Cross Time

558 9 11
                                    

Target 1: Prologue

              "Paano kaya kung ako si Luffy??"

           Kakagraduate ko lang last April 2011, taga FEU Tamaraw ako. Nakipagsapalaran sa Cebu at bumalik naman dito sa Maynila para makipagsapalaran kung sakali, kung wala, balik ulet sa Cebu. Sayang pamasahe noh? Pero bahala na sa mga mangyayari.

           Sinamantala ko muna ang pamamahinga sa Maynila, sabay kayod ulet hanggang sa nakita ko yung Wattapad ni Pam, binuksan ko then nabasa ko mga gawa nya...tapos napanganga lang ako at nainis...kasi...nabitin ako. Hanggang sa natuto akong gumamit neto kahit nanghihingi ako nang tulong kay Pam na walang sagot, ayos lang saken. Si Pam, siya pala naging classmate ko nung 3rd year college tapos naging friend na din. Dahil sa mga sulat na ginawa niya, bumanat naman ako. Kung baga eh..."patry lang.." kung kumagat ba ang mga ginawa ko sa mga mambabasa. Tagalog man or Ingles, pero mas gamay ako sa Tagalog. Nagpapraktis pa ako sa Ingles na kwento.

           Sa edad na dalawampu't-tatlo, hanggang ngayon meron pa din akong "anime" na kinaadikan. "Anime" kung baga sa kahulugan nung iba eh "Japanese Cartoon". Yun ay ang One Piece na nilikha ni Eiichiro Oda.  Hanggang ngayon, nanunuod ako nang One Piece, at nagbabasa rin nang manga sa internet. 1999 nagsimulang ipinalabas ang One Piece sa telebisyon. Samantalang, 1997 naman inilathala sa manga. Ang salitang "manga", ibig sabihin nun..parang komiks sa bansang hapon ika nga nila.  Kung sa mga karakter naman ang tatanungin, wala nang iba kundi yung bida, na si Monkey D. Luffy. Kapitan nang Straw Hat Pirates, at magiging Hari nang mga Pirata balang araw. Kaya ko sya iniidolo dahil sa paraan nang kanyang pamumuno, sa pagtanaw nang mga respeto sa kanyang mga nakakalaban, maging sa kanyang mga kaibigan, kahit mukhang syang sobrang tanga, ang mahalaga lang sa kanya ay ang pagpapakatotoo sa sarili at ang mga kaibigang naniniwala sa kanya.

           Ngayon, dito sa totoong mundo, gusto ko rin maging katulad niya, aminado ako dun. Pero, hindi sa pagiging pirata. Kundi pahalagahan ang salitang "samahan", at pagpapapakatotoo sa sarili. Sa ngayon, may mga kaibigan pa naman ako na katulad ni Pam na kahit hindi kami masyado close nun, andun pa rin ang samahan namin. Kung sino man ang mga kaibigan na tinutukoy ko, alam nyo na yon. 

          Biglang pumasok sa isip ko habang nagtatype ako nang kwento or talambuhay or kahit ano pa man kaekekan yan...Gusto ko magkaroon nang Haki...Gusto ko maging malakas para sa mga kaibigan...Gusto ko....Gusto ko maging katulad ni Luffy!! Pero, hello?? Malabo mangyari yon. Kaso, masama ba mangarap diba?? Haha. 

          Bahala na sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

         Abangan ang susunod na target.

Cross TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon