Chapter Two: Expect the Unexpected

142 1 1
                                    

<Enzo's POV>

Ayy. Bwiseeet. Ang ingay. Kelangan bang magsigawan. Nagkita-kita lang eh, parang halos sampung taon nang nagkahiwalay tong mga babaeng to eh. Lalo pang lumakas dahil sa mga bading dito. Grr. 

(´-').。oO( ... ) ------ thinking

Ako si Enrico Zonel Montenergro. Kung hindi mo pa naririnig ang pangalan ko, ang dami mong namiss sa buhay mo. Sikat kasi ako. Hehehe. Proud ako, kasi mayabang ako. Straightforward akong tao. Ayoko sa mga makukulit na bagay o tao, kasi makulit rin ako. Gusto ko mas makulit ako. Marami akong kalokohan sa buhay. Wag nyo nang itanong, malulungkot lang kayo. Kung sa mga storyang nakikita nyo eh puro gangster ang bida, pwes, manawa kayo. Certified gangster ako eh. Oo, kasali ako sa gang, pero hindi ako active. Di ako ganun. Ayoko na pinagtritripan ung mga tao kasi wala lang. Ayos lang sakin kung may atraso, game ako sa revenge e. Mahilig lang akong makigulo..

At ito ang normal na unang araw ko sa school.

"Hoy, dre. Ayos ka pa?" tanong ni Niko. Ambobo ng potek. Halatang hindi eh tinatanong pa.

"Oo dre. Sa sobrang ayos ko eh masisipa kita." sarkastikong sabi ko.  

\|  ̄ヘ ̄|/_______θ☆( *o*)/

Tumawa lang siya. Nakikitawa din naman tong si Klyder. Hanep. Wagas.

Eto ung dalawang kaibigan ko: Si Niko at Klyder. Hindi kami F3. Baduy. Magkakatropa lang talaga kami. Si Niko ang pinakamakulit samin. Ang masasabi ko lang dito sa taong to eh "TAONG TRIP." Maraming trip sa buhay, at walang pwedeng umawat sa kanya. Maangas din kasi to. Gangster din at gago. Pero mas palakaibigan to kesa sakin. 

Si Klyder naman ang nag-iisang matino sa grupo. Kadalasan eh walang imik, nakikitawa lang. Good boy to eh. BI lang kami ni Niko kaya nakikisama to samin. Puro one liners ang alam nyan, pero wag ka, habulin din ng chicks yan. Kaso hindi nya pinapatulan. Walang interes sa babae ang hinayupak. Pero hindi sya bading, passive lang sya masyado.

Nawala ang iniisip ko ng magsalita si Klyder. "Enzo, unang araw palang sa klase, wala ka na agad seatmate. Ano na namang ginawa mo, dre?" pang-aasar nito.

"Malamang eh tinorture mo na naman ung katabi mo no? Hanep ka, dre. Paabutin mo naman ng isang linggo." sabi ni Niko. Tapos tumawa sila ulet. Ginagawa akong clown ng mga lintek na are eh!

"Hoy. Wala pa akong ginagawang masama. Ayaw nila sakin eh. Pero hintayin mo, yang mga babae sa likod, lalapit din yan at mag-aagawan para makatabi ako.I'm irresistable." Kapal ko no? Haha.

"WOOOOOOOOOOOOOOH. Lakas ng hangin, ano, Klyder? Uwi na tayo. Yabang ni Master eh." Sabay sabi ni Niko, aktong aalis na.

Ano ba to. Ang boring naman ng araw na to. Buti sana kung katabi ko sina Niko at Klyder eh ang layo nila pareho. Un namang dapat na katabi ko eh nawala na. Leche. Di ko sya kawalan. 

Bigla nalang may narinig ako sa likod na naghaharutan. Ung grupo na naman na may dalawang bakla dun sa likod. Sila lang naman ang maiingay dito eh ung buong grupo na yon. Sumandal ako para kunwari natutulog pero ang totoo, pinakikinggan ko sila. Hindi ako tsismoso, mind you, curious lang.

May umiirit. Ung isang bading yata.  “Eeeep! OMG GIRLS! LOOK! WALANG SEATMATE SI ENZO ON BOTH SIDES!” Napangisi ako. Hahaha. Ano ba to. Masyado akong sikat, kelangan ipagsigawan. 

Plak! May nanampal yata. “Hoy, Arthuro Luis Ylagan! Wag kang malandi ha! Tatagtagin ko yang ANO mo!”  WAHAHAHAHA. Tengeneh. Wagas sa pangalan eh! Nakakatuwa din pala ung grupo na yon.

I guess we'll never know: Kailan ko masasabi?Where stories live. Discover now