Chapter 51

32.3K 440 49
                                    

Play the song. 😊

THIS CHAPTER IS EDITED

CLUE #3

CHAPTER 51

Naging mabilis ang mga sumunod na araw. Hindi na kami nag-aaway ni Travis. Wala naman kasi kaming mapapala pag nag-away kami. Magkakasakitan lang kami.

Baby Margaux is now four months old. Mas nakafocus kami sa kanila at lalo na sa kanya. Masaya ako na inaalagaan ko siya. Hindi naman mabigat ang loob ko sa bata. Siguro sa una lang, kasi nga anak siya ng taong mahal ko sa ibang babae. Ngayon, lahat ng pangangailangan niya bini-bigay ko sa kanya.

Si Ann? Wala akong balita sa kanya. Pero tinutugis na siya ng mga kapulisan ngayon. Doble-doble ang kaso na sinampa sa kanya ni Travis.

Alam ko na kahit anong oras pwedeng bumalik si Ann sa buhay namin pero hindi ko siya hahayaan na makuha niya ang mga anak ko. Hindi man ako ang tunay na ina nila Tremendous at Margaux, nang galing naman silang dalawa mula sa pagmamahal. Sa mga bata ko ibubuhos ang pagmamahal ng isang nanay kung ano ang pakiramdam na buo ang pamilya.

Si Trevor at Trem naman, muli silang bumalik sa pag-aaral. Naayos na ang school papers nila sa nilipatan nilang bagong eskwelahan. Hindi ko na nga sila mapaghiwalay. Gusto nila lagi silang magkasama at parehas ng gamit. Kaya hanggang sa pag-aaral magkasama sila. Madalas na mapagkamalan silang kambal lalo na kapag naglalakad kami sa labas. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi nila.

May kalokohan din kasi si Trevor. Nagpapanggap siya na siya si Trem habang si Trem naman ang ginagawa niya nagpapanggap siya bilang Trevor. Madalas nilang gawin 'to sa mga nagbabantay nila. Naloloko nga nila ang mga 'to, pero hindi kami ni Travis.

"Wifey, bakit ang aga mong nagising? Anong oras na ba. Hmmmmn." Tanong ni Travis habang yakap-yakap ako.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ang laki na ng mga bata. Kailan mo ko papakasalan?" Dinampian niya ako ng halik sa labi atsaka siya nakipagtitigan sa akin.

"Sa May 8." Seryoso akong tumingin sa kanya. "May wait. HAHAHAHAAAA--- Shit! Ang brutal mo." Sinapok ko siya sa kalokohan niya.

Seryoso ang tanong ko tapos sasagot siya ng kalokohan. Kaya minsan hindi ko maalis sa isipan ko na baka ayaw talaga niya akong pakasalan. Tumalikod ako sa kanya.

Pinangarap ko din naman na makasal. At maglakad sa aisle na mahal ako ng taong mahal ko.

"Ganito na lang ba tayo? Hindi pa tayo kasal pero nagsasama na tayo. Ginagawa at nagawa na natin ang mga bagay na ginagawa ng mag asawa. Alam kong naikasal na tayo pero peke iyon. Gusto ko yung totoo na, Travis." Sabi ko.

He hugged me. Aalisin ko sana pero lalo niyang hinigpitan.

"Papakasalan pa kita. Tumayo na nga tayo. Diba may lakad tayo. Remember, isuot mo yung white dress mo. Okay? I love you." Tumayo siya at pumunta sa harapan ko.

"I know mauna kaaaaaana. Travis! Ano ba ibaba mo ko!" Napatili ako sa ginawa niya. Paano ba naman binuhat niya ako na parang isang sakong bigas.

Pinaghahampas ko ang likuran niya. Ang tigas mga bes! Sahalip na ibaba niya ako pinalo niya lang ang pang-upo ko.

"Kung gusto mong mahawakan ulit ako. Wifey, just tell me." Binaba niya ako sa lavatory.

Tinignan niya muna ang buong kabuan ko at muli siyang yumuko para gawaran ako ng isang matamis na halik. Hindi naman nagtagal tinigil niya na rin pagkatapos lumabas na siya.

Shit. Hindi ko man masabi sa kanya pero nabitin ako! Oh gosh! Nagiging pervert na ako. Bad, Morgan.

Bumaba ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Laking gulat ko ng may makita akong mga pulang marka sa may leeg at dibdib ko. Gosh!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now