<Scythe's POV>
Nagpapanic akong tumakbo paikot ng school para hanapin si Tardy. Medyo maikli lang kasi yung time na meron sakin. (Since magpapalit lang naman ng *toot* ang excuse ko, dapat eh makabalik agad ako sa classroom namin.) Sayang din yung test noh. Yun na nga lang ung ipinasok ko eh.
Nakita ko yung dalawang babae dun sa may flagpole. Kahit medyo impossible, ipagtatanong-tanong ko narin if they saw Tardy. Bukod sa kapansin-pansin naman talaga ang itsura non, gusto ko naring mapadali to.
"Uy. Mga ate. May nakita po ba kayong lalaki na dumaan dito?" tanong ko.
"Nako. Marami. Malamang." Ay pilosopa. Durr.
"Uhm.. Matangkad po na maputi na (medyo) gwapo na mukhang malungkot na may bag na kulay black na packbag? Meron?"
"Ahh. Meron. Ung si Enrico Gatmaitan. Dumaan sya dito eh." Ay Leche. Kilala pala nila. Pinangalanan ko nalang sana.
Medyo naiirita na yung boses ko. "Ah, ganon. San sya pumunta?"
Nanlisik yung mata nila. "Bakit , Miss? Stalker ka ba nya?"
AY NAKO ATE. UMASA KA PA. "Hindi po. Kaklase po nya ko. Pinapahanap po sa sakin eh. Hihi." *plastic na tawa*
"Okay. Nandun sya sa likod ng bleachers. Puntahan mo na agad. Baka mapagalitan pa un eh. Ingatan mo yun ha!" Aba. Nautusan pa nga ako ah. Lakaaaas.
"Hihihi. (plastic na tawa ulet.) Sige po. Salamat." sabi ko sabay takbo. Kuh! Ayaw ko nang magtagal dun. Mga may sakit yata sa utak ang mga babae dito. Kaloka.
Matapos ang ilang oras (Joke. Minuto lang.) ng nakakawindang na hanapan, nakita ko na si Tardy na nakupo dun sa may putol na puno sa likod ng bleachers. Dramatic ang ambiance, parang nasa forest lang.. YUCK. (-____-)
<Enzo's POV>
Si Klutzy?
Oo, tama. In the flesh. Ang nag-iisang babae (?) na naglakas ng loob na sundan si Enrico Zonel Montenegro. LAKAAAAAS TRIP TONG TAONG TOH. Di nya alam pinapasok nya. Tsk.
Tumigil sya sa harap ko. Parang hinihingal sya at tinitigan lang nya ko. May halong inis at pagod yung mata nya..
"Hoy. Ikaw." Sabay turo nya sakin.
Napatingin ako sa kanya. "Oh? Anong hanap mo dito?"
Binaba nya yung kamay nya. "Demonyo.. Ay mali. Ikaw pala."
TSS. Ambaet talaga nitong kutong-lupa na to. Tss. "Pwede ba. Wala ako sa mood na makipag-away sayo. Umalis ka nga. Chupee."
Nanlaki yung mata nya. Kung hindi ako badtrip eh matatawa ako sa itsura nya. "Kung makaChupee naman to! Sayo yung gubat?! May pangalan mo?! Gurabeeeh... Pasalamat ka nga sinundan pa kita. Believe it or not, nag-alala ako nung lumabas ka.. Err. Kung ano-ano kasing sinasabi mo, tapos ano.. mukha ka pang constipated na ewan na malungkot. Gusto ko lang makita kung okay ka o baka kasi... suicidal ka. Haaay nako! Makaalis na nga." Sabay talikod nya na aktong aalis.
Ano? Nag-alala sya sakin? Gusto nyang makita kung okay ako? Joke lang kaya to? Parang seryoso. Minsan ko lang marinig yung ganung drama.. AT SA KANYA PA NANGGALING. Dapat nga tumatawa na sya ngayon o nagpapamisa kasi nakaganti na sya. Pero bakit ganito yung nangyayari?
"Hoy.." Pabulong na sabi ko.
Hindi sya lumingon. "Ano? May sasabihin ka pa ba o lalaitin mo lang ako kasi---"
YOU ARE READING
I guess we'll never know: Kailan ko masasabi?
RomanceBased on a true story. Yung taong laging kaaway mo, kakulitan, kaasaran.. pano kung hindi mo namalayan, na-inlove ka sa kanya? Pano kung sya na? SYA NA NGA KAYA? Sana.. pero kailan mo sasabihin kung naging bestfriend mo na? :<
