Fake Wife ♥28.

11.3K 134 24
                                    

Chapter 28

May nakapagsabi na ba sayo ng 'make love with me?'

Kung meron na. Anong sinagot mo?

Para akong nabingi sa sinabi niya. Straight-forward. Wala man lang preno! Umiinit na naman ang pisngi ko. Hindi ba niya alam kung paano maging sweet? Bakit niya dinadaan sa ganito? Akala ba niya madali lang akong makuha? Eh hindi nga niya sinabing mahal niya ako eh!

Nakainom lang, lumabas na ang pagkaflirt! Ganito kaya siya sa mga babaeng nakakasama niya tuwing nalalasing siya? Saang level na ba sila umabot? Malamang sa lugar kung saan hindi ko pa napupuntahan.

Hindi pa rin niya maalis-alis ang titig niya sa akin. Ni hindi man lang niya pinikit ang mga mata niya. Naghihintay siya sa sagot ko. Hinihintay niya ang 'oo' ko?

Maghunos dili ka! Bawal magpadala sa taong wala namang nararamdaman sayo. Pinaglalaruan ka lang niya!

"M-Miko, lasing ka!" Halos hindi ko mapigilang mapiyok sa sinabi ko. Pilit kong kumalas pero hindi ko kaya. Kahit lasing siya sobrang lakas pa rin niya.

"I'm not drunk. Lasing lang ako." Kitams? Humalakhak pa siya. Drunk at lasing parehas lang!

Niyakap niya ako. Alam mo ba yung distance? Kilala mo ba si 'bakamadalaakosayo'? O gusto mong ipakilala pa kita sa kanya? "Ano ba Miko! Umalis ka nga dito sa kwarto ko! Nakakaisturbo ka eh."

"You want to go to my room kanina, right?" Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko at kinulong ang mukha ko sa malaki niyang kamay.

Totoo. Gusto kong pumunta sa kwarto niya para mag sorry sa inasal ko. Pero ngayong alam kong ganito siya kalasing at ganito siya kawalang hiyang magsabi ng deretso sa akin ng ganoon. Parang ayoko na!

"Is your silence means yes?"

Isang dangkal na naman ang lapit namin. Ang hininga niyang amoy alak. Sobrang nalulunod na ako ngayon. Nalalasing na ata ako.

ERR! Seducer!

Tinulak ko siya. "Pwede ba Miko? Umalis ka na please?" Halos magmakaawa na ako sa kanya. Pero parang hindi niya ako narinig at lumapit pa rin siya sa akin at hinapit ang beywang ko.

"It's our honeymoon today, we should make love!" Tawang sabi niya.

"Anong honeymoon ka dyan? Maghoneymoon ka mag-isa mo! Kasasabi ko lang diba? Hindi natin pwedeng gawin ang ginagawa ng totoong mag asawa? Nauntog ba yang ulo mo?" Tsaka di mo naman ako mahal!

Niyakap niya ulit ako and this time. Sobrang higpit na. "We're married now. At least, stay away from that damn so called bestfriend of yours. I hate it. Ayoko Cassy. Ayokong makitang masaya ka sa kanya."

So bakit biglang napunta ang usapan kay Alex?

Kahit na gusting-gusto ko siyang yakapin pero nasa katinuan pa rin ako kaya hindi ko pwedeng pagsamantalahan ang taong lasing at wala sa sarili. "M-miko, kaibigan ko lang si Alex kaya-"

Binitawan niya ako. "You are not his friend! I want you to stay away from him! Hindi kaibigan ang turing niya sayo!"

Nagulat ako sa sigaw niya. Sigaw na may pinaghuhugutan. Sigaw na sobrang inis na halos bitayin na niya si Alex patiwarik at painitan sa kumukulong tubig!

"B-bakit ka ba nagkakaganyan? Kilala mo na ba si Alex? Para sabihin ko sayo matagal na kaming magkaibigan at wala kang karapatang husgahan ang relasyong meron kami!"

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon