Chapter Two

1K 35 7
                                    

                                  -oOo-

Hindi ko alam na 'yun na pala ang huling pagkikita at pag-uusap  namin ni Lance, kahit na sobrang lungkot ko naging matatag parin ako. Ni try ko siyang tawagan o text pero walang response galing sa kanya, I tried sending messages him through email pero ganoon din. Hindi ko naman siya mapuntahan sa bahay nila kase baka magulat ang mga tao sa bahay nila na may girlfriend pala siya at ayaw kong mangyari 'yun. Kung malaman man ng mga tao sa bahay nila na may nobya siya, gusto ko sa kanya mismo ito manggaling.

Maghihintay ako sa kanya, 'yan ang sabi ko sa sarili ko, baka kase may importante lang itong inaasikaso sa kompanya nila, pero dumaan ang ilang araw, linggo, buwan at taon wala paring Lance na nagpakita sa akin. Walang tawag o text galing sa kanya, pati sa email, wala rin. Hanggang naka graduate na ako ay wala parin siya at halos gabi-gabi akong umiiyak pero pinanghahawakan ko ang salitang iniwan sa akin ni Lance.

We love each other, I know he loves me so much but I am asking myself, where is he now? Kung umalis siya sana ay nagpaalam man lang siya sa akin, maiintindihan ko naman siya eh. Pero wala! Hindi ko magawang magalit sa kanya kase mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya at dahil d'yan ay naiinis ako sa sarili ko. 

2 months after I graduated ay nakahanap agad ako nang trabaho, at sa loob ng mga buwan na 'yan ay may nararamdaman akong hindi maganda. Bigla akong pumayat at namumutla na ako, palagi akong pagod, at higit sa lahat ay palagi nalang akong may mga pasa sa katawan na hindi ko naman alam kung saan ko nakukuha. Noong una ay binalewala ko lang ito, pero it is getting worse. Kahit na kinakabahan ako ay nagpacheck-up parin ako. Kinakabahan akong pumasok sa loob ng tawagin ang pangalan ko, tinanong ako nang doctor kung ano ang mga nararamdaman ko. Habang nagsasalita ako ay tahimik lang ang doctor, she run some test sa akin. Sinabi ko lahat ang mga kakaibang nararamdaman ko this past months.

Gumuho ang mundo ko nang sinabi niya sa akin ang lumabas sa test, hindi ako makapaniwala. Bakit ako? Panay ang iyak ko sa park na madalas naming tambayan ni Lance noon.

"I'm Sorry to say this, Hija, pero habang sinasabi mo kanina ang mga nararamdaman mo ay may hint na ako pero kailangan kong manigurado. And I  found out that you have a Leukemia, you need to undergo chemotherapy. Pero hindi ko alam kong magiging successful ito, marami na ang cases namin na ganito and hindi sa tinatakot kita pero malala na kasi eh, baka hindi narin 'yan kayanin ng katawan mo."

Walang lumabas na salita sa bibig ko, kaya pala ako palaging may fever, nosebleed, bleeding of gums. Buo na ang pasya ko, hindi ako magpapa chemo. Wala naman 'yang kasiguraduhan at wala kaming pera. Napaiyak ulit ako, kailangan ko nang umuwi. I need to see my parents, hindi ko sasabihin ito. Ayaw kong mag-alala sila sa akin, mas mahal ko sila kesa sa sarili ko. Ayaw kong masaktan sila dahil ganito na ako at ayaw kong mabaon kami sa utang ng dahil sa sakit ko.

















                                     *****

Lumipas pa ang ilang mga buwan at palala ng palala ang sakit ko. Alam kong may alam na sila ni mama pero hindi parin ako nagsasalita, hindi naman sila nagtatanong pero gabi-gabe nasa kwarto ko sila ni mama at papa. Hinahaplos ang buhok ko at niyayakap ako nang mahigpit, sinasabi nila kung gaano nila ako kamahal. Hindi ako umiimik, nagtutulog-tulugan lang ako para hindi nila malaman na gising ako at kapag wala na sila ay doon bubuhos ang luha ko.

"Ma kung bibigyan kayo nang isang kahilingan, ano ang hihilingin niyo?" Seryoso silang nakatingin sa akin, ngumiti ako sa kanila. "Isa lang naman ang gusto namin anak eh, ang maging masaya ka." Nakikita kung nagtutubig na ang mga mata nila ni papa pero pinipigilan nilang umiyak, ngumiti ako sa kanila. "Ma naman! Para sa inyo ang tanong ko hindi para sa akin eh." Napanguso ako. Ngumiti lang sila sa akin.

Napahawak ako sa tiyan ko. "Aaahh!"  Napasigaw ako sa sobrang sakit, nagpanic agad sila. Sumigaw ako ulit, nagdudugo narin ang ilong ko at nandidilim na ang paningin ko. Naramdaman ko nalang na binuhat ako ni papa at nagsisigaw sila para makahingi ng tulong.
















                                  ****

May naririnig akong mahinang humihikbi at ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nakita kong nagpupunas ng mata niya si mama at pilit na ngumiti sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa hospital ako. "M-ma, kamusta k-kayo? N-nasaan si P-papa?" Nahihirapan kong tanong, umiyak si mama ng sobra at napayakap ng mahigpit sa akin. Hindi ko napigilang hindi umiyak, kaya ayaw ko na malaman nila ang kalagayan ko kase mas masasaktan sila. "Hindi mo man sabihin pero alam namin na may sakit ka, hindi ka lang namin kinulit kasi ayaw naming pilitin ka." Hinawakan ni mama ang kamay ko nang mahigpit. "Ayaw ko po kasing mag-alala kayo ni p-papa, ma. Mahal ko po kayo e-eh." Pinahid ni mama ang tumulong luha sa mga mata ko.

"Gabi-gabe pinupuntahan ka namin ng papa mo, alam namin na gising ka, anak kaya palagi ka naming kinakausap para malaman mong palagi lang kaming nandito para sayo. T-tapos kapag nakalabas na kami rinig na r-rinig namin ang iyak mo. Ang sakit anak, n-na wala man lang kaming magawang paraan para mapatahan ka." Sabi ni mama. Naririnig pala nila ako.

"Ma, makita ko lang kayong masaya ni papa, okay na po ako. Kaya po ayaw kong sabihin kase po ayaw ko kayong makitang nalulungkot." Ako naman ngayon ang pumahid sa mga luha ni mama sa pisnge niya.

Magsasalita pa sana si mama ng nagbukas ang pinto, iniluwa doon si papa na malapad na nakangiti sa akin. "P-papa" tanging salita na lumabas sa bibig ko, agad siyang napayakap sa akin at hinaplos ang likod ko. Umiyak na naman ako. "Sorry papa, s-sorry po." Mahina akong humikbi. Inalo lang ako nang ama ko, hindi siya nagsasalita ng kung anu-ano pa. Basta niyakap niya lang ako at hinahaplos ang buhok ko.

                                   ****

Umabot ako nang isang buwan sa Hospital, hindi ko masasabi na naging masigla ako. Pero hindi na madalas ang pagdudugo ng ilong ko, lagnat o kung ano pang nararamdaman ko noon. Umihip ang malamig na hangin at tinangay nito ang mahahaba kung buhok na manipis na ngayon. "B-babe...... Ariella." I was caught of guard, that voice that I've been longing.  Napailing ako, naka hospital gown ako. Nandito kase ako ngayon sa Garden ng Hospital para naman mainitan ang namumutla kong balat. Hindi ako lilingon. Sabi ko sa sarili ko, pero traidor ang katawan ko kaya napalingon ako. Natutup ko ang bibig ko nang makita ko si Lance kasama ang bestfriend ko na si Angel, nakita kong nagulat sila. Umiyak si Angel at napayakap sa akin. "I'm sorry, best. I'm sorry." Hindi ko alam kung para saan iyon, I hugged her back. Lumipas ang ilang minuto, narinig namin na may tumikhim. Ngumiti si Angel sa akin at sinabing mag-uusap kami ni Lance. Napatango na lamang ako, I don't know what to feel because he's here.

Do I need to be happy right now? He left me without saying a thing, I tried to communicate him pero wala siyang reply o ano man.

___________________
Thank you for reading!

~Mexica

You & I(Completed)Where stories live. Discover now