Eighteen

5.8K 183 12
                                    

Chapter 18

Enjoy reading!

3rd.

Dalawang araw pagkatapos ang nangyari, balik sa normal ang takbo ng buhay ng lahat sa Laroa Univerisity maliban sa isang grupo ng magkakaibigan na patuloy pa ring ginugulo ng mga nangyari. Ang grupo nina Zync at Laine. Natapos ang morning classes nina Zync na magdadalawang araw nang wala sa sarili ay inaya siya ng mga kaibigan na maglunch. Simpleng tango lang ang naging tugon nito pero nang marating nila ang hagdan pababa ay lumiko siya para umakyat sa rooftop nang hindi napapansin nina Rexell at Bryle.

Umupo si Zync sa isang sulok at nagmunimuni. Naglalaro sa kanyang isipan ang mga nangyari at ang mga taong involve dito. Hindi ito basta-basta lang o isang bagay na kayang huwag pagtuonan ng pansin dahil ilang tao na ang nadamay dahil sa kanya. Ayaw niyang may masaktan pa dahil sa kanya at ayaw niyang malaman ng kanyang ama ang huling nangyari dahil panigurado totohanin nito ang pagpapadala ng bodyguards a magiging buntot niya.

Sa dalawang araw na nagdaan hindi pa rin sila nag-usap ng masinsinan ni Allaine. Pareho silang umiiwas sa isa't-isa. Sa higit dalawang taong pagiging magnobyo nila ay hindi niya kailanman nagawang kumontra sa mga sinasabi nito. Because he always believes that Allaine is the meaning of being right, that every word that comes out from her mouth is imperfectly precise. He always sees she's an exact answer to every question. That's how much he loves Allaine even if he knows that what he believes is definitely loose.

But now, he can't explain why he's going out of hand. He's now certainly in opposition on what he was trying to believe in more than two years being committed with Allaine Cortez. Hindi niya kayang sagutan ang mga tanong kung bakit hindi niya kayang sang-ayunan ang konklusyon ng nobya ukol sa mga nangyari. This must be a petty thing to make things go complicated between them but he can't force himself to agree that Katarina is the one of behind all of these adversities.

Just thinking that Katarina was willing to catch a deadly arrow for him is enough for him to believe she's innocent but there's still a loophole and he's aware of it. Kung wala ngang kinalaman si Katarina sa nangyari, how did she know that an arrow was coming targeting him? At bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita ang babae?

Napasabunot si Zync sa kanyang buhok dahil sa kaguluhan na nangyayari sa kanyang isipan. Gusto niyang makausap ng personal si Katarina at tanungin ito tungkol sa mga nangyari. Gusto niyang maliwanagan. Gusto niyang sabihin nito na wala itong kinalaman sa mga panganib na nangyari sa kanya at higit sa lahat gusto niyang malaman kung kamusta ang kondisyon nito, kung okay lang ba si Katarina.

"Stupid Zync... stupid." Aniya sabay pukpok sa ulo dahil sa mga naisip.

How could he think that way towards her? 'Ni hindi niya nga naisip makipag-usap kay Laine. Sa buong durasyon ng kanilang relasyon ngayon lang ang pinakamatagal na hindi sila nag-usap tungkol sa mga hindi pinagkasunduan.

Among the two of them, it was Allaine who is always dominant over their relationship. He was always in the second in row to decide things but now he wanted to voice out. He wanted to go wayward and to act dominant.

"I'll make things even for everybody. Hindi si Katarina ang kaaway at hindi magiging kaaway. Wala nang masasaktan. Hindi na mag-aalala si Laine at babalik sa normal ang lahat." Seryosong aniya saka tumayo at bumaba na dahil narinig niya na ang bell for the afternoon class.


*****


Nakakunot ang noo ni Sia habang naglalakad pababa ng hagdan para harapin ang hindi inaasahang bisita.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon