Chapter.36*Sunset Moment*

Start from the beginning
                                    

“hindi pa, may naisip lang ako bigla na puntahan. Tara sakay na” sabi niya

Sumakay naman ako. Nag suot na ko ng seatbelt. Hindi ko na din tinanong kung san kami pupunta. May tiwala naman ako kay spade, alam ko na pag siya ang kasama ko hinding hindi ako mapapahamak.

“andito na tayo” sabi niya

“anong meron dito?” takang tanong ko. Sa lahat ba naman ng lugar dito niya pa gusto pumuta?

“aabangan lang natin ung sunset. Tara na, baba ka na jan” sabi niya

Bumaba na nga ako. Sakto lang ung dating namin kasi hapon na at malapit lapit na mag.sunset

Nauna na kong maglakad papunta sa tabing dagat. Konti lang yung tao dun tas may nakita akong nagbebenta ng mga souvenier items kaya naman pumunta ako dun.

Naka agaw sa pansin ko ung display ng mga kwintas. Sobrang cute kasi. Simple lang siya pero cute talaga ee.

“gusto mo?” tanong sakin nung bantay

“magkano po ba?” tanong ko habang nakatingin pa din ako sa kwintas

“sige kuha ka na, hindi naman ako tindero ee” sabi niya. Napatingin ako sakanya

“spade? anjan ka na pala, di ka nagsasabi” sabi ko

“kanina pa nga kita kinakausap eh” sagot niya

“akala ko tindero ung kumakausap sakin e” sagot ko

“haha, ano bang gusto mo jan? pili ka na dali” kumuha naman ako agad ung may green na pendant. Aalis n asana kami para magbayad ng bumalik ako sa display ng mga kwintas tsaka bumalik ulit kay spade

“bat ka bumalik?” tanong niya

“kumuha pa ko ng para sayo tsaka para kay pinky” sabi ko. Nag nod lang siya tska kami nagbayad at tumuloy na sa tabing dagat.

Habang naka upo kami dun sa nilatag niyang cloth tahimik lang kaming nag aabangng sunset hanggang sa magsalita siya

“mish”

“oh?”

“bat ka dati na kidnap?” tanong niya. Pero nang tignan ko siya nakatingin lang siya sa dagat

“ah.. yun bang narinig mo kanina?” tanong ko

“oo”

“nagkaron kasi ako nun ng haters, hanggang sa lumaki na ung gulo at humantong na sila sa pangingidnap sakin”

“sinaktan ka ba nila nun? Pano ka nakaligtas?”

“hindi naman nila ko nasaktan ng sobra. Nangyari kasi nun na, nasama sakin si pinky na makidnap. Nung araw na dumating sa pinagtaguan samin yung mga haters ko, hinamon sila ni pinky ng away. Kaya bali si pinky talaga yung sobrang nasaktan. Alam mo bang muntik na mamatay si pinky nun. Buti nalang naabutan kami ng chikboys, sakto at patakas palang nun ung mga haters ko kaya nahuli sila at nadala sa police station. Pero dahil lahat kami high school palang at puro minor hindi sila pwede ikulong kaya na settle lahat sa school.” Paliwanag ko

“anong nangyari sa mga haters mo?”

“napaalis sila sa school, si elise lang ang hindi”

“bakit” tanong niya

“naki usap siya sakin na huwag siya ipa-kick out. Naisip ko nun na mas mahihirapan siya kung nasa school siya kaya pinag bigyan ko siya na huwag ng paalisin sa school”

“papahirapan mo siya? Dahil kay xander?” tanong niya

“hindi. Gusto ko siyang pahirapan nun kasi galit ako sakanya. Sobrang natakot ako sa ginawa niya kay pinky. Akala ko nun mamatay na si pinky sa harapan ko. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan, kasi nung mga oras nay un nakatingin lang ako sakanya, hindi ako maka alis sa pagkakatali ko nun. Iyak lang ako ng iyak” habang bumabalik sakin yung alaala nung araw nay un, tumulo ang mga luha ko. Matagal tagal na yun, madami ng nangyari pagkatapos nun, pero naapektuhan pa din ako nung kinwento ko. Nakaramdam nalang ako na may brasong lumapat sa balikat ko

“tahan na nga, wag ka na mag kwento. Ayokong umiiyak ka” sabi ni spade

“ikaw kasi ee” sagot ko

“sorry na nga, wag ka na umiyak. Hindi bagay sayo”

Maya maya din kusa nang tumulo yung luha ko pero mabigat pa din ung loob ko

Papalubog na yung araw, kulay red orange na ung dagat dahil sa repleksyon nung araw

“ang ganda nang sun set nuh” sabi ni spade. Totoo nga, medyo gumagaan yung loob ko

“spade”

“hm?”

“pwede pasandal sa balikat mo?” tanong ko. Hindi siya sumagot pero inalalayan niyang maipatong ko ung ulo ko sa balikat niya

“salamat” sabi ko

“sige lang, sandal ka lang” sabi niya

Ganun lang kami. Hanggang sa tuluyan ng lumubog yung araw.

[Spade’s POV]:

Hindi ko mapigilang ngumiti. Ako kasi ang sandalan ngayon ng babaeng mahal ko, sana araw araw kami ganito.

Tuluyan ng lumubog yung araw hanggang sa ramdam ko na din ung lamig. Baka lamigin na si mish at magkasakit pa, kaya napagdesisyonan ko ng umuwi.

“mish” tawag ko sakanya pero mukhang nakatulog na siya sa balikat ko

“mish gising, uuwi na tayo baka magka sakit ka pa dahil sa lamig” sabi ko. Umangat naman yung ulo niya

“pasensya na, nakatulog ako. Tara, uwi na tayo” naka ngiting sabi niya

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ng magsalita si mish

“spade, thank you ha” sabi niya

“para saan?” tanong ko

“sa kasi dinala mo ko dun, ang ganda pala manood ng sunset hehe sana next time sun rise naman” sabi niya. Napangiti naman ako

“buti naman at nagustuhan mo. Sige pag may time sun rise naman, sa ngayon kain na muna tayo gutom na ko eh” sabi ko, sakto may nakita akong mcdo

“mish” agaw ko sa pansin niya. Kumakain kasi kami ngayon

“bakit?” tanong niya

“pwede ka bukas?” tanong ko

“san?” tanong naman niya

“kahit saan, kahit san mo gusto. Dinner lang tayo” sagot ko

“anong meron?” tanong niya

“date tayo” sagot ko. Bigla naman siyang nabilaukan kaya inabutan ko kagad siya ngtubig

“dahan dahan kasi” sabi ko pa

“ano kasing date sinasabi mo jan, nakaka bigla ka naman eh” sagot niya ngmahimasmasan na sya

“haha, db nga nanliligaw ako sayo” sagot ko

“ah, ok. Sige bukas. Sunduin mo nalang ako, pero sabihan mo muna ko kung san tayo pupunta para naman alam ko isusuot ko” sagot niya

“sige, ite-text ko nalang sayo bukas” sagot ko.

(c) 2013

DEDICATED TO KAY MISSPERFECTLYTORN. TUWANG TUWA AKO SAKANYA, KULIT KASI NUNG MESSAGE HAHA XD

enjoy reading LOVE LOTS AND GODBLESS!

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now