C H A P T E R- S E V E N T E E N

65.9K 930 40
                                    

CHAPTER 17 -
Why he's here

Pag-gising ko kanina ay napaka-bigat na ng pakiramdam ko. Wala naman mangyayari sa akin kung tutunganga lang ko dito sa kwarto maghapon. May anak akong umaasa sa akin, kailangan kong magpakatatag sa agos ng buhay. Kung hindi ko ito sasabayan ay malulunod ako ng tuluyan at hindi makakaahon.

Agad akong tumayo at pumunta sa banyo. Pagpasok ko ay agad kong nakita ang itsura ko sa salamin, sobra ang pamamaga ng mga mata ko sa ka-iiyak ko at para akong ginahasa dahil sa gulo ng buhok ko, napansin ko din ang ilalim ng mga mata ko ang bakas ng eyeliner na tumulo hanggang sa pisngi ko. Konti na lang ay magiging kamukha ko na si sisang baliw sa itsura ko.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ba sa lahat ng makakalimutan ko ay ang pagtanggal ko pa ng make-up ko ang nakalimutan ko, ang laking perwisyo tuloy ngayon. Huminga ako ng malalim at muli kuna naman naalala ang nangyari sa mall at ang pagtawag ni Terrence. Napakatanga at napakarupok mong babae, Morgan.

"Morgan, move on! Hindi ka na ba-balikan pa ni Travis. Mas masaya siya kung wala ka at alam kong alam mo yon. Hindi pa ba sapat sayo na alam mo na kasal na siya sa iba! Morgan, ito ang realidad ng buhay hindi ikaw si Cinderella or Snow White na magka-karoon ng Prince Charming na mamahalin ka ng tapat!" Dinuro ko pa ang sarili ko sa salamin.

Kung may makakita sa akin na iba siguradong iisipin nila na nababaliw na nga ako dahil kinakausap ko ang sarili ko sa salamin habang umiiyak. Stupida, Bobo at Tanga nga siguro ako dahil kahit anong sakit pa ang naidulot sa akin ni Travis ay mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi naman agad nagbabago ang nararamdaman ng isang tao, dahil hindi ito assignment na pwede mong gawin ng isang gabi lang. Love sucks, indeed!

"Nanay?" Narinig ko na tinatawag ako ng anak ko habang kumakatok ito sa labas ng pintuan ng kwarto. Nagmadali naman akong naghilamos ng mukha dahil ayoko na makita niya ako na ganon ang itsura ko.

"Anak, sandali lang naghihilamos lang si Nanay. Sandali lang ito." Tugon ko sa kanya. Sinipat ko muna ang itsura ko sa salamin. Ngumiti lang ako sa sarili ko, pagkatapos kong makita na maayos na ulit ako ay agad din akong lumabas.

Gusto ko ipakita sa anak ko na malakas ako at kaya namin harapin ang lahat ng pagsubok kahit kaming dalawa lang ang magkasama. Na hindi namin kailangan ng tulong nang kung iba at mas lalong hindi niya na kailangan makita ang ama niya.

Yumuko ako para halikan siya sa pisngi. "Nanay, may naghahanap po sayo sa baba."

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Trevor Kung kakilala niya kasi iyon ay sasabihin niya ang pangalan. Sino naman ang maghahanap sa akin o sa amin. Nakaka-sigurado ako na hindi naman si Terrence ang nasa baba dahil bukas pa kami magkikita lalong hindi rin si Trin dahil nasa law firm ito ngayon.

"Girl or Boy?" Pagta-tanong ko sa kanyan dahil gusto kong manigurado kung tama ang hinala ko.

"Boy po siya, Nanay." Bigla naman akong kinabahan. Paano kung si Travis ang nasa ibaba? Paano niya nalaman na nandito ako? Sinabi kaya sa kanya ni Ann na dito kami nakatira? Paano kung pag baba namin bigla niya na lang kuhanin ang anak ko, habang ako walang kamalay-malay. Hindi ako pwedeng magpanic. Huminga ako ng malalim.

Malakas ang pananalig ko na hindi si Travis ang nasa ibaba dahil alam kong hindi ganon kadali kay Ann na sabihin niya Travis ang nangyari. Selfish ang malandi na hitad na iyon. Isa siya malaking bwisit.

"Go to your room, Okay? And please double lock your door, hanggat hindi ko sinasabe huwag kang lalabas. Okay? Okay, Good." Tumango lang siya at agad na tumungo sa kwarto niya.

Kinakabahan ako habang bumababa.

"Hey! Morgan Smiel Montefalco, long time no see." Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses niya.

Sa pagkabigla ay muntikan pa akong mahulog sa hagdan, buti nalang ay nakahawak ako agad ako. Hindi ko pinahalata na kinabahan ako sa presensya niya. Inayos ko ang sarili ko at taas noo ko siyang tinignan. Habang siya nakangising tumingin sakin. Paano niya ako nakita? Ang dami kong tanong sa sarili ko.

"Nagulat ba kita? Dahil ba akala mo na hindi na kita mahahanap? Morgan, you know me and you know what I'm capable of at sa loob ng limang taon na hinahanap kita ay hindi iyon naging madali." He smirked. Pag nga naman minamalas ka. Makikita mo pa ang pagmu-mukha ng isang ito."Noong nakaraang linggo ay nakita na kita na lumabas ka kasama ang mga kaibigan ko at alam mo ba pinag walang bahala ko lang iyon dahil baka katulad ko ay nakita ka lang din nila bigla. Pero mali pala ako dahil planado pala ang lahat ng ito, kaya pala hindi ka namin mahanap-hanap." Umiiling lang ako habang nagsasalita siya. Sa mga oras na ito ay hinihiling ko na sana ay panaginip lang lahat ng ito. "Morgan, it's game over."

Hindi agad na proseso ng utak ko ang gusto niyang sabihin ng maintindihan ko na lahat. Nanlaki ang mga mata ko. Paano na? This can't be. Hindi... Hindi maari ito!

"Morgan, I'm home. What the fuck are you doing here?" Bakas naman sa mukha ni Terrence ang pagkagulat ng makita niya ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Bakit, Pare?" Nakangising tanong nito.

Isa lang ang nai-isip ko ngayon. Kailangan nanamin umalis ng anak ko dito dahil hindi na kami ligtas dito.

This Chapter is now edited and more update scenes are added. Kindly leave a comment and vote. Pa-abutin po natin ng 900 votes para sa next chapter, kung kakayanin. 03/29/2019

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon