Eleven

7.6K 203 8
                                    

Chapter 11

Enjoy reading!

3rd.

Hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang mukha ni Katarina habang nakadungaw sa mga tao nasa baba, tila nga walang kakwenta-kwenta ang mga ito sa kanyang blankong tingin. Pinapanuod niya sina Marie Henna kasama ang mga taong hindi niya kilala na nakikipagbugbugan sa isa pang grupo ng kalalakihan na mukhang mga gangsters. Nakaupo siya sa balkonahe ng isang apartment unit na nasa ikalawang palapag ng isang building.

Madilim ang eskina na tanging ang sinag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa dakong ito. Nilingon niya si Iseah na nasa katapat na gusali na gano'n rin ang ginagawa, nanunuod sa mga kaganapan sa baba pero hindi gaya niya ay nakangisi ito na para bang tuwang-tuwa sa nakikitang patayan.

Samantala, nagngingitngit si Henna sa taong kaharap. Malakas n'yang sinipa ang panga ng lalaking gusto n'yang ipasok sa drum, lagyan ng bagong gawang semento saka itapon sa pinakamalalim na parte ng karagatan.

"Bakit niyo ginawa 'yon?! Ha?!" Nanggagalaiting singhal ni Henna sa lalaki sabay hila nito sa kwelyo at malakas na tinulak sa pader. Malaking tao ang kalaban ngunit wala itong epekto kay Henna lalo na't galit na galit siya sa taong ito.

"Matagal na akong nagtitimpi sa'yong tao ka! Bakit ba pilit mo akong kinakalaban ha?! Hindi ka ba marunong lumugar sa mas nakakataas sa'yo ha?!" Singhal n'yang muli pero tanging nakakalokong ngisi lang ang sinagot ng lalaki. Sinapak niya ang panga nito kaya dumugo ang bibig ng lalaki.

"Hahaha! Walang kang pakialam. Sino ka ba sa tingin mo ha?!" Sa wakas ay sumagot rin ang lalaki pero hindi iyon nagustuhan ni Henna kaya sinakal niya ang lalaki.

"Kailan ba papasok d'yan sa kukote mong naaagnas na ang grupo ko ay mas nakakalamang sa walang kwenta mong grupo! Sinabihan na kitang huwag na huwag mong kakantiin ang mga kaibigan ko! Gusto mo na bang mamatay ha?!" Halos lumuwa na ang mga mata ng lalaki ngunit nagawa pa nitong tumawa ng nakakaloko nang maaninag nito ang kasamahang may hawak na malaking tubo sa likod ni Henna.

"Ede paalam sa'yo Maria Clara." Nakakalokong bulong nito na ikinagitla ni Henna. Naramdaman niya ang presensyang nasa likuran niya pero huli na para makaiwas.

Napatingin si Sia kay Tari. Nakita niya ang simpleng pagsenyas ng kamay nito sa kanya kaya sumaludo s'yang may ngisi sa mga labi bago tumalon pababa hawak-hawak ang Katana na nakatutok na paibaba. Eksaktong-eksakto ang bagsak niya sa balikat ng lalaki gayun eksaktong-eksakto rin ang tusok ng hawak na katana sa bumbunan ng lalaking may hawak na tubo.

Hindi na nito nagawang ihambalos kay Henna ang tubo, natumba ang lalaki kasabay no'n ang pag'tumbling ni Sia at paghugot niya sa kanyang katana na halos kalahati ang natusok. Gulat na gulat ang lahat dahil sa pagsulpot ng babaeng naka'suot ng cover all leather fitted suit na kulay itim, nakasuot rin ito ng face gear na natatabunan ang ilong at bibig, naka'boots na may mataas na takong at cape na may hood sa likod.

Tumayo ng maayos si Sia saka tinukod ang katana sa kalsada at tiningnan isa-isa ang mga taong bakas pa rin ang gulat sa mga mukha.

Kinuha ng lalaking sakal na sakal ni Henna ang pagkakataon para maitulak ng malakas ang nakatangang si Henna. Nawalan ng balanse ang babae kaya natumba ito pero laking gulat nito nang biglang sinalo ng bagong dating ang katawan gamit lang ang binti. Inalalayan nito ang katawan ni Henna para matayo ng maayos. Tumayo ulit ng tuwid si Sia at tinitigan ng mabuti ang mukha ni Henna na bakas pa rin ang gulat.

Pabalik-balik ang tingin ni Henna sa bagong dating na si Sia saka sa lalaking wala ng buhay na dinaganan nito kanina.

Hindi pa man nakahulma si Henna, naramdaman niya ang mabilis na paggalaw sa kanyang likuran. Tinutukan ng lalaking leader ng Cancerus Gang ang likod ng ulo ni Henna ngunit kakalabitin na sana nito ang gatilyo nang biglang naputol ang kanyang braso.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon