Chapter 6: Feud

1.9K 101 11
                                    

Bea's P.O.V

















6:00 na ng umaga at lahat kami gutom na. Ganitong oras, kumakain na ako ng almusal. Pumunta na sina dito sa room 304-A kasi dito daw kaming lahat magtitipon tipon sabi ni Mike.
























Pagdating nila dito sa room 304-A , para atang may kulan.... Wala pa sina Mike. Inantok ata kagabi.




















Habang wala pa sila Mike at ang iba niyang kasama, nagusap usap muna kami. Hindi naman pwedeng umasa lang kami kay Mike. Dapat may gawin din kami.



















Nakapag-usap usap na kami kung anong mga gagawin at pakatapos, wala naman kaming ginawa kaya naisipan ko na lang na kilalanin sila. Hindi ko pa kasi sila lahat kilala.






















Lahat sila nagpakilala at mukha naman silang mababait. May isa lang ngang hindi. Yun ay yung killer. Sino kaya siya? Dapat malaman na namin ang killer.




















Umupo na lang sila sa sahig at yung iba nagkwe-kwentuhan. May kani-kanilang business. Ako? Andito lang ako sa isang gilid ng room, mag-isa lang. Kausap kasi ni Alice sina Pauline.

























Napatingin ako kay Nadine at Jane at nagiisa lang sila. Kawawa naman sila. Tumingin ako kay Nadine at tumayo siya at lumapit saakin. " Pwede bang umupo? " , tanong niya na may kasamang ngiti. " A-ah.... pwede " , tumango ako sa kanya. Nakatitig siya saakin at nakangiting nakakapangilabot.





















Natatakot ako. Baka siya nga ang killer. Limang minuto na ang nakalipas at hindi kami nagsasalita. " Dapat kasi hindi ka na nagtransfer. Madadamay ka pa tuloy " , finally, nagsalita na din. Anong ibig niyang sabihin? Nakakatakot talaga ang mukha at itsura niya. Yung parang manhid na poker face. Naka bangs siya at may eyeliner sa mata.






















" Anong ibig mong sabihin? " , tanong ko. Sabi niya kasi, dapat daw hindi na ako nagtransfer dahil madadamay pa daw ako. Nasesense ko na siya ang killer. Ibig sabihin ba pinalano niya ang lahat para patayin sila tapos bigla akong dumating kaya nagsabi siyang, " madadamay ka pa tuloy " . Haysss. Ang gulo. Natatakot ako sa kaniya. Sa itsura niya pa lang, mukha na siyang killer.





















" Wala " , sabi niya. Mag-change topic na lang nga ako.
























" Uhmmm magkwento ka naman tungkol sa buhay mo " , sabi ko at ngumiti siya ulit ng nakakatakot. Nananakot ba siya o sadyang ganyan lang siya ngumiti?




























" 5 years ago, namatay yung mama at papa ko dahil sa isang trahedya. Pero nung buhay pa sila, hindi ko nararanasan ang pagmamahal nila. Palagi akong first honor pero parang dedma lang sa kanila. Pag nasa stage na ako para lagyan ng medals, wala sila. Palagi lang silang nagtatrabaho. Wala silang oras saakin " , sabi ni Nadine at may tumulong luha sa kanyang mata.





























You're Next (Book 1) [Editing&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon