Ang Pang-Labing Tatlo

Start from the beginning
                                    

Namumuo ang mga butil ng pawis sa aking noo at pinupuno ako ng kaba. Ito na yata ang sinasabi ni Eamonn na makakalaro nila ang kupunan nina Jerard.


"Karlo! Awatin niyo, ah!" Si Jaime ang unang umapila nang makalusot kami sa dagat ng tao.

Sobrang daming tao sa loob ng gym at may mga mapaparating pa. Namataan ko na ang mga ka-block ko na naroroon. Si Clarisse at kanyang mga kampon ay narito rin. Dinuduro nito ang gitna ng court kung saan nagsusuntukan ang Jerard at Eamonn.


"You're already an ex! Bakit ka pa naghahabol? Hiniwalayan ka na, dude!" Sumigaw si Eamonn habang inaawat ito ng mga kaibigan. 

Si Jerard ay ganoon din ngunit putok ang labi nitong pulang-pula. Napapamura ako sa aking loob-loob. Siguro ay nag-abot na ang dalawa kanina at nagkapuruhan na.

"Go, bro! Suntukan mo iyang gagong iyan! Eamonn will eat shit after this!" Naka-video si Karlo at hindi man lang nag-aawat.


Mas lalo akong naging tensyunado. Maraming cellphone akong nakikitang nakakatutok kina Jerard at Eamonn na nasa gitna. Inaawat na ang dalawa. Nang nakalusot si Jerard ay agarang pinatungan si Eamonn na binitiwan ng mga kaibigang ayaw madamay sa suntok!

"Fuck you! Hindi mo ako 'dude'! Asshole! Ano? Popormahan mo pa 'yung girlfriend ko?" Sunod-sunod ang suntok ni Jerard at hindi na makabangon si Eamonn.


Pinipilit ko sina Karlo na tulungan si Jaime na umawat ngunit parang wala itong naririnig. Sina Zelda ay nasa tabi ko at nagchichismisan habang nanunuod. Ang ibang mga estudyante ay nakatingin sa'kin dahil ako nanaman ang paksa ng lahat ng ito! Great!


"Tama na! Jerard! Ano ba?! Awatin niyo!"

Marami na ang dugo ni Eamonn at hindi makapalag. Naaawa ako rito lalo pa nang namataan ko ang kaniyang tingin. Si Eamonn!


Pumikit akong mariin at hinawi sina Pia na nakaharang. Nakita ako lalo ng kampon nila Clarisse at ako naman ngayon ang pinagduduro.


"Jerard! Tama na 'yan! Jerard, please!" Tinulak ko ang pawisan nitong leeg palayo kay Eamonn.

Napatingin ang lahat sa'kin. Doon lamang tumigil ang humahangos na Jerard. Gulat na gulat ito sa aking pagtabig sa kaniya. Napaupo ito sa sahig ng court habang panay ang paghahabol ng hininga.


"Eamonn, ano ka ba naman? Hindi mo kaya si Jerard!" bulong kong sigaw kay Eamonn. Putok ang kilay at labi nito. Nanlambot ako kaagad sa nakita.

"You motherfucker! Lumayo ka kay Chrissy! You don't deserve her, Eamonn!" malutong na sigaw ni Jerard sa gilid.

Sasagot si Eamonn ngunit pinigilan ko ito. Nilingon ko na lamang si Jerard na nagmamaktol. 


"Putangina, Chrissy? Fuck this shit! Bakit ka ba nagpapahawak sa gagong 'yan? Lumayo ka d'yan! Hindi pa ako tapos diyan!"

Inaawat nanaman si Jerard ng mga kabarkada. Galit na galit ito, pulang-pula ang meztizong mukha. May dugo ang gilid ng labi nito at pawis na pawis. Kinurot ang puso ko. Gustong-gusto kong gamutin ang labi nito kaysa sa mga galos at pasa ni Eamonn.

Wala akong nagawa kung hindi dalhin si Eamonn sa infirmary ng school.

Mas mabuting datnan siya ng pulis na galusan sa clinic. Mas magiging less ang offense ni Eamonn kung maaabutan sa ganoong kalagayan. Saka, makakausap ko itong matino at hindi rito sa maraming tao.

The PristineWhere stories live. Discover now