READ MY RULES BEFORE READING

6.3K 168 9
                                    

Rule 1: | YOUR VOTE |


Yes, I know na sasabihin niyong... bakit namin ivovote? Paano kung hindi namin nagustuhan?


Request ko lang po sana na ivote niyo every chapter. For the benefit of the story and for me. Kasi naghirap din akong bumuo ng chapters. Mahirap magplot. Mahirap mag isip ng panibagong ideya. By voting, naaappreciate ko ang tulong ninyo sa akin. Nakakawala po siya ng stress. At mas nakakaingganyong magsulat at mag update.


Rule 2: | YOUR COMMENT |


Gaya ng Rule 1, ganun din ang dahilan ko. And also, sa comment ninyo, nalalaman kong maganda ang update ko o hindi. Galit kayo o hindi. Masaya o hindi. Kasi po, sa totoo lang nakakagood vibes din ang pagbabasa ng mga comments ninyo. Lalo na't nagpapasalamat kayo sa akin kasi maganda ang story ko. Nakakaboost po ng utak. Nagkakavitamins ang utak ko. Kumbaga, kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas para mag update. Kaya ang nakakapagpasaya sa akin. Ano ba naman yung konting comment lang, kahit very good, good o author, may mali sa spelling mo. Naaappreciate ko po lahat.


Rule 3: | SHARE |


Sobrang saya ko pag may nababasa ako sa message ko na shinare nila story ko. Bakit? Kasi ibig sabihin lang, nasayahan sila sa story ko at gusto nilang ibahagi sa iba ang nabasa nila. MALAKING TULONG PO IYON SA AKIN. Sobra. Nakakagaan ng loob. Nasasabi ko pa sa sarili kong I'm so blessed . Masarap sa pakiramdam na nagugustuhan ang story mo. Bakit ba nagsusulat ang mga writers? Para ibahagi ang imaginations nila at para rin magustuhan ng mga readers. Kahit isang share mo lang sa kaibigan mo, may napasaya ka ng isang tao, nakatulong ka pa sa kanya. O diba? Isa ka na ring blessing?


Rule 4: | YOUR MESSAGE |


Tulad niyo, isa din akong reader. Ibig sabihin lang nun, mahilig din ako magbasa, lalo na pag may nagmessage sa akin. Para akong nilublob sa isang drum ng rugby. Nakakaadik kasi kayo. (Naks) Totoo, minsan nag aantay ako kung sino ang maglalakas loob na mag message sa akin. Hindi naman ako nangangagat. Wala akong rabbies kaya libre lang ang mag message sa akin. Magrereply ako, wag kayong mag alala, hindi ako madamot sa ink.


Rule 5: | ADD ME ON YOUR SOCIAL MEDIA, OR LIKE MY PAGE|

Papansin kasi ako kaya gusto kong iadd niyo ako sa mga social media niyo. Pasensya na. KSP lang. Pero sa totoo lang, gusto kong makipag friend sa inyo. Gusto ko kasi nalalaman kong ano ang say niyo sa story ko. Kaya pwede niyo akong kontakin kahit facebook, twitter, instagram at wordpress.


Rule 6: | JOIN MY OPLANS |


Mahilig din ako magplano. Wag kayong mag-alala, wala tayong kikidnapin, o rereypin. Minsan kasi, may bigla akong naiisip. Kung okay lang sa inyo, medyo may kabaliwan kasi ako. Side effects siguro ito ng masyadong nagsusulat.


Rule 7: | AIM FOR A BOOK |


Pagbigyan niyo na ako. Ito yung ultimate dream ko. Ito ang bubuhay ng sistema ko, ng kaluluwa ko at ng pagkatao ko. Ako na siguro ang masayang tao sa buong mundo pag naging libro ang mga naisulat ko. Grabe no? Lahat naman siguro tayo may ultimate dream. Pero ito talaga ang sa akin. Kayo, anong ultimae dream niyo?


Hanggang Rule 7 muna, wag kayong mag-alala, wala pa akong naisip ipangdagdag kaya eto muna para sa ngayon. Nawa'y sundin niyo ang rules ko habang nagbabasa ng strory ko. Masayang masaya na ako bilang writer. Pwede na akong tumambling sa luneta pag nagkalibro. Itatag ko pa kayo.


Maraming salamat.


Sincerely Yours,


Baboylovesme







The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon