Chapter 18: Betrayal

Magsimula sa umpisa
                                    

“Manahimik kayo! Mga bwisit!” sigaw naman ni Athena habang sinusuklay niya ang buhok niya. Akmang susugod si Irah pero pinigilan lang siya ni Jaypee.


“Mas bwisit ka! Impakta,” sagot naman ni Irah na nasundan ng isang dabog. Pinakalma na lang siya nina Jaypee. Pinakalma na din si Athena para daw masimulan na ang nonsenses meeting. Para naman kahit papaano ay magkaroon ng silbi ang pagaaksaya namin ng oras para dito.


And I think this is going to be fun.


***

Kim’s POV


Naglalakad ako papunta ng Dorm nang may maamoy na naman akong masang-sang na amoy sa tapat ng Fourth Section. Parang amoy patay. Parang kanina, sa room namin.


Tumindig ang balahibo ko at nagsimula na namang kabahan. Bakit kasi kailangang magpaiwan pa ako doon. Dapat sumabay na lang ako sa kanila na lumabas dito ng room. Dapat ay hindi ko na din nakita pa iyon. Ang isang bagay na siguradong hindi ako patutulugin mamaya.


Kakatapos lang ng meeting namin. Hindi ko parin makalimutan ang nakita naming kaguluhan kanina. Wala man lang nagtanggol sa kanya. Alam kong kahit ganoon si Athena, mabait parin siya para sa iba.


“Oh, bakit ka pa nandito?” tanong sa akin ng isang kaklase ko mula sa labas. Hindi ko iyon pinansin bagkus nagpatuloy ako sa pagmamatyag at pag-iimbistiga dito sa room namin. Parang may mali. Dapat akong magpatuloy sa pag-oobserba. Kailangan kong masulosyunan ang mga kababalaghan dito sa lugar na ito, sa lugar kung saan kami araw-araw magkakasama at nag-aaral.


“May napansin kasi akong kakaiba dito kanina,” sagot ko kay Blaze. Tumango lang siya bago umalis na din kasama nina CJ, Clark at Irvin. Mag-isa ako dito. Iba na din ang nararamdaman ko na parang, may naghihintay sa akin.


Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagsimulang igala ang mga tingin sa napakatahimik na class room na ito. Hatinggabi na pero nandito parin ako. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ang bagay na alam kong malaki ang posibilidad na ikapahamak ko.


Naglakad-lakad ako at isa-isang tiningnan ang mga ilalim ng tables. Ang bawat upuan. Ang lahat ng mga bagay na pwede kong pag-obserbahan.


Nahagip ng mata ko ang dating upuan ni Julie. Ang dating upuan ng kaibigan kong, hopeless romantic. Namimiss ko na agad siya. Nasaan na kaya siya?


Pumunta ako sa upuan niya at tiningnan ang nasa ilalim ng lamesa niya. Nandoon parin ang mga ilang gamit niya. At ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan—isang red rose.


Nalanta na ang bulaklak. Pero napansin ko din ang ilang kulay pula sa tangkay nito. Tingin ko’y, mga patak iyon ng dugo. Pero kanino?


Tumayo ako at binitawan ang bulaklak. Posible kayang, ang killer ang nagbigay nito sa kanya? Pero sa pagkakatanda ko, si CJ ang nagbigay nito sa kanya noong nagkakasal-kasalan sila. Parang kanina lang, kasa-kasama ko pa siya at inaasar-asar namin. Pero masyadong marami na ang nangyari.


Pumunta ako sa mas pinakakahina-hinala, ang teacher’s table. Pumunta ako doon pero wala naman akong nakita o naramdamang kahinahinala doon.


Katabi ng teacher’s table ang isang cabinet. Hinawakan ko ang hawakan nito at dali-daling binuksan. At doon ay halos mamatay na ako nang makakita ako ng isang bangkay, ang bangkay ni Franz.


Sobra akong kinilabutan dahil sa napakarahas niyang histura. Anong ginawa sa kanya? Ang buong akala ko’y, binaril lang siya noong kumakanta siya sa harap.


Tiningnan ko ang butas butas niyang katawan. Mukhang pinagsasaksak pa siya ng paulit-ulit. Nandoon din ang mga tuyong dugo na umagos na galing sa mga malalaking sugat. Napatakip ako ng bibig at dali-daling isinara ang pinto ng cabinet.


Kinuha ko na ang bag ko at dali-daling lumabas. Pero hindi pa ako pinatahimik dahil isang masang-sang na amoy ang sumalubong sa akin sa kabilang room.


Kung ano man ang nandito sa room na ito, wala na akong pakialam. Ayoko ng makakita pa ng mga ganung bagay. Ayoko ng masindak pa at magulat dahil lamang sa mga bangkay na paulit-ulit na naming nakikita. Ang bilis ng pangyayari. Kanina lang ay namatay na si Franz, pero agad din siyang nadala sa room? Papaanong nagagaw ng mabilisan ito ng kung sino man ang pumapatay?


Tumakbo na ako pababa. Dahil sa pagmamadali, dumaan ako sa isang short cut. Pero may narinig akong isang mas kagimbal-gimbal na boses nang mapadaan ako sa lumang library. Alam kong nakakandado ito ngayon.


“Palabasin mo ako dito! Walangya ka!” sigaw niya. Kilala ko ang boses na iyon. Gusto ko siyang tulungan. Pero parang hindi ko kaya.


Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Kinakabahan ako dito sa lagay kong ito. Kaya minabuti kong itago ang sarili ko sa isang lugar. Lugar na walang makakakita sa akin dahil natatakluban ito ng mga matataas na halaman.


“Sige, sumigaw ka lang! Isigaw mo pa. Wala namang makakarinig sa’yo dahil tago ang library na ‘to. At isa pa, hatinggabi na at tiyak natutulog na ang lahat! Sayangin mo ang boses mo,” sabi ng misteryosong tao sa kanya. Nagkakamali siya, naririnig ko sila. May nagmamasid sa kanila at hindi niya iyon alam. Wala siyang kwenta. Hindi siya marunong magtago ng mga biktima niya.


“TULONG!” sigaw muli ng biktima niya. Siguro’y, nagmamakaawa na siya kanina pa pero demonyo talaga ang nagkulong sa kanya. Kailangan kong gumawa ng aksyon. Bukas kapag maliwanag na at ligtas ng pumunta dito. Pero sa ngayon ay kailangan ko ng umalis dahil wala na rin naman akong magagawa kung hindi makinig lang dito.


“Kung may nakakarinig man sa atin ngayon, ‘wag kang magdiwang dahil hindi ka niya tutulungan. Alam kong nagtatago lang siya diyan sa tabi-tabi. At natatakot siya na baka madamay pa sa ‘yo. Sayang naman kung mamatay lang din siya katulad mo, ‘di ba? Kaya, kung ako sa kanya, aalis na lang ako at kakalimutan ang mga narinig at natuklasan niya,” malakas na sabi ng misteryosong tao na parang mas lalo pa niyang ipinaparinig sa akin ang bawat katagang sinasabi niya.


Kinabahan ako ng todo.


Alam niyang nandito ako.


*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

BETRAYAL. Nagtaksil sina Louisse at Emmanuelle kay Riyalyn e. Sad.

Fifth Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon