakapitan. Kailangan ko si kuya. Kailangan ko ang kapatid ko ngayon at sana maintindihan niya ang sitwasyon ko.

Sana hindi niya kasusuklaman si Miko.

Agad na dumaloy ang luha sa pisngi ko. Pero seryoso ko siyang hinarap at tiningnan ng deretso.

Tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin niya at ipagtatanggol ko ang nasa sinapupunan ko.

"Yes kuya, buntis ako."

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon