B-Bantay-Sarado

9.1K 295 14
                                    


NAPANSIN niyang kanina pa nakakunot-noo si Leon habang naglilibot sila sa mall. Mukhang nasa hindi ito magandang mood. Magkasalubong ang kilay nito at nakasimangot. Sinubukan na lang niyang magpatay-malisya. Hindi din niya maintindihan kung bakit ganoon ang inaakto nito magmula nang lumabas sila ng sinehan.


Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagdikit nito sa kanya. Nilingon niya ito ngunit hindi naman sa kanya nakatuon ang mga mata nito. Nagpatay malisya na lamang siya kahit pa mas malapit na ito sa kanya kaysa kanina. Magkadikit na nga ang mga braso nila sa sobrang lapit nito.


Naglakad sila papunta sa isa sa mga stall doon. Pagpasok palang nila doon ay kaagad na nagsilingunan ang mga ulo sa direksyon nila. Ano pa nga bang magagawa niya? Leon was tall and handsome, sinong hindi makakapansin sa kanya? He stands out too much!


Dumiretso siya sa hilera ng mga damit na naroon. Tahimik lang itong sumunod sa kanya habang nakapamulsa. The whole time she was picking clothes, nakadikit lang ito sa kanya. Minsan, sobrang dikit na dikit pa nga.


Napaigtad siya nang maramdaman ang presensya nito sa likod niya. Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay ngunit di man lang nito iyon pinansin at nagpatuloy sa pagdikit sa kanya.


Tinawag niya iyong sales lady sa malapit. "Miss!" Sinamantala niya iyon upang makalayo pansamantala kay Leon. Masyado kasi itong dikit ng dikit sa kanya!


"May iba pa kayong size nito?" Itinaas niya ang hawak na damit.


"Meron po Ma'am, sandali lang po." Kaagad na umalis ang babae upang ikuha siya ng ibang size. Napansin naman niya iyong mag-jowa sa gilid niya. Abala ang babae sa pagpili ng damit ngunit ang boyfriend nito ay abalang nakatingin sa kanya.


Napataas ang kilay niya.


"Ma'am," untag sa kanya ng sales lady. Dala-dala na nito ang damit. Hindi na lamang niya pinag-aksayahan ng pansin ang lalaking nakatingin sa kanya.


"Wala na ba kayong mas maliit pa rito? Extra small? O kahit yung size 20."


"Eh small na lang po ang natitirang ibang size nito, Ma'am."


"Ganoon ba?" Tiningnan niya ang damit. Malaki pa sa kanya iyon. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Sige, wag nalang."


"Tapos ka na?" Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang nakakapanindig-balahibong boses ni Leon sa likod niya. Gulat na binalingan niya ito. Kailan pa ito nakalapit sa kanya?


"Hindi pa. Sandali lang."


Tumango ito ngunit di man lang natinag sa pagkakadikit sa likod niya. Nanatili itong nagbabantay roon na parang isang highclass bodyguard. May nagbabanta ba sa buhay niya at ganoon ito kung makadikit sa kanya?


Napansin niya ang panaka-nakang tingin ng sales lady na kausap niya sa lalaking nasa likod niya. Nang ilibot niya ang paningin ay napansin niyang ganoon din ang mangilan-ngilang babae roong namimili. But the man behind her was too snobbish to even care.

Pursued (BS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon