"Ang ganda ganda mo parin, babe. I miss you." Hinalikan niya ako sa noo. "S-sinungaling ka. Hind ako maganda, s-sinungaling." Humihikbi kong salita. Tumawa lang siya nang mahina sa akin. "Kahit na malayo ka, ikaw parin ang iniisip ko palagi. Sorry. Naiwan ang phone ko rito, hindi ko narin na open ang email ko kase hindi ako pinapayagan ni mama." Pumikit na lang ako at sumandal sa kanya, hindi nakayakap. Siya lang sa akin ang nakayakap, ang kamay ko ay nanatili lang na nakapatong sa mga hita ko.

Bakit ba kailangang mangyari to sa akin? Sa amin?

"Bakit ka pa bumalik?" Tanong ko, hindi galit ang tono ko. Parang kaswal lang ang pagtatanong ko sa kanya. Inihiwalay niya ang katawan niya sa akin, nakaharap na ako ngayon sa kanya. "Dahil sayo, ikaw ang dahilan. Binalikan kita kase mahal kita, kase gusto kong magpaliwanag, gusto kong makita ka, mayakap at mahalikan. Ikaw ang dahilan." He cupped my face, nag-iwas ako nang tingin sa kanya. "Hindi narin naman ako magtatagal, bumalik ka nalang sa Canada." May pait sa tinig ko. Kahit pa na mahal ko siya, kahit pa ito ang ikasasaya ko, hindi ako magiging selfish.

Malala na ang sakit ko, hindi namin alam kong hanggang saan nalang ako o hanggang kailan nalang ako mabubuhay.

"Dito lang ako, babantayan kita kase gagaling ka. 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan, gagaling ka. Diba magkakaroon pa tayo nang mga anak natin? Diba?" Umiling ako. Malabo ng mangyari 'yun at hinding-hindi na 'yun mangyayari. "Hindi na ako umaasa. Tanggap ko narin naman----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nagsalita siya. "Ako, hindi ko tanggap na mawala ka sa akin. Marami pa akong plano para sa atin. Hindi pwedeng ganito nalang." Pinahid ko ang luha sa pisnge niya at ngumiti.

"Pagod narin naman kase ako, Lance. Mabuting ngayon palang ay tanggapin mo n-na... natin na hindi na natin maibabalik ang nakaraan." Saad ko. Hindi siya nagsalita. Niyakap niya na lang ako ulit at naghum ng isang kanta na alam kong paborito naming kanta.






                              *****

Mag-iisang taon nang nandito si Lance, palala ng palala ang kalagayan ko pero naging matatag ang pamilya ko pati narin si Lance at Angel. Kinasal sila dahil sa kompanya nila, pero lumaban sila sa huli kaya ayun, nag-divorce sila before they left Canada. Hindi na sila napigilan ng mga magulang nila. 'Yan ang isa sa mga sinabi ni Angel sa akin. Hindi ko naman magawang magalit sa matalik kong kaibigan kase alam kong pareho nila 'yung hindi ginusto. Naipit lang sila nang sitwasyon.

Alam ko na hindi ko na kaya pero kapag nakikita ko sila ay nagiging matatag ako, mawala man ako ngayon ay alam kong magiging masaya ako. Alam kong malulungkot sila sa paglisan ko pero wala na akong magagawa, ito ang nakatakdang mangyari sa akin. Pinahiram lang ako nang diyos ng buhay kaya hindi ako magrereklamo kung babawiin na niya ito, magpapasalamat pa nga ako kase nabuhay ako sa mundong ito kahit sandali lang.

Sabi ni mama ay hihintayin daw ako ni Lance sa simbahan, kaya nagsuot lang ako nang simpleng puting bestida, linggo kase ngayon eh. Ngayon lang din ako pinayagan na lumabas ng room ko sa Hospital. Kasama ko si papa ngayon, umaalalay siya sa akin at masaya ang kanyang mga mata. Siguro dahil pumayag din akong lamabas. "Anak, alam kong magiging masaya ka." Ani niya. Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman, pa! Ako pa ba?" Biro ko sa kanya. Magiging masaya ako kapag nawala na ako kase hindi narin sila mahihirapan katulad ng nakikita ko araw araw kapag nasa hospital sila.

Inilibot ko ang paningin ko sa labas ng simbahan, sarado ang pinto. Napasimangot ako, "wala namang tao, pa!" Nakasimangot kong sabi, napanguso pa ako kay papa. Narinig kong tumawa ng mahina ang papa tapos parang iiyak siya. Napakunot ang noo ko. "M-may tao diyan, anak. Halika pasok tayo huh?" Naguguluhan man ay sumunod ako kay papa. Naka-abre siete ako sa kanya. Sabi niya ganoon daw dapat eh. "Papa naman eh. Balik nalang tayo sa hospital, baka po bigla nalang akong mahimatay dito. Ang init po oh." Sabi ko sa kanya.

HIndi niya ako pinansin, marahan niyang itinulak ang pintuan at pagbukas nito ay nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

You & I(Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя