Her Masterpiece 7

13 1 0
                                    


Gen tried. Yes, she tried to forget kung anumang nangyari sa beach escapade. Pero the more na kalimutan niya ang lalaking iyon, the more niya itong naaalala.

"Gen?" Si Pj. Agad siyang tumingin dito. Kitang kita niya sa mukha nito ang labis na pag-alala. Pj holds her hand habang nakangiti. One month na siyang in a relationship with Pj. But she's so sure na hindi niya ito mahal. Gusto man niya itong hiwalayan pero nagdadalawang isip siya. Gen formed her loopsided smile.

"Gen?"

"I'm okay. So. . ." pinasigla niya ang kanyang boses. Lumiwanag naman ang mukha ni Pj dahil doon. "Kamusta ang trip mo sa Hongkong?" Tanong niya sa naturang lalaki. Pj just got home from his business trip from Hongkong. Isang linggo siya doon, at dumiretso agad siya kay Gen upang ayain itong mag dinner na pinaunlakan naman ng huli.

"Good. Very good. I close the deal." Nakangiti nitong wika.

"Really? Congratulation, then." Hindi niya maitatanggi na masaya siya para kay Pj.

Gen, after a while, excuse herself ng may tumawag sa kanya. It was Joana. Minsanan lang itong tumawag dahil kadalasan, nagtetext lang ito.

"O Joana? Napatawag ka?" Naghintay siya ng ilang sandali. Isang ungol lang ang kanyang narinig. Isang mahinang ungol hanggang sa lumakas ito at sobrang bilis ng paghinga. Napasapo siya sa kanyang noo. Letse ka talaga Joana!~ she deliberately thought. Pinatay niya agad ang tawag nito at bumalik sa table nila.

The thought of going back to the table fades away ng makita niya kung sino ang kausap ni Pj. Aatras na sana siya at tatalikod pero huli na dahil nakita na siya ni Pj.

"Gen meet Kit. Kit, Gen my girlfriend." Pakilala ni Pj after umupo ni Gen sa tabi ni Pj.

"We meet again" matalinghagang wika ni Kit. Nakangiti ito at parang nang-uuyam.

"Magkilala kayo?" Agarang tanong ni Pj.

"Yes/No!" magkasabay nilang sagot.

Nakatingin lang si Gen sa kisame ng condo niya. Hinatid siya ni Pj na agad namang umalis dahil may aasikasuhin pa daw ito. Good thing, agad naniwala si Pj sa kanyang ginawang rason about sa kanila ni Kit.

The next day, balik sa dating gawi si Gen. Trabaho. Condo. Trabaho. Condo. Papaunlakan naman niya si Joana sa tuwing mag-aaya itong mag-shopping. Ganunpaman, nabuburyo na siya. Gusto niya ng bagong thrill sa buhay. Pero siya yata ang binigyan ng thrill the next day.

She arrived late sa kanyang condo dahil inaya siya ng kanyang mga kasamahan na mag kape sa kababagong bukas na coffee shop malapit sa kanyang pinagtatrabahuan. Nadatnan niya si Pj na nakaupo sa sofa at madilim ang mukha na pinagtataka niya. Agad siyang lumapit dito at humalik sa pisngi.

"What are you doing here, Pj?" Gen asked.

"Ilang araw mo na akong niloloko?". Balik tanong ni Pj sa kanya. Malalim ang boses nito, at tila galit. Napa 'huh' siya dahil doon.

"Anong nagawa ko? Bakit mo nagawang paglaruan ako, Gen.?" Tanong muli ni Pj. Halatang pilit pinapakalma ng lalaki ang kanyang boses.

"What are you talking about?" Gen uttered.

"Pota Gen! Wag kang magmaang-maangan!" Nabigla si Gen sa pagtaas ng boses nito. Tumayo ito malapit sa kanya. "Pang-ilang lalaki na ako Gen? Pang-ilan na?!" Kinabahan siya ng ipakita ni Pj ang isang notebook. Hindi niya alam kung saan niya ito nakuha. Pero malinaw sa kanya na, tinago niya ito.

"Saan mo na~" hindi na natapos ni Gen ang gusto niyang sabihin ng ibagsak ni Pj ang notebook at nagsalita ito. "Minahal kita Gen. Minahal kita. Ako? Gen? Minahal mo ba ako.?"

Hindi siya makapagsalita. Nablangko ang utak niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

"Gen, sumagot ka." Dominanteng wika nito. Namula na rin ang mukha nito. Ramdam niya sa boses nito ang lungkot.

"H-hindi." Garalgal na sagot nito. Naiiyak siya sa hindi malaman na dahilan. Ayaw niyang saktan si Pj pero ayaw na niyang lokohin ito.

Kitang kita niya ang pagtulo ng luha nito. Ngumiti ito ng mapakla. "Bakit Gen? Bakit? Binigay ko naman ang lahat. O dahil ayaw mo sa mga lalaki kung umasta, parang santo."

Halos mapasubsub siya ng itulak siya ni Pj sa sofa. Dinaganan siya nito. Wala siyang lakas upang itulak ito at lumayo sa kanya. Ngayon lang niya ito nakitang galit na galit. Ang dating maamong pusa, ngayon ay naging isang mabangis na tigri.

"Ganito ba ang gusto mo, Gen? Huh?" Nagpupumiglas siya at pilit na sumisigaw pero nakatakip ang kamay ni Pj sa kanya. Hayok na hayok itong hinahalikan ang kanyang leeg.

Tumulo ang masagana niyang mga luha ng tuluyang punitin ni Pj ang pang-itaas niyang damit. Kung saan saang parte ng kanyang katawan bumabaybay ang kamay ni Pj.

"Ano Gen? Gusto mo ba ng ganito?!" Di na niya kilala ang lalaki. Parang sinapian ito ng demonyo.

Di siya makagot. Tanging mga luha lang ang sumasagot sa bawat salitang binitawan ni Pj.

Napasubsub si Pj ng may biglaang humila sa kanya at binigyan ng isang suntok.

Kit- mahinang wika ni Gen ng makilala ang lalaking kadadating lang.

"Pota ka pare!" Muling sinuntok ni Kit si Pj. Di ito pumalag at malayang tinatanggap ang bawat suntok ni Kit. Saka lang ito pinigilan ng may dumating na dalawang gwardyang romuronda at pinigilan si Kit.

Parang natauhan si Pj sa kanyang ginawa. Nagsorry ito ng nagsorry kay Gen. Pilit itong lumalapit kay Gen pero di hinayaan ni Kit na makalapit pa ito kay Gen.

"I'm sorry Gen. Di ko sinasadya. Gen."

"Umalis ka na pare." Matigas na wika ni Kit sa kanya. "Bago pa kita kaladkarin sa labas."

"Gen." Mapaklang muli ni Pj.

Tanging iyak lang ang nagawa ni Gen. Kit hugged her tight. And she felt secured. Nakaramdam siya ng kasiguridad sa mga bisig nito.

"Hush, Gen. Hush. Your safe now."

Wala na si Pj sa kanyang condo. Pero nandyan pa din ang bakas na ginawa nito. Di pa nakabihis si Gen at halos lantad ang kanyang bra dahil sa marahas na pagpunit ni Pj sa kanyang damit.

"Magbihis ka muna. Magtitimpla lang ako kape. Ipagtitimpla ba kita?"

"Tubig na lang." Nakikita ni Gen sa mata ni Kit ang pag-alala. Ngayon lang niya ito nakitang seryoso.

Di pa siya nakaabot sa pintuan ng kanyang kwarto ng lumingon siya sa lalaki at tinawag ang pangalan nito.

"Kit . . .". Lumingon naman kaagad si Kit at ngumiti sa kanya. "Salamat".

***

HER MASTERPIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon