Chapter Three

857 24 0
                                    

                                  -oOo

Nakaupo na kami ngayon ni Lance sa isang bench, pumiksi pa ako kanina ng maramdaman ko ang kamay niyang naka-alalay sa bewang ko. "Kaya ko." Sabi ko sa kanya, malungkot niyang kinuha ang kamay niya at umupo nalang. Tahimik lang kami ngayon, ako nakamasid lang sa paligid. Maraming mga bata ang naglalaro kasama ang isa sa pamilya nila na naka-admit sa hospital na ito.

"Ella, sorry." Nakatungo niyang sabi. Ella, 'yan ang tawag niya sa akin noon. Ang haba raw kase ang Ariella. "Sorry if I left you, I'm really sorry. Kailangan kasing doon ako mag-aral eh." Hindi ako kumibo. Gusto ko lang siyang marinig magsalita, gusto kong marinig ang paliwanag niya sa akin. "Malaki ang kasalanan namin sayo. N-nagpakasal kaming dalawa ni Angel." Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, halo-halo. Sakit, lungkot at awa. Awa sa sarili ko. Napaluha ako, still, I remained silence. Ito lang naman kase ang magagawa ko sa ngayon eh. Kaya pala magkasama silang dalawa, at kaya pala panay ang sorry sa akin ni Angel.

"I swear baby, hindi namin ginusto 'yun. I love you so much, you know that right?" Tahimik lang ako, kitang-kita ko na nahihirapan siyang magpaliwanag. He wiped my tears using his thumb. Ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ito, kailangan ko nalang na tanggapin na wala na kami. Siguro, ito na nga 'yun, closure. Hindi na rin naman ako magtatagal sa mundong ibabaw eh, sabi ng doktor na umaasikaso sa akin ay hindi niya maipapangako na gagaling o tatagal pa ang buhay ko.

"Alam ko na nasaktan kita nang sobra, pero maniwala ka walang namagitan sa amin. Kasal lang kami sa papel at ngayon wala ng bisa iyon kasi nag divorce na kami sa Canada before kami umuwi." Nakita kong umiiyak na siya, namumula ang kanyang mga mata. Sising-sisi siya, kitang-kita ko sa mga mata niya. "I'm not here when you need me the most, I'm not here to ease the pain that you are feeling. God knows how much I wanted to see you, I missed you so much do you know that? Araw-araw ikaw lang ang naiisip ko, kung kamusta kana. Kung nakakain kana? At K-kung mahal mo pa ba a-ako?" Hindi ko napigilan na umiyak ng sobra, niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Mahal na mahal kita." Nasambit niya.

Umiyak ako nang umiyak, alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko parin siya kahit na iniwan niya ako, kahit na ganito na ang mga nangyari. "Ssshh. Tahan na, 'wag ka nang umiyak. Nandito na ako oh. Dapat masaya ka." Sabi niya sa akin. Pumalibot ang dalawang braso niya sa katawan ko para yakapin ako, hinaplos niya ang manipis ko nang buhok.

You & I(Completed)Where stories live. Discover now