SG.9 - Scandal

Začít od začátku
                                    

God knows how much I tried avoiding Ignacio and this attraction I have for him.

Ano bang mas gusto niya? Ang lokohin siya ni Iggy habang sila pa o iyong masaktan na siya ngayon kaysa naman mas lalo siyang masaktan? Mabuti nga at siya na-two time ng Hokageng nerd.

"I love Ignacio, Hyacinth! Pero inagaw mo siya sa akin! He is the man for me and yet you came in the picture and took him away from me! Anong tawag mo sa sarili mo? Santa?!" She was yelling at sigurado akong naririnig na kami ng mga kapitbahay. I was shaking my head.

"Wala akong inagaw sa'yo. Hindi ko nilandi si Iggy – well sort of but I never thought hed actually break up with you. Kung nasaktan kit indirectly, hindi ko iyon sinadya. Pero 'wag mo rin asahang ibabalik ko sa'yo si Ignacio."

Akmang tatalikod na ako nang lumuhod siya sa harapan ko. I gasped. Alyza was crying. Halos kumalat na ang mascara niya sa mukha niya and yet, I don't feel anything. Kung sasabihin niya sa akin na ibalik si Ignacio sa kanya dahil lang sa lumuhod siya sa harapan ko ay hindi ko gagawin iyon.

I love what I have with Ignacio. I will not settle for less let alone, I will never let her ruin us.

"Hyacinth, please... let me have him again. I'm so in love with him."

Matagal ko siyang tinitigan. I shook my head.

"Sorry girl, but Ignacio made his decision. He chose me. Ayoko naman na pagsisihan niya ang ginawa niyang choice. He chose me.' Ngumisi pa ako. "Remember what I told you that morning? No one can ever shake the ground I'm standing so if I were you, sumuko ka na."

Tinalikuran ko siya. Isinara ko ang pinto at sumandal doon. Noon ko lang naramdaman ang kabang kanina ay hindi ko nadama. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot pero hindi ko talaga hahayaang mawala si Ignacio. Para kasing siya ang one time chance ko to happiness.

"Hya?" Nagulat ako nang makita ko siyang nakatayo malapit sa may kusina habang may hawak na isang basong tubig. He just got out of the bed... Narinig niya kaya ang usapan namin ni Alyza? Siguro ay hindi, kung narinig niya kasi, sana ay lumabas siya at nakisali. I smiled at him.

Lumapit ako papunta sa kanya. I wrapped my arms around his neck and stared at him.

"You're my pretty boy." Sabi ko. He smiled.

"And you're mine." He said. Kinilig naman ako. Hinalikan ko siya habang hawak niya ang isang basong tubig na iyon. Unti-unti ay nawawala ang kaba ko.

I will cherish Iggy. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin but I will not let this go – not ever.

____________

"Napapadalas yata ang pag-sleep over mo sa mga kaibigan mo, Hya. Wala ka bang bahay?"

Napatingin ako kay Papa. Nasa dining table kami niyon at kauuwi ko lang galing sa unit ni Ignacio. Hindi ko na nga siya ginising dahil pagod siya at puyat sa paggagawa ng paper niya na ide-defend na niya sa mga susunod na buwan. Wala pa daw exact date pero pinaghahandaan na rin niya para daw hindi siya masyadog mag-cramming sa huli.

Kagabi ay halos mag-a-alas tres ko na naramdamang niyakap niya ako at natulog sa tabi ko.

"Ahm... panay kasi kaming may activities, Papa. Sorry. Mamayang gabi dito nap o ako mag-sleep." Napilitan kong sabihin. Napatingin si Mama sa aming dalawa. Mukha namang wala pa rin silang alam. Hindi naman sa ayokong sabihin sa kanila ang nangyayari sa aming dalawa ni Iggy pero kasi knowing my father, he will do something that will jeopardize my cloud nine.

Matapos kumain ay naghanda na ako para pumasok sa university. Nag-text muna ako kay Iggy para sabihin na hindi ako matutulog mamaya sa unit niya. Agad naman siyang nagreply.

Sweetest GoodbyeKde žijí příběhy. Začni objevovat