FAKE WIFE ♥14.

12.3K 114 1
                                    

Chapter 14

 

 "Sigurado ka bang di ka na magpapasama Ma'am Cassy?" Ika one hundred ninety-nine na tanong ni Kuya Ed. Nasa labas na kami ng mall at nakalabas na rin ako sa kotse. 

"Okay lang po talaga. Magpahinga na lang po kayo diyan. Wag kayong mag-alala sa lalaking 'yon" Napatawa at napailing na lang si Kuya Ed. Akala niya siguro sasambahin ko rin ang amo niya eh. NO WAY! Mag dusa siya ng todo.

"O siya sige. Maghihintay na lang ako doon sa parking lot. Itext mo lang ako." Binigay niya ang cellphone niya sa akin at nakita ko ang number niya doon. Kaya nilagay ko na rin sa cellphone ko.

"Okay kuya Ed. Alis na po ako" Kumaway pa ako sa kanya tsaka umalis na rin siya.

ANG SARAP NG FREEDOOOOOM!

Damang-dama ko ang moment kasi feel ko naman ang saya ko dahil hindi lang sa pupunta ako ng mall kundi dahil sa pupunta ako 'don at mabibili ko ang gusto ko! Lalong-lalo na mga pagkain tulad ng crakers, junks foods, beverages, chocolates tsaka bibili rin naman ako ng iba pang matitinong pagkain gaya ng prutas at gulay.

DUH. What's the use of credit card? Ito ang biglang naisip ko kanina. Papahirapan ko siya gamit ang pinakamamahal niya... Ano pa nga ba? Edi PERA!

*Piiiiiiiiiiiiiiiiiip.*

Lintik. Nagsasaya pa ang tao. Sinisira naman ang moment.

Nasa gitna pa pala ako ng daan sa harap ng mall. 

"Excuse me Miss, I think you are in the wrong place" Napatingin ako sa hayop na kumukausap sa akin. Napahiya ako eh! Tinignan ako ng masama ng mga taong papunta sa loob ng mall. Nagbubulong-bulungan pa. Mga Leche!

"Sorry!" Natigilan siya. Inalis niya ang shades niya. Head to foot pa akong tinignan! Uso ba ang head to foot sa akin? Natigilan rin ako. Teka naman. Pamilyar to ah.

Isang lalaking matangkad, singkit ang mata. Halatang may abs talaga. Maputi. At Sobrang gwapo!

"C-Cassy?" Nako naman. Kahit ang gwapo na niya. Kahit sobrang nagbago siya. Kasi noon sobrang nerd niya. Kaya nga halos makalimutan ko na na nakilala ko ang taong ito. Siya pa naman ang halos kasa-kasama ko ng mga panahong medyo nerd rin ako. Kilala niyo ba siya?!

"ALEX!" Halos napatalon siya sa pagyakap ko sa kanya. Grabe! Para na akong nakayakap sa artista! Sobrang nagbago na talaga siya! Feeling ko naman halos mainlab ako sa ka gwapuhan niya!

"Kelan ka pa umuwi? Nako halos di kita maalala ha!" Sabi ko sa kanya pagkatapos kaming magyakapan. Halos siya naman di makapaniwala sa biglang ginawa ko. "SORRY naman! Na miss kita eh!"  Napatawa siya at umiling na lang.

*Piiiiip*

Ngayon, kaming dalawa ang nasita. Kasi naman nakabalandra ang mamahalin niyang kotse sa daanan. Ayan tuloy kami ang napagalitan.

"Sakay ka muna. Sabay na tayong pumasok sa mall." At dahil sa na excite ako sa kanya. Umo-o agad ako at pumasok na sa binuksan niyang front seat dali-dali rin siyang pumasok at pinaandar ang kotse papuntang parking lot.

"Kumusta ka na? Nag-iba ka na ngayon ha! Di na kita makilala eh. Sobrang gwapo mo na!" Tinilian ko siya. Di talaga ako makapaniwala.  Kitang-kita ko pa ang pamumula niya. Ngumiti siya sa akin. Grabe nakakaadik talaga. Killer smile eh!

Napark na niya ang sasakyan at ng mapatuon ang atensyon ko sa katabi niyang kotse, katabi pa niya ang sasakyan ng mokong na yun. Natahimik ako. Kasi busy ako sa pagmamasid. Baka Makita ako ni kuya Ed!

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon