R-Reap

8.8K 258 24
                                    


MAAGANG gumising si Aura. Nag-set pa siya ng alarm upang magising siya ng alas singko ng umaga. She was planning to cook for today. Palagi nalang kasing si Leon ang naghahanda ng pagkain nila. Kahit pagod ito sa trabaho, he still tries to take care of her and to attend to all her needs. Kahit nga wala naman siyang kailangan ay naroon ito para sa kanya.


Kahit pa madalas ay kita na niya ang pagod at puyat sa mga mata nito ay ipinipilit pa rin nitong asikasuhin siya. Kapag naman nagkukusa siyang gumawa ng mga gawaing bahay ay pinipigilan siya nito. Madalas nilang pag-awayan pa nga iyon dahil ayaw nitong napapagod siya.


Bumaba siya sa kusina at kaagad na nagsalubong ang kilay niya nang matagpuan roon si Leon na abala na sa paghahanda ng mga lulutuin. Nakasuot ito ng apron sa ibabaw ng puti nitong sando. He looked appetizing in the morning. Umiwas siya ng tingin at bumaling sa kanyang wristwatch. Dapat pala ay mas maaga pa siyang gumising. Panigurado naman kasing hindi siya nito hahayaang sumali sa ginagawa nito.


Tahimik siyang lumapit rito at nakiusyoso. Halos mapatalon pa ito sa gulat sa biglaang paglitaw niya sa tabi nito.


"What are you doing here? It's still early, Aura." Anito na para bang pinababalik pa siya sa pagtulog.


Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Anong oras ka nagising?" Tanong niya at pasimpleng tumulong sa ginagawa nito ngunit mabilis na hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Maang na tiningnan niya ito.


"Ako na. You can go back to sleep."


"Hindi ako inaantok." Sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit hindi nito iyon pinakawalan.


"Then just sit there and...wait."


"Ayoko," she tried to snatch her hand back from him ngunit humigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "What? What are you gonna do? I have a say on this... you gave me a say on everything you do."


"This is an exception."


Iniikot niya ang mga mata. "I don't do exceptions, Simba. Sabi mo, sabihin ko lahat sayo ng gusto ko. I want this. I want to do this. Now, what you have to do is to let me do this or do everything to stop me..." Umiling siya at ngumisi. "But I won't."


Napatitig ito sa kanya. Nagpatuloy siya sa pangungulit rito ngunit dahil hawak pa rin nito ang kamay niya ay hindi siya makasingit sa pagtulong sa ginagawa nito.


"Aura," tawag nito na para bang isa siyang bata. 


Tumaas ang kilay niya at ginaya ito. "Simba,"


Sumimangot ito."Aurora, stop imitating me."


"Simba, stop imitating me." She mimicked.


Nakita niya ang paggalaw ng labi nito habang mataman siyang nitong pinanonood. "Stop it" 


Pursued (BS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon