Raine and Sebastian

Magsimula sa umpisa
                                    

I get my phone on my bag and hand it to him. "Are you really that grumpy or kaya ka lang ganyan dahil sa sinapit ng kotse mo?" Tanong ko pa habang kinakatikot niya ang cellphone ko.

"How to use this f*cking phone?" Biglang sabi niya at idinuldol pa talaga niya sa mukha ko.

Hinablot ko ang cellphone ko at saka siya inirapan. "Pwede naman kasi na tanungin na lang ako, bakit kailangan na siya pa ang maghanap ng number ko? Siguro tiningnan ang photo gallery ko. Chismoso." Malakas na sabi ko habang kinakatikot ang cellphone ko. "Here's my number." At iniabot ko ulit sa kanya ang cellphone ko. "Kung wala kang tiwala, just take a picture of my plate number then ask LTO for my address."

"Number saved!" Anunsyo niya at isinoli na ang phone ko. Tinalikuran na niya ako pero bigla ulit siyang lumingon. "Anyway, thanks for giving me an idea on how you should pay for the damages. I'll call you once I'm done making the clause of our contract." At tuluyan na niya akong tinalikuran at iniwanan. "And oh, this is a free free country with free parking. I can park where I want."

Contract?! Willing naman akong magbayad, bakit kailangan na may contract pa? Anong akala niya sa akin, tatakbuhan lang siya? Sa alindog at ganda na ipinagkaloob sa akin ng langit?! Ang kapal ng mukha niya, pasalamat siya binigyan din siya ng handsomeness ng langit.

"BAKIT BA KASI? Tumingin ka na ba sa orasan mo, ha?!" Galit at inaantok na tanong ko kay Maxx. "Maxxine alas-kwatro pa lang ng madaling araw."

"Manganganak na si Aki!" What the hell?!

"So? Ako ba ang Ob-Gyne niya?" Birong tanong ko kay Maxx na paniguradong ngayon ay namumula na ang mukha sa inis. "Joke lang. Text me where hospital, magbibihis lang ako."

"Huwag na, bumaba ka na sa kwarto mo at malapit na ako." At pinagbabaan na niya ako ng tawag. Bastos.

Hindi na nga ako nag-bihis nakakahiya mang sabihin pero naka-pajama lang ako at oversize t-shirt. Pagbaba at paglabas ko ay nakita ko si Maxx na nakapantulog lang din. Well, its a tie.

Feeling ko si Paul Walker o Vin Diesel ngayon dahil sa bilis ng pagpapatakbo nitong si Maxx. "Maxx you have a son already, pwedeng madami at malaking inggat naman." Reklamo ko, and nakinig naman siya kahit paano. From one hundred twenty to one hundred kilometer per hour na lang kami.

"I'm nervous." Biglang sabi niya.

"Seryoso? Sa lagay na 'yan kinakabahan ka pa?" Langya! Nakakabalie ba talaga ang love? "Nahiya naman ang kape sa 'yo."

Yes, nakakabaliw talaga. Been there done that na ako. Nakaka-strike two na ako sa love na 'yan.

Pagdating namin sa hopital kung saan manganganak si Aki ay nagmamadali kaming nagpunta sa delivery room. Nandoon na si Mona at Yani, at si Hush na kasama si Lander. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang relationship status nitong dalawa. Laging magkasama, ang magaling ko kasing kapatid na si Lander ay parang tuko at hindi mahiwalay kay Hush.

"Lander lumayo ka nga muna sandali kay Hush, ang sakit mo sa mata." Hindi ko napigilan na sabi. Tiningnan niya ako ng masama. "O bakit, may mali ba sa sinabi ko? At saka bakit ganitong oras magkasama kayo? Live-in na ba kayo?"

"Wala ka pake!" Pabebe na sagot ni Lander at niyakap na naman ang kaibigan ko. "Kung gusto niyo gayahin niyo kame, wala kayong pake."

Gahd! Nakakahiya siya! Buti stepbrother ko lang siya. Mabait naman si Lander, pero sadyang ganyan lang talaga ang ugali niya. Masyado s'yang clingy sa mga bagay at tao na gusto niya, and the best example is Hush. Ako ang nauunay para kay Hush dahil lagi na lang niya nakikita ang kapatid ko.

May lumabas na dalawang doctors sa delivery room na agad nilapitan ni Mona. "Doc kamusta po ang kaibigan namin, okay lang po ba ang baby niya?"  Tanong ni Mona sa doctor.

All The Single LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon