Fake Wife ♥31.

10.7K 139 20
                                    

Chapter 31

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sahig ng kwarto ko malapit sa pintuan. Nakatulog ako habang umiiyak. Ibig sabihin hindi pumasok si Miko sa kwarto. Ibig sabihin lang nito, wala siyang pakialam sa akin. Bakit pa? May Kristelle na siya diba.

Nakatulala pa ako sa sahig. Humiga ako ulit malapit sa pinto. Para akong isang broken hearted. Para akong iniwan ng boyfriend ko dahil may iba na siyang nagustuhan. Para akong tangang humiga sa sahig. Tulala.

Biglang bumukas ang pinto. "Ma'am Cas-"

"Araaay!" Halos mangiyak ako sa sakit ng kamay ko. Inapakan ng walangyang Juli!

"Nako, Sorry Ma-"

"Cassy! Are you alright?" Nakita ko ang mukhang di ko gustong makita pero gusto ko pa rin.

Natulala ako at natahimik ng lumapit siya sa akin kaya nagkatinginan kami.

"Wh-what happened?" Hindi siya makatingin ulit sa akin. Nakatingin lang siya sa kamay kong namaga. Dapat pa ba akong masaktan ng ganito, lumapit lang siya sa akin? Pansinin niya lang ako?

No'ng hindi ako nag salita tinanong niya si Juli.

"JULI! Anong ginawa mo sa kanya?" Seryoso niyang tanong kay Juli kaya napayuko ito at hindi makatingin sa amin.

"S-sorry po sir Miko. Hindi ko alam na n-nakahiga pala sa sahig si M-ma'am Cas-"

Bigla akong binuhat ni Miko papuntang kama.

"H-ho-"

"My God Cassy! What the heck are you doing? Juli! Get the cold compressor now!" Halos mapatalon si Juli sa boses ni Miko at dali-daling umalis para kunin ang pinapakuha ni Miko.

Inobserbahan niya ang kamay ko. Ako naman inobserbahan ko ang mukha niya.

"Kasi naman, kung bakit pa kasi nakahiga ka sa sahig eh. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakahiga don?" Sabi niya nang hindi pa rin nakatingin sa akin.

Sa ngayon. Parang nasisiyahan akong makita siyang galit sa harapan ko habang hawak-hawak ang kamay ko. Kahit ngayon lang. Sana mag slow mo ang oras. Sana tumigil.

"N-nakatulog kasi ako sa-"

"What? Sa sahig?! Bakit ka naman natulog doon? Bakit? Mas malambot ba ang sahig keysa sa kama mo? Are you out of your mind?!"

Patapusin mo nga ako. Nakatulog ako sa kakaiyak dahil sa pangangabit mo!

Kinuha ko ang kamay ko kaya napatingin siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. "H-hindi mo naman kailangan maging concern eh. Okay naman ako kahit wala ka."

Natahimik siya. Nang tiningnan ko siya, nakatingin na siya sa ibang dereksyon.

Iniiwasan mo ata ako eh!

"Eto na po 'yong cold compressor sir." Napatingin ako kay Juli. Inirapan na naman ako, dumagdag pa tong epal na to.

Kinuha ni Miko ang cold compressor kay Juli. "You can go. Sa susunod kakatok ka muna bago pumasok, okay?" Galit na sabi niya kay Juli kaya napayuko ulit si Juli.

"Sorry po sir kasi-"

"Say sorry to Cassy hindi sa akin." Napatingin si Juli sa akin. Yumuko siya. Nakonsenya ata ako. Ako naman ang may kasalanan. Natulog ako sa sahig nang hindi sinasadya. Pero buti na lang rin kay Juli. Para mabawas bawasan ang pagkamasungit niya sa akin.

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon