Fake Wife ♥42.

9.5K 135 17
                                    

Chapter 42

 

Two heartbeats. 

No one else will ever know the strength of my LOVE for you. After all, you're the only one who knows what my HEART sounds like from the inside.

Hindi pa confirm pero nararamdaman kong may nag-iba sa akin. May weird na nangyayari. May nag-iba sa katawan ko at parang kinakabahan ako sa kutob ko.

"Cassy, may iniisip ka ba?" Tanong ni kuya habang kumakain kami ng breakfast sa bahay ni Alex. Kasama rin namin si Alex ngayon at hinihintay nila ang sagot ko.

Napabalik balik sa kanilang dalawa ang tingin ko at pilit na ngumiti. Ayokong kumain ng marami ngayon at baka makita nilang susuka ako. Ayoko munang ipaalam sa kanila at gusto ko ring makasiguro.

"Wala kuya...hmm. Iniisip ko na... kailangan ko pala ang ibang notes ni Kate para sa board exam." Pagkukunwari ko.

Ang totoo, gusto kong makita sila Kate at Ron ngayon, para samahan nila akong malaman kung totoo ang kutob ko.

Tumango si kuya. "Kelan ba 'yong exam? Babayaran nat—"

"No, ako na Ryan. Actually, family friend namin ang may-ari no'ng reviewer center na pinapasukan ni Cassy" Sabi ni Alex habang nginunguya ang ham.

Ngumiti ako kay Alex."Thanks Alex, hayaan mo, pagnakapasa ako at makakapagtrabaho nako, babayaran kita."

Umiling si kuya. "Hindi, ako ang magbabayad sa kanya. Tumawag ang hotel manager sa UK na inaplayan ko at guess what?"

Na excite akong napatingin kay kuya habang naghihintay ako sa sagot niya.

So makakapagabroad na si kuya sa susunod na buwan at maiiwan ako sa bahay ng mag isa. Naisip kong okay rin naman dahil atleast mapu-pursue niya ang pagiging HRM student niya nang hindi na mic ang hahawakan niya araw-araw kundi kutsilyo.

Uuwi na rin kami nextweek sa bahay namin ni kuya. At dahil pinirmahan na ni Miko ang papeles na 'yon. Hinding hindi na siya makakalapit sa akin. Masakit mang aminin pero talagang sinunod niya ako.

 

"He agreed to everything that was written here Cassy. So okay na ang lahat. Makakapagsimula ka na ng bagong buhay. Matutuloy pa rin ang dream mong maging architect. At—"

 Humagulhol ako sa loob ng kotse ni Alex. Hindi ko na napigilan. Hindi 'yon good news para sa akin. Para akong dinurog sa sarili kong desisyon. Pinilit kong malayo sa kanya. Kaya ito ang napapala ko.

Mas masakit pala ang marinig sa iba na sinuko na niya ako. Na makakaya niyang iwan ako at isiping wala na ang lahat sa aming dalawa. Pero mas masakit sigurong siya mismo ang nagsabi sa akin. Kasalanan ko rin 'tong pag iyak ko. Mahal ko siya pero tinaboy ko siya. Ako ang may kasalanan kung bakit siya napilitang pirmahan 'yon lahat. Kahit labag 'yon sa kalooban niya. Kahit nagmakaawa na siya. Nagpatuloy pa rin ako sa kagaguhan ko. Kaya dapat ko lang sisihin ang sarili ko. Kasalanan ko to.

Ngayon, sapat na sa akin ang malamang ako lang ang minahal niya. Na kailanman, hindi niya minahal si Kristelle. Sapat na 'yon sa akin. Kung magkikita man kami ulit.  Sana sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.

Pero ngayong alam kong may dinadala ako. Na nagbunga ang gabing 'yon sa amin ni Miko. Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Tinaboy ko ang lalaking dapat maging ama sa dinadala ko.

"You are four weeks pregnant Cassy, congratulations! Are you the husband?" Tanong ng ob gyn doctor kay Ron. Kaya madaling napailing si Kate.

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon