FAKE WIFE ♥10.

12.5K 120 11
                                    

Chapter 10

Napanganga ako sa nakita pagkatapos kong lumabas sa sasakyan ni Gerry. Andito na pala kami. Di ko akalain na ganito siya kayaman!

Ang lawak sa labas. Ang laki ng building parang may 50 floors? Ewan ko. Manghang-mangha ako sa sobrang laki.

"Hindi ka ba pa nakapunta dito?" Biglang pinutol ni Kristelle ang pag iisip ko. Hindi ko napansin. Sobrang halata na pala ako! Mabubuking ka na Cassy!

"Hindi eh. Hindi ko kasi gustong pumunta-punta dito. Hehe" Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Let's go. Miko is waiting." Sabi ni Gerry matapos ipark ang sasakyan sa labas lang.

Buti walang pakialam si Gerry tungkol sa amin ni Miko. Eto naman si Kristelle, panay ang tanong. Halatang di siya naniniwala na may relasyon talaga kami ng Mikong yun. Well, tama ka! sana nga mabuking na kami para tapos na 'tong mga kabaliwan ng Mikong yun!

Pumasok na kami. Binati kami ng mga nag ta-trabaho do'n. Napansin kong andaming matang nakatingin sa akin. Gooosh! Di pa ako kailan man nakakakuha ng ganitong atensyon. Dahil ba 'to sa suot ko? Sabi nila ang tawag dito ay western style sleeveless full dress with belt... Talagang minimorize ko kasi naman first time kong nakasuot nito.

"I told you pagtitinginan si Cassy!" Bulong ni Gerry habang nasa elevator kami. Sinabi niya yun kay Kristelle na narinig ko naman. Kasi naman parang hindi bulong ang sinabi ni Gerry. Kakahiya!

Si Kristelle naman, panay ang irap sa akin. Ewan ko. Matapos ang makeover ganyan na siya sa akin. Hindi niya ako gusto. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil feeling niya mang-aagaw ako?

No!! sayong-sayo na 'yang lalaking yan. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya kung ga'no kasama ang ugali ng Miko na 'yun. Baka magbago ang tingin niya!

Habang nasa loob kami ng elevator, kinakabahan ako. Di ko alam! Bakit ba?

Magkikita kami ni Miko.

Hinalikan niya ako.

Sinabihan niya ako ng 'hon'

 

Ano bang nangyayari sa lalaking yun?!

Nevermind!

Di ako dapat kabahan ng ganito. Kasi naman siya ang may atraso sa akin!

May pahalik-halik pa siyang nalalaman? Bakit? Porket pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Pwede na niyang gawin to sa akin?

Ang kapal!

"Anong iniisip mo diyan? Nag de-daydreaming ka sa future husband mo?" Bigla akong napatalon sa sinabi ni Kristelle. Harsh. Napaka Harsh niya sa akin!

"Stop Kris, ano bang nangyayari sayo? May dalaw ka te? Kanina mo pa siya pinagbubuntungan. Bitter ka pa rin ba?" tanong ni Gerry.

Bitter?

"I don't want to talk about it, gusto ko ng umalis." Sabi ni Kristelle. Napatingin na lang ako sa kanya. Napakalungkot ng mga mata niya. I could see so many memories na feeling ko up to know hindi pa siya makamove on, ex-girlfriend ba siya ni Miko?

"No Kris, akala ko ba okay ka na? Pumayag ka naman na maging friends na lang kayo diba?"

"Alam mo Gerry, what I've felt about him. Alam mo yun. Andoon ka. Alam mo lahat. Now, I don't know kung bakit at kung paano niya nagustuhan si Cassy. And I can't get over with this."

Hindi ako makatingin ng derecho kay Kristelle. Nasaktan ko siya? Nasaktan siya ni Miko? Akala ko ba walang puso ang taong yun? Naging sila ba ni Kristelle o pinaasa lang niya ito? EWAN KO. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Langyang lalaking yun ah! Makakatikim siya sa akin!

"Sorry 'bout this Cassy, I know you're not aware about this. Don't mind her" tinapik ako ni Gerry. Well, ang totoo galit ako sa lalaking 'yun! Napaka manhid talaga. Kunsabagay ang gusto lang niya ay ang magparami ng pera!

"O-okay lang Gerry. Sorry Kristelle, di ko alam ang nangyari" Sinimangutan lang ako ni Kristelle.

Nagi-guilty ako. Kristelle! kung alam mo lang, hindi talaga kami ng pesteng Mikong yun! Mamatay man siya!

Nakarating na kami sa 40th floor. Doon daw ang office ni Miko. Paglabas namin, kitang kita ko na naman ang mga mata ng mga taong nandoon. May mga nagbulong-bulungan pa sa gilid naming habang naglalakad lakad kami.

Panay ang tingin nila kay Kristelle at sa akin? Sobrang feelingera ko talaga! Nakakahiya naman to!

Damang dama ko na kung ga'no ka powerful ang lalaking yun. Nagagawa niyang paikutin lahat ng tao. Maging ang kuya ko, na ang tanging gusto lang ay fame at walang pakialam sa kapatid niyang binablackmail.

"We're here."  Nasa tapat na kami ng CEO office. Sa labas palang, mararamdaman mo ng napaka luxury ang nasa loob. Ha! Ganito pala ang office ng isang sakim sa kayaman? Gagawin ang lahat para makuha niya ang lahat ng kayamanan. Kahit may masaktan na tao?

Napatingin ako kay Kristelle. Mabigat ang loob niyang humakbang at parang walang lakas.

Pinapasok na kami ng secretary ni Miko. At alam niyang dadating kami. Tinawag pa niya akong 'Ma'am' at yumuko sa akin. Hindi talaga ako sanay!

Nakita namin si Miko na nakaupo sa swivel chair. Nakipag beso-beso pa si Gerry sa kanya at binati pati na rin si Kristelle.

"You look pale" Sabi ni Miko kay Kristelle at hinawakan sa pisngi. Kitang kita ko ang pag blush niya at parang nahiya. Langya 'tong lalake. Nakasakit na nga, may gana pang magpacute! Hindi ba niya alam kung anong nararamdaman ni Kristelle?

Napansin kong di matanggal ang tingin ni Miko sa akin.

Anong tinitingin-tingin mo dyan mokong ka?

Tinaasan ko siya ng kilay. Nagtitigan din kami ng matagal. Nakatayo siya sa harapan ni Kristelle. Si Kristelle naman nakatingin rin sa akin. Tila naghihintay siya sa anumang sasabihin ni Miko.

 Habang ako kinakabahan sa tingin niya. Ang lagkit!

"I don't like what you're wearing."

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon