C H A P T E R - S I X T E E N

65.6K 944 21
                                    

CHAPTER 16 -
Little Prince

Naging mabilis na lumipas ang buong maghapon ko pagkatapos ng nangyari sa supermarket kanina. Hindi ko ma-iwasan isipin na paliit na ng paliit ang mundo namin ni Travis. Natatakot ako na baka magkita pa ulit sila ng anak ko, kung ako lang ang masusunod ay ayoko ng magkrus pa ulit ang landas nila. Tama na ang dalawang beses na nagkita sila.

My negative thoughts are slowly consuming me and I don't fuc king like it. What if one day ay magising na lang ako tapos wala na pala ang anak ko sa tabi ko. What if kuhanin siya ni Travis tapos gagawin niyang nanay ng anak ko si Ann. Omg! Ayoko! Hindi ako papayag na mangyari iyon. Ini-isip ko pa lang ay hindi ko kayang sikmurain ang bagay na iyon. Masaya na kami ng anak ko kahit kami lang dalawa. Ayos na ang buhay namin kahit wala siya, at tama na ang nangyari sa nakaraan namin sinisigurado ko na hindi na ma-uulit iyon. Once is enough, twice is too much.

Kahit na nakahiga na ako pakiramdam ko ay sobrang bilis ng paghinga ko. Mag-isa ako ngayon sa kwarto, nasa sariling kwarto naman niya si Trevor. Mabuti na din ito na maaga siyang nagpapahinga kaysa naman na nakikita at naririnig niya akong umiiyak tuwing gabi.

Sa loob ng limang taon ay hindi naging madali para amin ang lahat. Hanggang ngayon ay patuloy parin ako hinahabol ng aking nakaraan. Ang nakaraan ko na hindi ko matakas-takasan. At ngayon ay nakapagpasya na ako na sa lalong mas madaling panahon ay aalis ulit kami at magpapakalayo tulad ng dati, malayo sa mga taong humahabol sa amin. Malayo sa magulong mundo na ito.

Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko at nabasa ko ang pangalan ni Terrence sa notification bar. Alas alas diyes y media na ng gabi at gising pa pala ang dimuhog. Ngayon na lang siya nagparamdam sa akin.

From: Terrence
Are you still up?

Otomatikong tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Mabilis akong nagtipa ng isasagot ko.

To: Terrence
Yeah.

Plain na sagot ko sa kanya, pagkailang segundo lang ay nag-reply ulit siya.

From: Terrence
Can I call you, Morgan Smiel?

Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. What the hell, dude.

To: Terrence
Call? My answer is no, if you can see it's already ten thirty in the evening. As far as I remember I am not a call center, Mister. 🙂

Sino ba naman kasing matinong tao ang tatawag na ganun ka-late. Lalo na't lalaki siya at babae ako tapos wala naman kaming relasyon kundi magkaibigan lang. May excuse pa sana kung kami diba. Nilagyan ko na lang ng smiley ang message ko sa kanya.

From: Terrence
Please? ☹️ Just answer my call, okay. I really miss your voice. I love you!

Pagka-received ko ng message niya ay siya rin pagtawag niya sa akin sa akin. Sinagot ko naman ang call niya dahil baka kulitan lang niya ako lalo.

"Hello? Ano bang problema mo at tumawag ka ng ganito ka late." Bungad ko sa kanya.

"Uh." Iyan lang ang narinig kong sinabi ng loko.

"Hoy, Terrence! Hindi porket na magkaibigan tayo, ay ganitong manti-trip ka na sa akin. Gusto ko ng magpahinga dahil may pasok pa ako bukas ng maaga." Papatayin ko na sana ng magsalita ito at lalong kinabigla ko ang sinabe niya.

"Morgan, I really do miss you but you need to hear this first. Please, listen very carefully." Sagot niya sa akin. "But if you tame me, then we shall need each other. To me, you will be unique in all the world. To you, I shall be unique in all the world. Do you still remember that Morgan? Little Prince is one of your favorite book. Anong nangyari sa ating da-lawa?" Nag cracked ang boses niya sa sinabe niyang tayong dalawa. Umpisa pa lang ay alam kong walang kami. So anong pinagsa-sabi ni Travis, naaaning na kaya siya?

"Travis." Mahinang usal ko.

"Morgan, narinig mo ba yon? Lasing siya." Magkasama pala silang dalawa.

"Goodbye." Agad kong pinatay ang tawag niya. Pagkapatay ko masaganang tumulo ang mga luha ko, ganon parin ang epekto niya sa akin.

Bakit ganito Travis kung kailan handa na akong kalimutan at mag simula muli saka ka pa naging ganito.

This chapter is now edited and more scenes. Kindly leave a comment and vote. 03/29/2019

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now