Teaser : Raine

261 11 8
                                    



May lumabas na dalawang doctors sa delivery room na agad nilapitan ni Mona. "Doc kamusta po ang kaibigan namin, okay lang po ba ang baby niya?"  Tanong ni Mona sa doctor.

Nagtanggal ng face mask ang doctor bago sumagot. "Well, okay lang naman ang bata malusog. With regards to the mother, tulog lang siya ngayon dahil sa pagod. Si mister naman ina-assist na siya ng mga nurse." Sabi nito.

Ano daw? "Ano po ba ang nangyari kay Stephen?" tanong naman ni Yani.

"Hinimatay si Mister dahil sa kaba at siguro ay dahil na rin sa hilo dahil sa pagsabunot ni misis. Please excuse me." At umalis na ang doctor na kausap nila.

May lumapit naman na nurse sa amin. "Paki-asikaso na lang po ang recovery room para sa pasyente." At iniwan na naman kami.

Kaming dalawa na ni Maxx ang umalis para mag-asikaso ng lilipatan na kwarto ni Akira at ng asawa niya na hinimatay. Hindi kaya bakla talaga si Stephen? Kunsabagay, si Lander hinimatay din tinawag lang na 'sweetheart' ni Hush. Mas bakla. Ang hinihintay ko na may kabaklaan na gagawin ay sina Trent, Julio, at si Ulysses. Idagdag ko na sa listahan si Lexus.

It's already six in the morning and we're still here in the hospital, hinihintay na dalhin dito sa kwarto ang anak Aki at Stephen. Ano kaya ang ipapangalan nilang dalawa sa anak nila? Ang cute ng anak nila, nakita na namin kanina sa nursery. Iniwan talaga naming lahat si Aki at Stephe, mas importante sa aming lahat na makakita ng cute na baby na makakapagpawala sa pagod at puyat namin.

"Ano kaya ang ipapangalan nila sa anak nila?" Parang wala sa sarili na tanong ni Yani.

Umayos ng upo si Hush bago nagsalita. "Aki said before that she wants to name her baby that after the characters on the bible." Sabi niya. Mabuti na lang at naisipan na ni Lander na umuwi. Thank You, Lord!

Natawa naman kaming tatlo dahil sa sinabi ni Hush. "Ako man ang makasalanan, ipapangalan ko rin sa mga nasa Bible ang anak ko. Doon man lang mabawasan ang kasalanan ko." Natatawang sabi ko, pero tingin ko hindi iyon mangyayari dahil sawi at bitter pa ako. Charot!

🎶You used to call me on my cellphone
Late night when you need my love
Call me on my cell phone
Late night when you need my love
And I know when that hotline bling
That can only mean one thing
I know when that hotline bling
That can only mean one thing🎶

Unknown number calling...

"Hello?"

"Meet me at Starbucks near St. Francis Medical Hospital to talk about the Maserati you damaged. Exactly eight in the morning today." And he end the call.

Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na mag-request. Ano, makikipagkita ako sa kanya ng ganito? Naka-pajama na nga ako mukha pa akong zombie.

"Sinong tumawag?" Tanong ni Hush, pero hindi ko siya pinansin.

I still have two hours to rest and take a deep nap. "Wake me up twenty minutes before eight, please?" Sabi ko sa kanila, at si Maxx at Mona lang ang tumango. Hindi rin naman ako umasa na gigisingin ako nung dalawa, mas matakaw sila sa tulog compare sa akin.


***
Author's Note:

Hola mga kaibigan! Eto na ang teaser ng next and last story para sa All The Single Ladies.

Anyways, baka Thursday or Friday ang posting ng whole story.

Enjoy!

All The Single LadiesWhere stories live. Discover now